Chapter: 11

89 9 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 11

Walang araw na hindi ako pinasasaya ni Dustin, tulad nga ng sinabi niya niligawan niya ako.

Araw-araw may bulaklak, halos natutukso din ako ng mga suki ko na costumer. Tuwing day-off inaaya niya ako mag date, pero hindi sa mga mamahaling restuarant kundi sa mga lugar lang na pwede kong pasyalan.

Sumasama din minsan ang tatlo, o kaya si Rojane. Gusto kasi ni Dustin na mag enjoy din ang iba hindi siya yung taong kami lang gusto niya mag eenjoy din ang iba. At kasabay nun ay ang balitang umayos-ayos na ang aking inay.

Halos limang buwan na ako nagta-trabaho sa shop ni Dustin, sir ko pa din siya at hindi ako nagpapaka-espesyal pag oras ng trabaho talagang busy ako. Hindi ko na din nabalitaan kung babalik pa bilang assistant ang pinsan niya na.

Massaya naman ang trabaho ko dagdag inspirasyon talaga lalu at nagiging okay na ang pamilya ko sa Pilipinas, hindi na ako masyadong nag aalala dahil hindi ko naman sila napapabayaan.  Lalu ngayon na malapit na maka-graduate ang sumunod sakin.

"Coffee." 

"Thank you." Malamig pa din ang panahon kahit tapos na ang snow.

"Nilalamig ka pa din? Gusto mo yakapin kita?" 

"Uy tumigil ka nga, nasa labas tayo ah." Saway ko pero alam ko naman na nagbibiro si Dustin, kami na din naman sinagot ko na siya last week after five months na nanligaw wala naman siya pinagbago.

Mas lalu siyang naging sweet sa akin habang tumatagal mas lalu ako naiinlove sa kanya.

"Saan mo balak mamasyal bukas?" Tanong niya dito.

"Parang napuntahan na natin lahat ng lugar, siguro mag picnic na lang tayo." May naisip kasi ako lalu at birthday ni Dustin bukas balak namin gawan siya ng supresa.

"Sure, hahanap ako nang magandang place para makapag picnic tayo." Nakangiti nito sagot sabay sandal sa balikat ni Danica

Hindi pa sila umuuwi at eto nagka-kape lang sa park, masaya na siya sa ganito. Simple lang mga hilig ni Danica kaya mas lalu din siya naiinlove sa dalaga, pero bigla din siya nalungkot nang maalala ang sitwasyon niya.

Hanggang ngayon wala pa din siyang lakas ng loob aminin ang totoo, pinakiusapan niya din ang tatlo na hintayin na muna sya ang magsabi baka hindi niya kayanin kapag nawala si Danica. Isa pa nag hihintay lang siya nang mga papeles para sa divorce nila ni Roanne kaya nga siya lumipat ng pansamantalang tirahan. Para may katibayan talaga na hindi na sila nagsasama.

"May problema ba? " nag alala ako kasi bigla siya natahimik.

"Wala." Saglit siyang umayos ng upo at tumitig kay Danica.

"Listen to me, ikaw lang mahal ko. At pangako ko sayo magpapakasal din tayo."

"Hindi naman ako nagmamadali noh, anu ka ba. Itong year na to, graduation na ni Liza then two years pa graduation na din si Em." Nakangiti kong sagot, pero pansin ko na maledyo malungkot siya.

"Okay ka lang ba?" Muli kong tanong.

"Oo" sagot niya sabay tango at ngumiti.

"I love you." 

"I love you too Dustin." At ako naman ang sumandal sa kanya.


~

"Sa tingin mo kaya papayag si Roanne na makipag-divorce sayo?" Tanong ni Hanz

Nag iinom silang dalawa, kailangan niya nang makakausap ngayon kaya napili niya tawagin ang kanyang bestfriend. Isa pa ito lang naman nakakaalam ng relasyon niya kay Danica.

"Ang duwag ko na hindi nasabi sa kanya ang totoo." Malungkot niyang sabi

"Bro, baka isipin ni Danica niloko mo lang siya then eto dahil kasal ka pa lalabas na third party siya." Paliwanag ni Hanz

Napatayo si Dustin at nagpalakad-lakad, hindi niya alam kung saan siya magsisimula lalu sa ngayon. Ayaw niyang mawala sa Danica ito lang ang taong nagpasaya sa kanya, binago nito ang mundo niya at hindi niya inaasahan na magiging ganito kahirap ang sitwasyon.

"Anung gagawin ko?"

"Sa ngayon, dapat makausap mo muna maigi si Roanne para na din s ikatatahimik ng lahat."

Napailing na lang si Dustin at muling uminom.


~

"Ready na lahat?" Excited ako lalu at syempre bithday nang lalaking napaka-espesyal na ngayon sa buhay ko.

Mukha talagang hindi na naalala ni Dustin kaya eto, ako na lang ang nagplano para sa araw na to.

"Ready na lahat mauna na kami doon ah!" Wika ni Rojane

"Oo mauna na kami dun Danica, para pag dating mo diretsong surprise na!" Sabat ni Allie.

Ngumiti ako maaasahan ko talaga ang mga kaibigan kong eto at di lang yub naging close din si Rojane sa tatlo kong kasama.

Lumabas na silang lahat maliban sa akin, bumalik muna ako sa kwarto at pinagmasdan saglit ang sarili ko, nagsuot ako ng bestida ngayon. Feel ko lang kasi lalu at picnic naman, mabuti na lang natext sa akin ni Dustin ng maaga ang place kaya mabilis na kami nakapag plano.

Hindi na ako nagpasundo, pinauna ko na siya dahil sabi ko dadaanan ko pa si Rojane

"Buti na lang pumayag siya." Muli kong bulong at isa pang sulyap sa salamin.


~

Nakaupo na si Dustin sa lugar kung saan niya napili ang mag picnic, ganitong ka simple lang ang pangarap niya, nanghihinayang lang siya kung bakit kelan pa nakatali siya tsaka naman nakilala si  Danica. Pero kahit maging ganun pa man, isa pa din ang alam niya si Danica lang babaeng mahal niya na kahit nga kasal siya kay Roanne ay ito naman ang tinitibok ng puso niya.

"Dustin!"

Lumingon si Dustin at nakita ito, napangiti siya nang makita ang suot nitong damit naka-bestida na cream floral. Bagay dito ang damit na simple dahil simpleng babae lang si Danica, parang slow motion habang naglalakad ito palapit sa kanya kaya agad siyang tumayo ay sinalubong ang nobya 

"Kanina ka pa?" Tanong ko sabay ngiti.

Pero imbes na sumagot ay isang yakap ang ginawa ni Dustin.

Napangiti ako.

"Happy Birthday." Bulong ko  

Napahinto si Dustin at saglit na humiwalay sa pagkakayakap kay Danica

"Nakalimutan ko na Birthday ko." Bulong niya

"Surprise!" 

Natawa si Dustin nang makita na kumpleto ang lahat pati si Hanz na kinasabwat nang tatlo.

Nakilala na din ito ni Danica at naging close din sila,

"Guys, ngayon lang ako nasopresa ng ganito promise!" Sagot sabay lingon kay Danica.

"You made my life special, everyday." 

Ngumiti ako at binigay na ni Allie ng cake sakin.

"Happy birthday to you!"

Lahat sila ay kumanta, kaya lalung napangiti si Dustin hindi lang yun dahil ito ang pinaka naging espesyal na Birthday niya. Never naman siya naghanda at hindi ganito, hindi tulad ngayon na may isang taong nagpapasaya at sobra niyang mahal.

"Make a wish." Sambit ko.

Pumikit siya saglit.

"I hope someday everything will change."  Sa isip niya at dumilat sabay tingin kay Danica.

"I love you." Sabay blow ng cake.

Nagpalakpakan naman sila at ako syempre sobrang saya, saglit na binigay ko kay Allie ang cake at sinalubong ko muli nang yakap si Dustin, hindi lang yun humalik siya saglit sa pisngi ko.

"Happy?"

"Super." Bulong niya at mas lalu pa hinigpitan ang yakap kay Danica.


#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon