You said it's forever but now it's over.
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
How can you trust someone with your heart if someone already broke it into pieces?
How can you love someone if you don't believe in love?
How can you believe in love if love was the reason why you're heart was broken?
5 years ago I fell in love with him, my forever. Yung first meeting namin parang scene sa isang romantic movie. Tuwing naaalala ko yun napapangiti ako.
Everything was like a fairytale. Everything was romantic.
Everything was perfect.
I thought everything was forever.
He told me that we were forever.
He promise me that forever.
But I guess promises are really meant to be broken.
He broke his promise.
Our forever is OVER.
I know that looking for the one is like looking for heartache. And that's what I found, heartache.
But this is different from my other heartaches. It is more painful.
Because I. . .
"Girl!"
Nilingon ko si Mae na bakas sa mukha ang pag-aalala. Ngumiti ako at naglakad palapit sakanya. Siguradong mapapalaban ako sa pagkukwento ngayon.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay ah. Libre mo ko dah~" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglaan pagyakap niya.
"Girl ok ka lang ba?" Tanong niya habang yakap niya ako.
"Ano ka ba Mae nakakahiya ka kung makayakap ka parang wala tayo sa MRT."
Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sa paligid. "Sorry. Pero ano okay ka na ba? Ano ba kasi nangyari?"
Ako yung klase ng tao na hindi nagpapakita ng lungkot o ng sakit na nararamdaman kaya kapag malungkot ako ayoko na tinatanong ako kung okay lang ba ako o kung may problema ba ako umiiwas ako kasi kpag tinanong na ako automatic na tumutulo ang luha ko.
"Okay lang ako." Then I smile. Fake smile.
Tiningnan niya ako at parang naintindihan na niya ang gusto ko.
"Sige tara na. Punta na tayo doon sa dapat puntahan." Sabay hila sakin.
~>~>~>~>~>~>~>~>~>
"Girl ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Mae sabay subo ng ice cream.
"Wala. Nag-iinarte lang ako."
"Bakit may pag-iyak? Nag-iinarte pero humahagulgol?"
"Drama nga lang yun girl. Huwag mo na lang pansinin yung kagagahan ko."
"Mahal mo na noh? Akala ko ba flirt lang girl? Alam mo girl kung mah~"
"I don't." Pagputol ko sakanya. "Nasaktan lang siguro yung pride ko! Bakit ko naman mamahalin yun eh alam naman natin lahat na landi lang to. Landi lang to Mae. Landi lang."
"Kinukumbinsi mo ba ako na landi lang yan o yung sarili mo? Kasi kung ako yung kinukumbinsi mo hindi ako nakukumbinsi ewan ko lang sayo."
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ko ang pagkain ng icecream.
"Girl you should stop this flirtationship thing. Siguro dati hindi ka nasasaktan pero ngayon halatang nasasaktan ka na. Girl hindi ka artista huwag ka magdeny. Huwag mo i-deny na nasasaktan ka. Kasi kahit walang nakalagay sa noo mo na I'M HURT yung mata mo sumisigaw na."
Tinitigan ko si Mae at nginitian ko siya. A bitter smile.
"Yun nga yung problema Mae eh wala ako nararamdaman na sakit. Walang sakit Mae pero yung mata ko hindi ko maintindihan. Weird diba? Sana nga sure ako na nasasaktan ako para maiiyak ko ng maiiyak until I become numb."
"You love him. Hindi magrereact ang mata mo kung hindi ka nasasaktan."
"How can I love if my heart is still broken?" Tanong ko sabay yuko
"Magkaiba ang broken at natatakot."
"Siguro nga natatakot parin ako na magmahal ulit. Natatakot ako na masaktan ulit. Mae ayoko na magmahal. Ayoko na masaktan."
"Pero nasasaktan ka ngayon. Anne you can't stop yourself from loving someone. Tingnan mo kahit ayaw mo magmahal, nagmamahal ka pa din. Anne you love that guy, admit it. If you want to move on from that pain you are feeling right now, admit it."
Ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Adam? Do I love him?
Masaya ako kapag nandyan siya. Kapag kausap ko siya gusto ko patagalin kahit wala ng sense. Ayokong tumitingin siya sa ibang babae. Simpleng pambobola lang kinikilig na agad ako.
Lagi ko siya iniisip. At kapag iniisip ko siya para akong tanga na ngumingiti.
Siguro nga tama sila.
I think I fell for him.
I think I love him.