7TH FATE

20 4 26
                                    

*****

6AM

Maaga akong pumasok ngayon dahil pipilitin ko ulit si Aya na sumali sa play. Damn! Nakakainis talaga ang dagdag na trabaho na 'to! Pagkarating ko sa SU ay agad kong pinark ang kotse ko at lumabas. Nagtungo ako sa pinakamalapit na vending machine para bumili ng kape. After buying, I decided to go to DG and wait for Aya. It was a cold morning, good thing I wore my grey turtleneck sweater and black pants paired with a dark brown leather shoes.

I decided to sit on the bench where Aya and I always meet. It is found at the back of the biggest Amore Tree. Sabi nila, ito daw yung pinaka-unang tinanim kaya kakaiba ang laki niya sa iba pang mga Amore Tree na nandito. Sumakto rin ang pwesto niya dahil nasa pinaka-gitna siya ng garden kaya kapansin-pansin talaga siya.

Habang tumatagal ay dumadami na ang estudyanteng dumadaan pero wala pa rin yung hinihintay ko. Nang tignan ko ang oras ay 15 minutes nalang bago mag-7. Damn! Madalas bang late ang babaeng yun?! If only I knew about this, hindi na sana ako pumasok ng maaga. I decided not to wait for her dahil male-late ako. Maybe I can try my luck again later.

As I am about to head the right path, I saw her walking along the path while looking at the whole garden with those dreamy eyes. She looks so in love with the whole place. Nang tumapat na siya sa akin ay agad ko siyang hinila papunta sa may bench.

"What the?!" agad niyang sigaw sa akin pagkaupo namin.

"Miss Ar--"

"Kung tungkol 'to sa kahapon, my answer is still no. Bahala ka jan magdusa sa play mo hmp!" sabi niya at agad na tumayo. Hinila ko ulit siya paupo at sinamaan niya ako ng tingin.

"Aya please! Just this once! Swear gagawin ko lahat ng gusto mo after ng play!" I pleaded. Damn! Pumayag ka na kasi.

"Bakit ba kasi ako yung pinipilit mo?! Sa tingin mo ba marunong akong um-acting?!" inis niyang sabi sa akin.

"Hindi rin ako marunong um-acting pero atleast I'm comfortable with you! Hindi ko rin naman ginusto 'to okay?! Can you atleast just help me?!" I begged once more. Hindi ko na alam gagawin ko, I don't want to be expelled in this school. Ayoko na dagdagan pa ang mga disappointments.

"You're comfortable with me, I'm not. Maghanap ka ng iba, hindi pa rin ako sasali." sabi niya at tumayo na. Naglakad na siya paalis at hindi ko na hinabol pa. Male-late na rin kasi ako. Damn! Umalis nalang ako dun at nagtungo na sa building namin.

Pero may isang bagay na umagaw sa atensyon ko. Ang poster na nakadikit sa bulletin boards. I smirked upon reading the poster. Tignan lang natin kung hindi ka pa pumayag, Aya. I smiled once more before heading back to our building.

12PM

I immediately stormed out of the room and fish my phone out of my pocket. Hinanap ko ang number ni Aya at agad nag-compose ng message. Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

To: Miss Arki

Meet me NOW.

No. Mas lalong hindi siya pupunta. I cleared my message and tried typing again.

To: Miss Arki

Meet me here in our building. We'll talk.

Mukhang bossy, mas hindi siya pupunta nito.

To: Miss Arki

Hoy pumunta ka dito ngayon! Bilisan mo.

"Mr. Tamayo." nagulat ako sa tumawag sa akin kaya napindot ko yung send button. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Ms. Harlett. Agad akong tumayo at inayos ang sarili.

Walk of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon