Chapter 5

13 0 0
                                    

We met. We talked. We flirted.

I FELL. You DONT.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Sabi nila. . .

"Never lose hope when it comes to love."

"Huwag ka mawalan ng pag-asa darating din ang taong para sayo."

"Magkakaroon ka din ng sarili mong happily ever after."

"Mamimeet mo din ang THE ONE."

Pero hanggang kelan ba dapat umasa?

Hanggang kelan mo hihintayin na dumating yung THE ONE?

Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangarap mong HAPPILY EVER AFTER?

Ako kasi pagod ng umasa. Pagod na ako at higit sa lahat nasasaktan na ako.

I fell in love with him.

Naattached ako masyado. He became my happiness ng hindi ko napapansin.

Pero ako lang, siya hindi. Mag-isa lang ako nahulog sa hukay na dalawa namin hinukay.

And that hurts. But you know what hurts the most? It's the fact that he belongs to someone else.

He has his own happiness. At hindi ako yun.

Simula nung malaman ko yun sinubukan ko na siya iwasan. Iba ang kinakausap ko hanggang pwede. Kapag nasa office siya gagawa ako ng paraan para makalabas ng office hanggang sa umalis siya.

Pero hindi talaga kaya dahil sa trabaho. And that is one big torture.

Alam mo yung tipong iwas mode ka pero siya flirt mode. Kakalabitin ka habang may ginagawa ka. Bobolahin ka mula ulo hanggang dulo ng kuko sa paa.

Poker face ka pero siya pacute.  Ikaw killing inside siya happy inside and out.

Akala ko dati namaster ko na ang  "the art of flirting", hindi pala.

"Anne," tawag sakin ni Adam

"Bakit po sir?" Tanong ko. Poker face.

Nasa office sila ngayon para pahirapan ang puso ko at para pirmahan ang mga documents kaya nakamaskara ako ngayon ng isang malaking smile.

"Ganda mo ngayon ah. " He said sabay smile

Sh!t.

"Sir pirmahan mo na yan huwag ka na mangbola baka maniwala pa ako."  Poker face.

"Totoo naman eh. Dito ka sa tabi ko para sipagin akong pumirma."

Double sh!t.

"Pirma na. Huwag ka na maingay. Kamay ang ginagamit sa pagpirma hindi bibig."

"Eh saan ginagamit ang bibig?" Sabay ngiti na nakakaloko

"Sa pagdaldal."

"Saan pa?"

"Sa pagkain."

"Saan pa?" sabay lapit ng upuan niya sa pwesto ko

"Sa pagsasalita."

"Saan pa?" Nilapit niya ulit yung upuan niya kaya ngayon magkadikit na kami

"Sir lumayo ka nga nasisiksik ako."

Pero imbis na lumayo siya ay mas lumapit pa siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Konti na lang talaga. Konting konti na lang bibigay na ako.

"Saan pa ginagamit ang bibig Anne?" sabay ngisi

Ano ba nakain nitong tao na to?! Hindi ba niya alam mahirap magpigil ng nararamdaman!

"Saan?"

"S-sa. . . s-s-sa. . ." fight it Anne "Alis nga sir!" Sabay tulak ko sakanya

"Sungit mo ngayon. May kasalanan ba ako sayo?" Tanong niya sabay lapit sakin

"Wala." Sagot ko

"Kulang sa magic sarap ah." Sabay lapit ng mukha sakin

"Huh?"

"Tabang ng sagot mo eh. Dati sweet ngayon kahit konting lasa wala. May kasalanan ba ako? Parang wala naman kasi ako maisip na pwede mong ikagalit." Tanong niya

Ay naku kung pwede lang ipagsigawan nasa isip ko naku. Ang sarap sabihin na. . .

Wala ka kasalanan. Ako ang may kasalanan. Sinira ko ang masaya nating paglalandian. Tanga ko kasi nainlove ako sayo kahit alam ko na flirt lang to. Pero ano magagawa ko naging independent yung puso ko. Gumawa siya ng sarili niyang desisyon. Pinili niya mainlove sayo. At hindi na ako pwede maging sweet sayo kasi kapag naging sweet ako lalo ko lang papahirapan sarili ko. Magiging sweet ako sayo tapos magiging sweet ka sakin at lalo ako maiinlove sayo at lalo lang ako masasaktan.

Naku. . .  kung pwede lang talaga isigaw sakanya yan.

"Hindi kasi ako nakapaggrocery kanina nakalimutan ko bumili ng pampalasa." Sabay irap ko

"Sungit. Meron ka noh?"

Oo! Meron! Meron akong nararamdaman sayo at nahihirapan na ako kaya kung pwede distansya.

"Tsk."

Hindi ko alam kung pinapahirapan ako ng tadhana. Iniiwasan ko nga tong tao na to tapos ngayon nasa office pa.

"Anne," tawag niya pero nagkunwari akong hindi ko naririnig

"Anne, kain tayo mamaya dun sa restaurant na sinasabi ko."

Dedma.

"Uy,"

Dedma. Huwag mong pansinin.

"Anne galit ka ba sakin?" tanong niya sabay hila niya sakin.

Sa sobrang bigla ko napasigaw ako. Buti na lang wala yung boss ko.

"Sir bakit ba?"

"Sabi ko kain tayo dun sa kinukwento ko na restaurant. Bakit ba ayaw mo ako pansinin? Sa pagkakaalam ko wala naman ako ginawa na masama ah."

"Sinabi ko ba na meron? Nagtratrabaho kaya ako sir. Kapag nakita ako ni sir Mike na nakikipagkwentuhan baka magalit yun."

"Kelan ka naman pinagalitan nun dahil nakikipagkwentuhan ka? Parang wala ako maalala."

"Hindi mo naman alam ang lahat ng nangyayari at tungkol sakin ah. Kaya malay mo nangyari yun."

"Alam ko. Lagi kaya kita tinatanong sa mga tao nyo. Bakit ba kasi ang sungit mo?"

Bakit? Bakit kailangan niyang itanong ang mga tungkol sa akin?

"Uy, ano ba kasi yun?"

"Wala nga."

"Sorry na kung ano man yun."

"Tigilan mo na ako, bakit ba napaka big deal ng pagsusungit ko? Parang apektado ka naman masyado kung ganito ang mood ko o kung hindi kita pansinin."

"Apektado ako."

And that made me shut my mouth up.

Ano ibigsabihin nun? May gusto siyA sakin? May nararamdaman ba siya sakin?

"A-apektado ka? B-bakit?"

"Syempre magkasama tayo sa trabaho. Dapat maganda ang relasyon natin."

Fvck!

Sh!t!

Stupid!

Anne, you are one hell of a stupid girl!

Tanga ko! Tanga ko! Bakit ko ba naman naisip na apektado siya dahil may feelings siya sakin?!

Napakatanga ko!

I fell. Alone.

FlirtationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon