TWENTY

17 1 0
                                    


Kath's POV

Masaya na malungkot ako ngayong araw. 

Masaya kasi syempre, makikita ko na siya ulit! Papunta na ko sakanila. Tsaka birthday ko na kasi bukas.. so, kasama ko siya sa birthday ko!

Malungkot kasi, next week na ang alis niya pabalik ng US. :( Ibig sabihin eto na yung huling overnight na magkasama kami. 

Pero di ko muna iniisip yun kasi gusto ko nalang sulitin yung natitirang 4 days namin nang magkasama. 


Pagbaba ko ng tricycle, nasa labas siya ng gate at sinalubong ako. 

"Oh bat nandto ka eh ang init init?" Tanong ko sakanya. Binuksan na niya yung gate para makapasok kami.

"Eh syempre namimiss na kita, gusto na kita makita. Sige na pasok ka na." Sabi niya sakin. Doon kami dumaan sa may sala nila. Nauuna ako tapos nasa likod ko siya. 

"Ano yun? Bat amoy posporo?" Tanong ko sakanya. Amoy posporo kasi. Pero di siya sumagot. 

Tuloy tuloy lang ako sa kwarto niya nang magulat ako sa nakita ko. 


"Woah, baby!" Gulat kong sabi sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Woah, baby!" Gulat kong sabi sakanya. 

Sinurprise niya ko! 

May mga decorations yung wall niya na puro hearts. Tapos nakalagay, 'Happy Birthday'. Nandon yung favorite kong junk food na, oheya. Favorite chocolate ko na, cadburry. Yung pineapple juice na gusto ko, pati na rin skin care ko. 

Lord grabe tong tao na to! Deserve ko ba talaga sya?


Naiiyak akong napaharap sakanya. Nagvivideo pala siya kaya pinauna nya ko sa paglalakad kanina. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Thank you so much, baby! Lagi mo talaga akong pinapasaya!" Masayang sabi ko sakanya. 

Bumitaw na ko sa hug at napatingin sakanya. "Talaga? Nagustuhan mo ba? Bukas sana yan kaso diba pupunta ka dito ngayon so paano pa kita isusurprise bukas." Natatawang kwento niya. 

"Sobra! Alamo naman hindi ako materialistic na girlfriend eh. Kaya thank you. Sobrang thank you sa araw-araw na pagpapasaya mo sakin." Sabi ko sakanya. 

"Hindi ako magsasawang pasayahin kita kasi mahal na mahal kita." Sabi niya sakin. Tapos niyakap na niya ko.

"Mahal na mahal din kita ng sobra, baby." Sagot ko sakanya.

After naming magyakapan, pumunta na ko sa kama para tignan yung hinanda nya. 

"Ang daming oheya!" Natutuwang sabi ko habang binibilang kung ilan lahat. "Ewan ko nalang kung hindi ka maumay sa 22 na yan." Natatawang sabi niya sakin. 

MY LOVE FROM A DISTANCE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon