Chapter: 18

103 7 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 18

Formal attire lang suot ko nang pumasok, tulad nang bilin ni Matthew ako muna daw ang mag asikaso nang darating na bisita at meeting.

Hindi naman na ako hirap sa mga trabaho dahil sanay naman ako, isa pa kailangan ko gawin to para kay Keisha. Saglit ako napahinto, kilala ko ang boses na yun kaya muli akong bumalik sa dinaanan ko at saglit na lumingon sa kabilang bahagi.

"Dustin." Sambit ko, naroroon na naman yung mabilisang kabog ng puso ko.

"Anung ginagawa niya dito?" 

Una kaagad na pumasok sa isip ko, siya ba yung makakasama ko sa meeting.

"Oh my." Mabilis ako nagtago nang mapansin ko na titingin siya sa pintuan.

Bakit inaadya ng panahon na pagkitain kaming dalawa, para saan pa? 

"Mrs. Zapanta! You're here!" 

Bakit ba naman may nakakita kaagad sa akin, kaya mabilis na lang akong umayos at pansin ko na lumabas na si Dustin.

Maging si Dustin ay nabigla ng makita si Danica, hindi pa naman niya nakikilala ang lahat dahil ang Daddy niya ang naghahawak dito noon.

"Mr. Smith siya nga pala si Mrs. Zapanta, asawa niya ang may- ari ng company na to."

Napatitig saglit si Dustin kay Danica, hindi niya inaasahan na magiging magka-trabaho muli sila ng babaeng ni minsan ay hindi nawala sa puso niya.

Para naman ako matutunaw sa mga titig ni Dustin, halos hindi tuloy ako mapalagay lalu kapag nalaman ito ni Matthew sigurado na magagalit yun.

"Excuse me." Iwas ko at mabilis na tumalikod, pupunta muna ako sa opisina ko kailangan ko muna talaga i-relax ang isipan ko at mga nagaganap ngayon.

"Pasensya na kayo Mr. Smith, sadyang mahiyain si Danica pero napakabait naman,  yun lang malas sa asawa."

Tumingin si Dustin sa katabi.

"Malas?"

"Paano, kahit dito minsan nasasaktan si Ma'am Danica. Basta mainitin ang ulo ni Matthew, may nagsasabi nga na kinasal lang ang dalawa dahil buntis ito at para pagtakpan lang."

"Hey Bert, kalalaki mong tao kung anu-anu kagad ng kinikwento mo kay Mr. Smith." Saway naman ng isa.

"Totoo naman kasi." 

Hindi na umimiki si Dustin, ngayon alam na niya na ang batang kasama nito kahapon ay talagang anak niya. Pero kailangan pa ilihim ni Danica? Dahil ba natatakot ito na makasira ng pamilya.

~

Umiiyak na naman ako habang nakayuko sa lamesa ko, parang ayoko tuloy lumabas. Pakiramdam sasaktan ko lang sarili ko dahil hindi ko makalimutan si Dustin at eto patauloy ko pa din siya minamahal kahit alam ko na mali na.

"Danica."

Saglit ako napatigil at dahan-dahan inangat ang ulo, nakita ko siya na nakatayo at nakatitig sa'kin bakas sa mukha ang pag aalala na laging ko nakikita noon.

"Dustin." Parang ang sarap lang pakinggan na tinatawag ko ang pangalan niya pero ang totoo hanggang akin na lang yun.

"Anung ginagawa mo dito?" 

"Anak ko si Keisha tama?"

Napatayo na ako at umalis sa table ko, tumalikod  sa kanya.

"Danica." Sabay lapit ni Dustin at hawak sa braso,

Lumingon ako.

"Anak ko siya. Anak ko si Keisha." 

Mas lalung lumandas ang luha ko at napatango, pero wala nang sinabi si Dustin kundi ang hilahin ako at siilin ng halik. Saglit ako napahinto at hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko, napapikit ako at dinama muli ang halik niya. Ang halik na namimiss ko sa tuwing malungkot ako, niyakap niya ako kaya gumanti ako ng yakap, sobra ko namimiss ang mga eksenang ito.

Maging si Dustin ay hindi na makawala sa emosyon kahapon pa niya gustong gawin ang mga bagay na ito.  Huminto siya at bahagyang lumayo, tinitigan niya ang mukha ni Danica habang nakapikit. 

"Hinanap kita, hindi ako tumigil sa kakahanap sayo."

Dumilat ako, pansin ko na nakatitig siya at may luha ang kanyang mga mata.

"Ayoko makasira ng pamilya lalu at may batang magsasakrispisyo."

"Pero may anak din ako sayo, bakit ka lumayo?" 

Saglit akong lumayo sa kanya.

"Hindi ko alam n buntis na pala ako, nalaman ko lang nang makabalik na ako dito."

"Tapos nagpakasal ka kay Matthew?" 

"At bakit hindi?"

"Yung totoo Danica, bakit ka nagpa-kasal? Para iwasan ba ako?" Tanong niya at muling lumapit dito.

"Nagpakasal ako dahil nahirapan ako sa sitwasyon ko,  naging usap-usapan ako sa lugar namin. Iniisip ko kalagayan ni Inay at baka bumalik sa dati aya nang mag offee si Matthew tinanggap ko." Paliwanag ko na nakatingin sa kanya.

"Mahal mo pa ba ako?" 

Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"Dustin, kahit naging mahirap sitwasyon natin hindi ka nawaglit sa puso ko." Muling pumatak ang luha ko.

"Pikit-mata akong nagpakasal sa iba dahil ang kahit kelan hindi ako makakasal sayo, dahil kahit kelan sigurado ako na hindi ka pakakawalan ng asawa mo."

"Matagal na kaming hindi nagsasama ni Roanne, oo kasal kami pero mula ng saktan niya ako noon nawala ang tiwala ko. Limang taon bago ng makilala kita, sa loob ng limang taon muli akong sumaya sa piling mo."

"Pero bakit mo nilihim sakin ang lahat?" 

"Kung sasabihin ko ba, may magbabago ba? Matatanggap mo pa din ba ako, na kasal ako?" 

Umiling ako at bumuntong-hininga.

"Sa ngayon may kanya-kanya na tayong buhay, may anak na kayo ni Roanne. Okay naman kami ni Keisha kay Matthew."

"Gusto ko din makasama ang anak ko, sana payagan mo ako." Hiling niya

"Susubukan ko, pero alam mo naman na kumplikado na ang lahat. "

Napatango lang si Dustin.

"Babalik na ako, ses you later sa meeting." Sabay talikod.

Sinundan ko siya nang tingin, kung hawak ko lang ang mundo at kung pwede lang ang bawal na pag-ibig sinunod ko na ang puso ko. Pero ayoko ma-karma kasi babae din ako, pero ang puso ko patuloy pa din nagmamahal at si Dustin lang ang sinisigaw.

Bago buksan ni Dustin ang pintuan ay muli siyang lumingon kay Danica.

"We have a right love at the wrong time." 

Napatitig lang ako sa kanya, tama nga naman siya. Totoong nagmamahalan kaming dalawa ngunit sa maling panahon at pagkakataon.

Tuluyang nag lumabas si Dustin sa opisina ko.

"Baka hindi pa ito ang tamang panahon, kung tayong dalawa ang nakatadhana sigurado na magtatagpo muli ang landas natin." Bulong ko 



#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon