NINETEEN

20 1 0
                                    


Kath's POV

Kakauwi lang namin galing Pangasinan kanina at nandito kami sa bahay nila.

Yung pangalawang araw na kasi namin, nagkasakit na ko kaya di na rin kami natuloy pumuntang hundred islands. Sumama na din pakiramdam niya kaya nagstay nalang kami sa bahay ng Papa niya.

Kinagabihan non, dumating yung mga tito at tita niya. Syempre, 5 years din siyang hindi nakita eh. Pinakilala niya ko sa mga tito at tita niya. Nakakatuwa nga kasi mukhang close na close sila. 


"Baby, kamusta pakiramdam mo?" Di ko napansin na nasa kwarto na pala sya. Tumabi siya sakin para i-check yung temperature ko. 

Nilalagnat parin kasi ako hanggang ngayon eh. Siguro dahil na rin sa mahabang byahe namin non.

"Mainit ka pa din. Inumin mo na tong gamot. Kaya mo ba umuwi?" Alalang tanong niya sakin. Ininom ko muna yung gamot tapos humiga na ulit.

"Oo, baby. Kailangan ko umuwi kasi diba ipapaalam ko pa yung sa anniv natin." Matamlay na sagot niya. 

Tumango lang siya at inayos yung mga gamit ko. "Etong mga biscuit tsaka tinapay dalhin mo. Nirefill-an ko na rin yung tubig mo. Pinadalhan narin kita ng gamot para di ka na bibili. Okay? Naglagay na din ako ng tissues dyan para sa sipon mo tsaka dalawang face masks. Suotin mo yun pag bumyahe ka na." Bilin niya sakin.

"Opo doc." Nakangiting sabi ko sakanya. Bumangon ako at umupo sa kama. "Halika nga dito." Aya ko sakanya. Umupo naman siya agad sa tabi ko. Niyakap ko siya. 

"Thank you sa pagaalaga ha?" Sabi ko sakanya. "Kulang pa nga to nung mga panahong may sakit ka tapos wala ako sa tabi mo. Iingatan mo sarili mo tulad nang pag-iingat ko sayo ha?" Sabi niya sakin. 

Bumitaw ako sa yakap niya at tinignan siya diretso sa mata. "Mahal na mahal kita ng sobra, baby!" Sabi ko sakanya. Hinawakan ko nya naman yung dalawa kong kamay. 

"Mahal na mahal din kita."








NANDITO na ko ulit sa kanila. Hehe. 

Mamaya na kasing madaling araw ang alis namin papuntang Rizal para sa 5th anniversary namin. 

Nagjoin kami doon sa tour keme sa fb, hindi naman siya mukhang scam kasi may group chat sila para sa mga kasama sa tour mamaya. 

"Ilang damit dadalhin natin?" Sabi niya sakin. "Dalawa lang siguro? Isang buong araw lang naman tayo doon." Sabi ko sakanya. 

"Gabi na tayo umalis pa-manila ha, 3 am pa naman yung lakad natin." Sabi ko sakanya. Tinanguan lang niya ko. 

Sa may SM Megamall kasi yung meeting place pero 3 am pa naman. Kaya natulog muna kami para may energy kami mamaya. 




Nag grab na kami papunta sa meeting place. Late na kami!

Paano kasi, pagdating namin kaninang 9pm sa SM Megamall, wala naman kaming magawa. Nanood kami nang movie, yung The Grudge. Para pampaplipas oras din.

MY LOVE FROM A DISTANCE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon