Chapter: 26

90 7 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 26

Nakadinig ako nang sunod- sunod na doorbell kaya agad kong binuksan ang pintuan, napamaang pa ako nang makilala kung sino ang nasa harapan ko.

"Excuse me!"  Sabay pasok ni Roanne sa kwarto ni Danica, dire-diretso siya hanggang sa pinaka master bedroom ng suite.

"Teka lang, anung ginagawa mo?" Tanong ko.

Huminto si Roanne at lumingon sa kanya.

"Nasaan si Dustin?" 

"Ha?"

Lumapit ito at tumitig sa kanya.

"Bingi ka ba? O gusto mo na ulitin ko ang tanong ko sayo?" Mataray nitong sabi.

"Nasaan ang asawa ko?" 

"Edi hanapin mo, kung iniisip mo na andidito siya."

Halos mairita si Roanne at muling pumasok sa kwarto, maging sa banyo sa mga cabinet. Ilalim nang kama at kahit saan pa, nang walang makitang Dustin ay muling  bumalik kay Danica

"Saan mo siya tinatago?" 

"Nakita mo naman na wala siya di ba? May nakita ka din ba na mga gamit niya?"

"Sigurado ako na tinago mo siya! Mang aagaw ka talaga!" At umakma ang kamay nito.

Pero mabilis kong nahawak ang kamay niya, 

"Wala kang karapatan na saktan ako, para sabihin ko sayo hindi ko inagaw ang asawa mo!" Sabay tulak sa kanya.

"Makaka alis ka na, bago ko pa i-report ang panggugulo mo sakin dito." 

Tumingin lang siya nang matalim kay Danica,

"Alam ko na tinatago mo lang si Dustin!" 

Ngumiti lang ako at muling tumingin sa kanya.

"Kung tinago ko siya dito, bakit wala kang nakita?" 

Hindi na umimik si Roanne at binangga pa si Danica bago tuluyan na lumabas sa kwarto nito.

Napahinga naman ako nang maluwag at sinara na rin ang pintuan.

~

"Wala siya dito!" Inis na sabi ni Roanne habang kausap sa cellphone si Matthew.

"Ibig sabihin nagkamali ka? Baka naman may ibang pinuntahan si Dustin!" Parang may pang iinis sa tono ni Matthew.

"Shut up! Bantayan mo ang asawa mo, kung gusto mo mapalapit kay Daryl!"

"Now you playing games! Bakit hindi mo din bantayan ang asawa mo, para hindi niya malaman ang totoo." Sabay tawa ni Matthew.

"Parehas lang tayong tuso Matthew, kaya ayusin mo na lang ang pinapagawa ko sayo!" Sabay patay nito nang cellphone.

"Hello!" Naiinis na nilapag ni Matthew ang cellphone niya, maya-maya ay napansin niyang may paparating na kotse sa bahay nila Roanne, dun kasi siya nagpunta para makita lang man ang kanyang anak na si Daryl, agad na bumaba ang nakasakay roon na walang iba kundi si Dustin.

"Napa-praning si Roanne at ang hinahanap niya ay naririto."

"Daddy!" 

Nadinig niya yun at agad na nakita ang lalaking tantya niya ay kasing laki lang din ni Keisha, agad na sumalubong nang yakap kay Dustin.

"Akalain mo nga naman,si Dustin ang nakilaka mong ama imbes na ako." Bulong niya na tinatanaw lang ang dalawa.

Dapat sa kanya ang mga yakap na yun, dapat siya ang tinatawag na  Daddy. Sa tinagal-tagal na mag asawa sila ni Danica ay hindi pa nabuntis ito, bihira lang sila magtabi dahil na din sa pagtanggi lagi nang asawa.

"Pero hindi pa tayo tapos Dustin, napunta sayo si Danica, pati anak ko inagaw mo." Puno ng galit ang mga mata niyang nakatingin dito habang nakangiti na kayapak at buhat-buhat si Daryl.

Muling tumunog ang cellphone niya,kaya sinagot yun.

"Naririto si Dustin, siguro talagang napa-paranoid ka lang! Bumalik ka na dito huwag mo nang guluhin si Danica!"

"Fine!" Sigaw din ni Roanne at pinatay ang linya kay Matthew, agad siyang nag dial para tawagan naman si Dustin.

"Teka lang baby, tumatawag mommy mo." Agad niyang binaba ang bata at sinagot si Roanne.

"Hello?".

"Hello! Saan ka nanggaling?"

"Alam mo naman kung saan ako nanggaling di ba?" Sagot niya kay Roanne, saglit siyang sumenyas sa yaya ni Daryl para ipasok muna ang bata.

"Sinungaling ,tumawag ako kay Hanz!" 

"Oo sinabi nga sakin ni Hanz, hindi naman kasi ako agad dumiretso sa shop may mga inasikaso pa din ko na ibang bagay."

 

"Pwede ba Dustin!"

"Pwede din Roanne kararating ko lang!" Sigaw niya sabay patay nang cellphone.

"Hello! Hello!" Naiinis niyang binalik ang cellphone sa bag, bago humakbang nang mabibilis. Maaga siyang babalik bukas para lang komprontahin si Dustin.

~

Nakahinga naman ng maluwag si Dustin, mabuti na lang at naabisuhan sila nang mas maaga kaya agad silang nakapaghanda ni Danica.

"Sige salamat." 

"May problema ba?" Tanong ni Danica sa kanya.

"Si Hanz yung tumawag, tumawag daw si Roanne sa kanya, kaso hindi naman niya alam yung plano ko." 

"Anung gagawin natin?"

"Listen, ayoko muna mapahamak ka lalu kay Matthew. Kaya mauuna na ako umuwi sa amin one week na lang naman at matatapos ka na, hintayin na lang kita sa manila. Pagka-uwi ko aayusin ko na lahat nang papeles namin para sa divorce namin." Sabay ngiti niya kay Danica at saglit na pinisil ang pisngi.

"Mag iingat ka." 

"Don't worry, ikaw din." Bulong ni Dustin at muling hinagkan ang labi nito.

Napalingon siya kay Daryl, hindi naman niya kakalimutan ang obligasyon sa bata. Pero hindinna siya papayag na mawala pa si Danica sa kanya.




#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon