TWENT Y ONE

23 1 0
                                    


Kath's POV

Ilang buwan na din simula nung bumalik si Daniel sa US. 

Nung mga unang araw, nahirapan talaga akong mag-adjust. Kasi syempre nasanay ako na pinupuntaha ko sya, na magkasama kami lagi. 

Nalulungkot ako.

Iniisip ko na nga lang yung mga sinabi niya. Kung gaano niya ko kamahal at yung paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya ko iiwan. 

Nagrereview lang ako para sa board exams. Balak ko nga next year na kumuha kasi mukhang di ko kakayanin na magtake this Oct. 

Nakasupport naman si Daniel sa mga decision ko, sabi niya nga..

"Kakayanin mo yun! Ikaw pa ba eh baby kita?" 

Pag nagrereview nga ako, magkavideo call parin kami. Di kami naguusap, hinahayaan niya lang ako magreview. Minsan gumagawa siya ng gawaing bahay or nanonood siya ng movies. 

Naging ganon yung routine namin lalo na kapag madaling araw dito. 

Ewan ko pero pag nandyan siya, pagka-video call ko siya, ginaganahan ako magreview. 

Lagi niya kasing pinapaalala yung mga goals namin. Lagi niya kong minomotivate. 

Tapos pag di naman ako nagrereview, maglalaro lang kami ng ML o kaya manonood ng movie thru rave. 

Hindi kami nauubusan ng topic kahit araw-araw kaming naguusap. Kahit memes na sa facebook or political problems, napaguusapan namin. 


Pero these past few days, napapadalas na yung away namin. 


Magka-away nga kami ngayon eh. Haha. 

Pinag-awayan namin yung pagiging overthinker  ko. Tinanong ko lang naman kasi siya bakit parang nagiging cold na siya. Sabi niya lang,

"Ikaw lang nagiisip niyan. Hindi naman ako cold eh. Hindi ba pwedeng pagod lang ako sa work? Madami akong ginawa buong araw, Kath. Alam mo naman yun. Lagi mo nalang akong pinagiisipan nang ganyan." 

After nun natahimik nalang ako. Ramdam ko rin kasi na ayaw nyang makipag-away. 

Bigla nalang namatay na yung call. Connection lost kasi nawalan kami ng internet. 

Pagbalik nung internet namin, chinat ko na sya agad. 

Kinulit ko siya ng kinulit pero mukhang tulog na siya. 


Siguro kung hindi ko sinabi yun, okay kami ngayon. 



Kinagabihan, hinihintay ko yung chats niya. Kasi for sure gising na sya eh. 

Maaga kasi yung work niya. 

Pero pagbukas ko ng messenger, wala siya ni isang chat. 

Naiiyak na ko kasi iniignore na naman niya ko. Alam kong gising na siya kasi nakapag like na siya ng tweets sa twitter eh. 


Ganon kasi kami kapag nagaaway, lalo kapag sobra na, hindi siya magpaparamdam. Ni chat or call, wala. 

Pinaka matagal na pag-iignore niya sakin non, umabot ng 3 days. Walang paramdam. Ang lala kasi talaga nung away namin non eh. 

Pero sabi niya, huminga lang naman daw siya kasi sobra sobra na to the point na hindi na siya makahinga. :( After nun, hindi na niya ulit ginawa yun. 

MY LOVE FROM A DISTANCE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon