EIGHT

18 0 0
                                    


Kath's POV

Ilang araw na kaming magkausap ni Daniel simula nung tragic theater 'thingy'. At aaminin ko, ngayon nalang ako ulit naging masaya nang ganto. :> 

This time kasi, unti unti nang nagiging malinaw lahat. 

Kapag magkausap kami, kahit napakawalang kwenta na nung topic, nageenjoy parin akong kausap siya. 

Kapag nakikita kong nagmemessage siya, di ko pa nakikita yung mismong message pero napapangiti na ko. 

Kahit na sobraaaang corny ng mga jokes at banat niya, ewan ko pero napapatawa parin niya ako. 

Kahit masungit ako sakanya, wala siyang pake basta papasayahin niya parin ako. 

Feeling ko, mahal ko na talaga siya. 



Naglilinis na ko ng bahay kasi nga pupunta siya dito. Maliligo na sana ako pero napa-dm pa siya sa twitter. 

Daniel: Papunta na ko. Nasa NLEX na. Susunduin mo ba ko sa SM North?

Me: Sige ingat! Hindi no, baliw di pa nga ko naliligo.

Daniel: Hala?! Di ko alam papunta dyan?

Me: Tinuro ko na sayo dba? Pagbaba mo ng SM, sakay ka Bus kahit monumento lang. Tapos sakay ka ng jeep na bayan/letre magpababa ka sa sabalo. Tapos magsidecar ka nalang sabihin mo lang sugpo court. Tas text mo nalang ako.

Daniel: Eh! Hindi ko alam, baka maligaw ako. T_T

Me: Paulit ulit ka naman eh, sinabi ko na sayo kagabi yan.

Daniel: Di ka ba naaawa sakin? T_T Paano pag may nangyari saking masama? 

Me: Nakakainis ka naman! 

Daniel: Sige, mainis ka pa. :( Sabihin mo nalang sa Cruz family and friends na mahal ko sila a?

Me: Letse ka! Wag ka nang pupunta!

Nakakairita! >.< Naglinis pa naman ako ng bahay tsaka nagreready na tapos ganyan pa! Edi wag na siya tumuloy!

Daniel: Eto naman, nandito na ko sa bus eh. Sige ah, pag may nangyari talaga sakin..

Me: Bahala ka nga dyan! 

Nainis na ko. Kaya tinurn off ko na yung PC. Ayoko kasi ng pinapakaba pa ko. 

Alam naman niya yun pero gustong gusto niya talaga akong pinapakaba. Lakas mambwiset! 

Pumasok na ko ng cr para maligo. Bahala siya, pag di siya natuloy di ko na siya kakausapin. 



After ko maligo, nagayos narin ako. 

Nagcheckered shorts and superman shirt nalang ako since yun nalang natitira kong maayos na damit sa cabinet ko. 

Ini-open ko na yung phone ko para tignan kung nasaan ba sya or natuloy ba siya.

Pero di na siya nagreply sa dm ko kanina. 

Me: Hoy! Nasaan ka na?! Natuloy ka ba?

Naghintay pa ko, pero di na siya nagrereply. Siguro wala nang internet yun. Kaya tinext ko siya. 

To: Daniel

Nasaan ka na? I-text mo ko kung nasan ka na. 

Mag-1pm na pala. Kaya nanunuod muna ako ng tv habang hinihintay siya magreply. Kaso lumipas na yung 10 minutes wala parin kaya tinext ko ulit. 

MY LOVE FROM A DISTANCE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon