3RD FATE

23 4 7
                                    

*****

20 minutes. 20 minutes na kaming nakaupo dito pero walang may balak magsalita. Ang awkward! Parang gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko. Nakatingin lang siya sa labas habang ako ay sa kanya, char! Sa relo lang ako nakatingin pramis! Kaya nga alam ko yung oras eh.

"Aya"

"21 MINUTES!" gulat kong sabi at napatingin sa kanya. 

"Huh?" nagtatakang sabi niya at kumunot pa ang noo. Grabe sobrang perfect pa rin niya tignan!

"H-huh?" sabi ko rin. Jusko, baka isipin niyang baliw ako!

"Nevermind. I think I startled you, again." natatawang sabi niya habang umiiling. Hindi naman ako magugulatin! Pero pag kinakausap talaga niya ako bumabaliktad yung utak ko!

"Ah, h-hindi! Hindi naman hehe. Uhm… ah kinakabahan lang ako." nahihiyang sabi ko.

"Hmmm… bakit naman? Am I that intimidating?" he asked while leaning on the table. Ampotchi. Mas lumapit pa tuloy yung mukha niya, grabe di ko na kinakaya ito!

"H-hindi naman, di lang ako sanay na kinakausap mo ako." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sakto naman at dumapo ang tingin ko kay Kent na sobrang sama na naman kung makatingin. Luh?! Inaano ko na naman yun? Tinaasan ko siya ng kilay pero tinalikuran na niya ako. Epal.

"Hindi naman ako nangangain. Sige ganto nalang, let's formally introduce ourselves. To lessen the awkwardness, perhaps?" sabi niya at sumandal sa upuan. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sayang, bakit di siya nangangain? Char! Ang harot, Aya.

"So let me start… I'm Tr--"

"Tristan Ryle Lim, 21 years old, born on July 31, only child of Mr. Kyle and Mrs. Trinity Lim, 4th Year Medtech student, favorite color brown, likes reading books, hates messy places." tuloy-tuloy kong sabi.

"Woah. You know me that much ha?” di makapaniwalang sabi niya. What the?! Did I just said my thoughts out loud?! Aya, you’re really stupid!

“Ah...Ano kase… Naririnig kita lagi sa mga blockmates ko. Ikaw yung lagi kasi nilang pinag-uusapan hehe” sabi ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Maniwala ka please!

“I see…” natatawang sabi niya.  

“...so mind introducing yourself?” tanong niya sakin. Tumango naman ako at huminga muna ng malalim. Woooh! Aya galingan mo, okay? Wag mo ipapahiya sarili mo!

“I’m Aya Nerissa Magne, 20, 3rd year Accountancy student, kung di makagraduate tagahugas nalang ni mama. Single and ready to mingle lalo na kung sayo.” proud kong sabi at kumindat pa sa kanya. Tumawa naman siya na parang wala nang bukas. O...kay? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Y-you’re really funny Aya, aren’t you?” natatawa pa niyang sabi sakin. Okay do I look like I’m joking? Totoo naman lahat ng sinabi ko ah! Ngumiti nalang ako nang pilit sa kanya. Kung ayaw niya maniwala, edi wag! Natapos siyang tumawa at maya-maya ay tumahimik na rin. Yun na yon? Wala na talaga susunod?

“Uhm… T-Tristan, pwede magtanong?” pag-uumpisa ko.

“Nagtatanong ka na” nakangiti niyang sabi. Okay, funny mo ha. Funny mo.

“Ah hehe, so pano kayo naging magkamag-anak ni Sir Matthew?” tanong ko.

“Well, magkapatid sila ng mama ko.” tipid na sagot niya. Okay, so that explains bakit magkaiba sila ng apelyido.

“So, Accountancy student ka pala? Akala ko Arki student ka.” sabi niya.

“Yup. Di ko nga alam saan niyo nakuha na Arki student ako.” natatawang sabi ko. Somehow ay nagiging komportable na ako kausap siya. Nag-usap pa kami tungkol sa mga buhay namin at maya-maya ay tumunog ang phone niya. Tinignan niya ang caller ID at nagbago ang mood niya. Sumeryoso siya bigla at mukhang nag-aalangan pa kung sasagutin niya.

Walk of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon