8TH FATE

15 4 13
                                    

*****

7AM

Antok na antok ako pagdating ko. Napuyat ako sa pagbabasa ng script. I slept for 2 hours and my head hurts like hell! I've been tapping my pen on my desk to stay awake. Siguradong parating na ang prof namin kaya hindi na ako pwedeng umidlip pa. Maya-maya ay dumating na ang prof namin at sobrang natutuwa ako sa ina-announce niya.

"Classes are cancelled for today." panimula ng prof namin. Agad naman naghiyawan ang mga kaklase ko, syempre kasama ako. Sa wakas makakatulog ako!

"BUT! Hindi kayo uuwi." sabi niya na nagpatahimik sa aming lahat. Kung hindi kami uuwi, bakit walang klase?!

"Mukhang nakalimutan niyo nang nalalapit na ang Centennial Celebration ng SU. This day is for the announcement of activities, schedules ng mga events, planning and proposals ng mga booths, at marami pang iba. So please proceed to the auditorium. Class beadle, make sure na walang tatakas, kung hindi ay malalagot kayo sa aking lahat. No attendance means no 3 quizzes." sabi niya at lumabas na. Gago amputa?! 3 quizzes agad?!

Nagsitayuan na kaming lahat at nag-ayos ng mga gamit. Nagsilabasan na rin kami at nag-umpisa nang maglakad papunta sa auditorium. Paglabas ko ng building namin ay nakita ko si Tristan kasama na naman yung chix niya. Seryoso silang nag-uusap pero nang makalapit ako ay agad nagpaalam ang babae. Ang ilap naman nun sa akin?

"Galit ba sa akin yung chix mo? Laging lumalayas pag lumalapit ako eh." tanong ko kay Tristan at sumabay na sa paglalakad. Hindi pa naman kasi ako masyadong pamilyar dito dahil kalilipat ko lang.

"Anong chix pinagsasabi mo jan? She's not my type shdhdjdsj..." sabi niya pero hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Hindi ko nalang pinansin.

"Not your type pero lagi mong kasama. Akala mo ba hindi ko nakikita na lagi kayong magkadikit ha?! Wag ako Tristan. We've been friends since we're 4, kilala ko na lahat-lahat sayo." I said and chuckled. Tumawa rin siya at inakbayan ako.

"Yep. But we've been apart for 5 years, remember?" he said and smirked.

"But we're together for 12 years, dumbass!" I retorted.

"Maraming nagbago sa loob ng limang taon, Leo. Sa sobrang dami, hindi ko alam paano ko pa ikwekwento sayo lahat." sabi niya at ngumiti. I was left dumbfounded by what he said. Tinapik niya muna ako sa balikat bago tuluyang umalis. I just stood in the middle frozen, not minding the people around me.

"Your right Tristan. Maraming nagbago sa loob ng limang taon na yun. Just like you, I don't know where to start." I said as tears started to form in my eyes. Those 5 years were the happiest time of my life, pero nagising nalang ako isang araw at naglaho na ang lahat.

"HOY!"

"What the fuck?!" I shouted and looked at my right side with my brows furrowed.

"Hi!" she cutely said while waving. Agad napalitan ng pagtataka ang tingin ko sa kanya.

"Problema mo?! Putcha ang sakit ng hampas mo! Hilig mong manakit ano?!" irita kong sabi sa kanya at hinimas ang braso ko.

"Ang sungit mo naman!" singhal niya at ngumuso. She's weird today. Agad kong nilapat ang palad ko sa noo niya.

"Ginagawa mo Leo?! Para kang timang!" sabi niya sa akin at tinanggal ang kamay ko.

"You're weird. I thought you're sick." I said. Tumawa naman siya sa sinabi ko. Okay, may nakakatawa ba?

"Hindi ba pwedeng maganda lang gising ko ngayon? Isa pa walang klase!" energetic niyang sabi. Nawe-weirduhan pa rin ako sa kanya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

Walk of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon