Before, I'm your everything. Now, I'm nothing.
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~
"Ano bang meron? Bakit biglang nakipagkita ang bruhang yun?" Tanong ni Mae pero hindi ko siya pinansin
Wala ako sa mood ngayon lumabas pero dahil sa pagmamakaawa ni Lala na makipagkita ngayon napilitan tuloy akong lumabas.
Lala is one of my friend in high school. At medyo close kami, medyo lang.
"Girl baka maloka na ako sa paghihintay almost one hour na tayo dito."
Ingay talaga nitong babae na to. Magsasalita na sana ako ng biglang . . .
"Anne... Mae..."
"Thank God." bulong ni Mae
Inirapan ko na lang siya.
"Sorry ah medyo nalate ako." explain niya
"MEDYO! Medyo umiinit na ulo ko" sagot naman ni Mae
Haaay naku! Mukhang nagsisisi na ako na lumabas ako ng bahay.
"Ano ba dahilan at nagpagkita ka samin ngayon?" Pagsingit ko
Lumingon sakin si Lala na parang may maganda akong sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay sa binigay nyang reaction.
Ngumiti siya at nagsalita, "Next week ay kasal ni Trish."
"So? Ano kinalaman namin ni Anne dun?" Tanong ni Mae
"Excited much?"
"Irritated much."
Tsk! Paguntugin ko kaya silang dalawa. Pero tama si Mae. Wala naman kami kinalaman dun dahil hindi kami close ni Trish.
We're not even friends. Acquaintance lang.
"So ayun na nga. Ikakasal si Trish kaya lang yung dalawang abay hindi pwede. Kaya makikiusap sana ako na pwede bang kayo na lang ang maging abay. Please? Yung dress nyo kami na sin bahala."
Nagkatinginan kami ni Mae. Kagabi kasi sinabi ko sakanya na ayoko pumunta sa kasalan na yun. Wala ako sa mood eh.
"Please Anne? Please?"
"Lala so~"
"Last request na to promise! At tatanawin kong utang na loob to sainyo. Please Mae... Anne... This will be my last."
Last na daw? Ok mukhang ok ako dun. Si Lala kasi yung user-friendly type. laging may favor. At kung tutuparin nya yan papayag ako kahit ayoko pumunta.
"Sige payag ako." walang gana kong sagot
"What?! Serious ka girl?" Tanong ni Mae
"Yup. Kaya pumayag ka na lang para matapos na to."
Tinitigan niya ako at mukhang nagets na nya.
"Ok. Payag na ako."
"Talaga? Oh my God. Thanks." sabi ni Lala with matching patalon talon pa.
"Oh so yun lang diba? Alis na kami."
Tumayo agad ako at hinila si Mae. nagsalita pa si Lala pero hindi ko na pinansin.
Bastos na kung bastos pero wala ako sa mood.
"Sure ka na talaga na pupunta tayo?" Tanong ni Mae
"Yup. According to her, it's her last and final favor to ask. That means no more 'please' from Lala."
Tumango lang si Mae.
~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>
It's been days since I saw him. Aaminin ko I missed him. Pero sabi nga ni Mae mas ok na to para makalimutan ko kahit ng konti yung sakit.