"Class, may meeting kami. Kopyahin nyo muna ang mga nakasulat sa board. Mamaya tayo maglelesson pagbalik ko"
"Yes Ma'am" sagot namin.
Anebeyen! Pasulat na naman si Ma'am Garcia. Tapos minsan hindi naman naglelesson. Ang dami kaya nung nakasulat sa board. Pero syempre, dahil isa akong butihing estudyante, kokopya ako ng notes. Hahaha
Kopya.Kopya.Kopya
Sulat.Sulat.Sulat
Last subject namin si Ms. Garcia. At kagaya nga ng sabi ko, pasulat sya ng pasulat. Tapos minsan naman hindi nya agad inilelesson. Tss. Nakakapagod kaya magsulat.
Kagaya ngayon, 11:50 na. Hindi na sya makakapag lesson. Kasi ang out namin ay 12:00. Hayyy. Buhay estudyante nga naman.
"Peram notes." Tss ayan na naman si Jeon Kiven. Nanghihiram na naman ng notes. Napakatamad kumopya e!
"Bakit ba ayaw mong kumopya na lang kanina? Tapos hihiram ka sa'kin? Pwede naman sa iba ahh" Iritang sabi ko sa kanya
Alam nyo, sakin sya lagi nanghihiram ng notes. Siguro type nya yung hello kitty kong notebook?
"Gusto ko sa'yo e. Laging tapos. Maganda pa sulat"
"Sa iba ba hindi tapos? Saka hindi maganda ang sulat?"
"Hindi. Kulang kulang pa. Kaya sa'yo na lang."
"Eh bakit ba kasi hindi ka nagsulat kanina?" Ulit na tanong ko sa kanya
"Eh bakit ba ang dami mong tanong? Pahiram na kasi!" Nakapamulsa pa sya nyan ha!
Ayun! Yan tayo e! Sya na nga 'tong nanghihiram ganyan pa sya makapagsalita! TskTsk
Pero dahil isa akong mabait na bata at dahil crush ko sya, pahihiramin ko na rin :) Hihihi
"Oy yan na!"
Pagkaabot ko sa kanya nung notebook ko, lumabas na agad sya ng room. Tsss. Napakagaleng mo men!
"Aira! Hoy Aira Khristel! Ano? 'Bat ba antagal mo sa room? Nakalabas na lahat e ikaw nandon pa rin?"
"Sorry naman noh! Nanghiram kasi ng notes si Kiven e."
"Nanghiram? Aling notes pinahiram mo?"
"Sa English. Yung kaninang pinakopya ni Ms. Garcia."
"Ha? E tapos sya dun e."
"Tapos? E 'bat nanghiram?"
"Aba malay ko. Tara na nga. Uwing uwi na'ko e."
"Oo na 'tong bruhang to di makapag hintay e!"
Naglakad na kami palabas ng school. Pagkatapos ay sumakay na ng jeep.
Pero hindi mawala sa isip ko kung bakit nanghiram sya sa'kin ng notes e tapos naman pala sya. Anong gagawin nya dun? Sira lang?
Nakauwi na'ko sa bahay at umakyat na agad sa kwarto ko. Mamaya na'ko kakain, gagawa muna ako ng takdang aralin :D
Kinabukasan
*Kulbit.Kulbit*
Paglingon ko sa likod ko, si Kiven pala.
"Bakit?" Tanong ko
"Eto na oh." Naka poker face na sabi nya
Yun na yun? Wala man lang thank you o kaya salamat?
Bilib ako sa'yo men! TskTsk
Di ko na lang sya pinansin.
Last subject na naman namin. Ambilis ng oras, english time na agad.
BINABASA MO ANG
Peram Notes!
Teen FictionAyoko ng relasyong magtatagal, Gusto ko yung relasyong hindi matatapos. Relasyon sa babaeng gustong gusto ko. Sa babaeng tinitibok ng puso ko. Aira Khristel Recio.. Kung sana may pagkakataong mabasa mo 'to, gusto ko lang sabihin na totoo lahat ng si...