Ang tanga ko! Bakit dun ko pa sa English notebook naisulat 'yon?!
Pa'no kung nakita na nya? Pa'no kung nabasa na nya?!
Agggg! Pa'no kung iwasan nya ako?
Takte naman oh!
"Kuya bakit may mga ganitong nakasulat sa notebook mo? May pa 'ang ganda ganda talaga nya', tapos meron pang 'mahal kita' sino si Aira Khristel kuya?"
"Bakit nasa'yo yan?"
Yung nawawala kong notebook sa social studies nasa kanya pala.
"Nakita ko lang yan sa table sa baba"
"Akin na nga yan!" Agad kong hinablot yung notebook sa kapatid kong si Jen.
Hayyy. Oo na. Tama kayo!
Patay na patay nga ako kay Khristel.
Matagal na akong may gusto sa kanya. Leche pero natatakot akong umamin. Baka kasi pag umamin ako, mas lalo nya akong di kausapin. Bihira nga lang kaming mag usap baka mas lalo pang lumala yon!
Agggg! Nawala sa isip ko! Dun pala yon nakasulat.
Sanay na kasi akong nagsusulat ng tungkol kay Khristel sa mga notebook ko e. Yung mga nagustuhan ko sa kanya. Alam ko naman kasing walang makakaalam non kasi hindi naman talaga ako nagpapahiram ng notebook sa iba. Kaso naipahiram ko sa kanya yung notebook ko ng di oras
Pero wala na. Sa mga oras na 'to panigurado alam na nya.
~school~
Maaga akong pumasok, mejo wala pang tao. Nagpunta muna ako sa may garden ng school. Naupo ako sa isang bench at isinalpak sa tenga ko ang earphones ko. Pinikit ko muna yung mga mata ko.
*Kulbit.Kulbit*
Agad akong napamulat kasi di ko inaasahan na may kukulbit sa'kin.
"A-Aira? Bakit?"
"Isosoli ko lang tong notebook mo. Salamat ha. Sige mauna na'ko"
Tumayo na sya pero pinigilan ko syang maglakad.
"Hmmm. Ano yun?"
"Ah, wala. S-sorry"
"Sige."
Hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko. Baka naman kasi hindi nya nabasa. Baka pag tinanong ko mas makahalata pa sya.
Napaupo na lang ulit ako sa bench.
*Sigh*
Binuksan ko yung notebook ko sa parte kung saan may nakasulat na para sa kanya.
Ayoko ng relasyong magtatagal,
Gusto ko yung relasyong hindi matatapos.
Relasyon sa babaeng gustong gusto ko.
Sa babaeng tinitibok ng puso ko.
Aira Khristel Recio..
Kung sana may pagkakataong mabasa mo 'to, gusto ko lang sabihin na totoo lahat ng sinasabi ko.
Ikaw, matagal na kitang gusto.
Hindi nga lang siguro gusto e, mahal na siguro.Teka? Ano 'to?
Seryoso?
Hindi man kita pinapansin,
Wag kang mag alala,
Tinitignan naman kita ng palihim.
*AKR :)
Totoo ba yon?
O
Panaginip lang?
Bahagya kon sinampal ang sarili ko. Baka kasi nananaginip lang ako, kasi diba kanina nakapikit ako. Baka nakaidlip ako.
Pero hindi e. Totoo. Nababasa ko hanggang ngayon yung sinulat nya, hindi naglalaho.
Agad akong napatayo at nanakbo papunta sa room namin.
Siya pa lang yung nasa room namin dahil maaga pa naman. Nakita ko syang nagbabasa ng libro.
Nilapitan ko sya.
"Aira Khristel!"
Napatingala sya sakin. Nasa harapan na kasi nya ako.
"Hmmm. Bakit?"
Pinakita ko sa kanya yung sinulat nya.
"Totoo 'to diba?"
"Ang alin?" Nakatingin sya ng diretso sa'kin. God! Mas lalo akong naiinlove sa kanya.
Iniwas nya sa'kin yung tingin nya.
"O-oo" Namumula sya. Ang ganda nya talaga.
Tumayo sya at nagpunta sa may pinto.
"Teka san ka pupunta?"
Hindi sya nakaimik.
Agad ko naman syang niyakap.
"Gusto kita Khristel. Totoo"
Nakatingin ako ng diretso sa mga mata nya.
Hindi na naman sya nakasagot kasi dumating na yung mga kaklase namin.
"Anong meron?"
Imbes na sagutin nya si Rachel, umupo na sya sa upuan nya. Ganun din naman ako.
- - -
English time, dun ulit ako naupo katabi nya.
Napatingin sya sa'kin pero agad din namang tumingin sa unahan.
"Class, kopyahin nyo muna itong pointers to review nyo. Kukunin ko lang yung isa pa nating ilelesson."
"Yesss ma'am"
Lumabas na si ma'am ng room.
Inilabas ko naman yung notebook ko ganun din yung iba pa naming kaklase.
Pero imbes na yung pointers ang isulat ko. Iba yung sinulat ko.
Aira Khristel Recio,
Mahal kita. Sana naman maniwala ka. Handa akong patunayan sa'yo.I love you.
Inabot ko yun sa kanya at halatang nagulat sya kasi ba naman nagsusulat sya tapos bigla biglang may iaabot ako sa kanya.
Kinuha naman nya yon at nagsulat din. Pagtapos ay inabot na din nya sakin.
I like you. Sige patunayan mo.
Automatic na napangiti ako sa nabasa ko.
Hinawakan ko yung kamay nya. At ang sarap sa pakiramdam.
Ngumiti din sya sa'kin.
- - -
Ang laki ng pasasalamat namin sa teacher naming si Ms. Garcia sa pagpapakopya nya ng napakaraming visual aids sa ENGLISH.
Sa seatmate ni Khristel na laging absent. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makakatabi si Aira Khristel ko.
At syempre sa notebook na ito.
Dahil kung hindi dahil dito, hindi namin malalaman ang nararamdaman naming dalawa.

BINABASA MO ANG
Peram Notes!
Novela JuvenilAyoko ng relasyong magtatagal, Gusto ko yung relasyong hindi matatapos. Relasyon sa babaeng gustong gusto ko. Sa babaeng tinitibok ng puso ko. Aira Khristel Recio.. Kung sana may pagkakataong mabasa mo 'to, gusto ko lang sabihin na totoo lahat ng si...