Chapter 7

6 0 0
                                    

Almost happily ever after.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Nakakainis yung lokong yun ah. Anong problema niya at kailangan niya pa ako sundan.

Naglakad ako ng naglakad. Hanggang sa makarating ako sa isang fountain. Umupo ako sa isa sa mga bench dun at pumikit.

I love you Anne.

I can't see my future without you in it.

The first time I saw you, I knew that you are my happily ever after.

One day you'll carry my name.

I love you.

Those words. Those words kept on playing and playing inside my head. Those words that kept on hurting me over and over again.

My tears run down my face. It's been years but I'm still hurt. I'm still broken.

"Nagmomoment ka na naman mag-isa." bigla naman ako napafilat at napatingin sa nagsalita

"Mae."

She smiles at me at umupo sa tabi ko.

"Naalala mo na naman siya noh?" Tanong niya at tumango ako

"Sabi na nga ba mangyayari to eh. Hindi nga kita maintindihan kung bakit ka biglang pumayag pumunta sa kasalan na to. Masokista ka ba talaga? Alam kong sinabi ko sayo na minsan kapag paulit-ulit nasasaktan ang isang tao nagiging manhid na to. Pero girl alam natin na hindi ka naging manhid. Siguro akala ko naging manhid ka dahil sa ginagawa mo na flirtationship mo na yan pero ngayon napatunayan ko na hindi."

Hindi ko napigilan na yakapin siya at humagulgol.

"Mae I'm so tired. Its been years but I'm still hurting. Mae bakit ganon? Bakit lagi na lang ako nasasaktan? Kay Ian, akala ko okay siya pero nagmahal siya ng iba worst pinagsabay pa niya kami. Pero okay lang yun high school lang naman kami noon. Bata pa kami noon." Tuloy lang sa pagdaloy ang luha ko

"Si Warren, I thought he's the one. Fvck! Pero syempre like Ian he left me. One sign of danger and he's gone! He's my best friend Mae! Hindi nga sumagi sa isip ko na gagawin niya sakin yun. Pero I moved on kahit mahirap. Kahit masakit." Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Mae sakin kaya lalo akong naiyak

"And the last but never be the least, the Great Jason!" I try to laugh but I fail it sounded like a sob.

"Hindi nga ako serious sakanya eh. For fun lang. Just to ease the pain from Warren. Then I fell in love with him HARD! He made me feel so special. I felt like I'm a queen when I'm with him. Akala ko girl siya na eh. He even asked me to marry him. I see my future with him. Only him. NO ONE else. He told me that I'm his life that he can't see his future without me in it. Pero nasaan siya ngayon? T@ngna niya bakit buhay pa siya ngayon?! Mae bakit ganon? Ano ba mali sa akin? Sabihin naman nila sakin kung hindi ko deserve magkaroon ng happy ending para hindi na ako umaasa."

"Bakit ganon yung iba effortless sa pagkakaroon ng happy ending? Bakit sakin lagi na lang ALMOST HAPPILY EVER AFTER?! Bakit ganon? Palagi na lang ba ganito? Leche naman kasi tong puso na to masyadong mapagmahal! I hate them! I hate loving them!"

Mas humigpit ang yakap sakin ni Mae kaya lalo ako naiyak, "One day Anne they will realized how stupid they are for letting you go."

I cried! A lot!

Siguro one hour din kami ni Mae dun na nagyakapan. Kahit hindi ako swerte sa lovelife sobrang swerte ko naman when it comes to friendship.

"Okay ka na?" Tanong ni Mae at tumango ako

"Oo nga pala nakita ko si pogi na galing dito nung hinahanap kita ah. Magkasama kayo?"

Pogi?

Tinaasan ko siya ng kilay, "Sinong pogi? Wala naman ako napansin ah."

"Yung kapartner mo. Hindi ba yun pogi sa paningin mo? Alam mo nung nakita ko siya bongga yung ngiti niya. And he even greeted me."

Akala ko naman kung sino! Pogi ba yun? Hmmm. Matangos ang ilong. Maganda yung lips parang sarap halikan. Yung mata parang hinuhubaran ka kapag tinitigan ka. At yung~

"Sige imagine pa!" Sabay ngiti ng loka

"Hindi ako nag-iimagine! Iniisip ko lang kung nakita ko yun at saka pogi ba yun?"

"Hindi ba?" Tanong niya

"Hindi."

"Sure?"

"Oo?"

"Mabaog ka man?"

"Baliw!"

"Hahaha! Nakita mo noh? Nakita mo si Pogi ayaw mo pa umamin."

Tsk!

"Ewan ko sayo! Balik na tayo doon tapos magpaalam na tayo. Ayoko na dito tapos na yung papel natin sa kasalan na 'to."

"Sige pero mag-ayos muna tayo ng pagmumukha natin mukha na kasi tayong halimaw." Sabi niya at tumango pang ako

Inayos namin ang make up namin at bumalik sa reception area. Pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong ni Trish.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Ipapaagaw na yung bouquet at kailangan kayo doon."

Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita si Trish, "Bawal kumontra! After nito pwede na kayo umalis kung gusto nyo. Alam ko naman kating kati na kayo umalis." sabay tulak samin.

Iritado kaming lumapit sa tumpok ng mga babae. Halos lahat sila mukhang excited na makakuha ng bouquet bukod samin ni Mae.

Mukhang umaasa sila na totoo ang sabi ng mga matatanda na kapag nakasalo ka ng bouquet sa kasalan ay ikaw ang susunod na ikakasal.

Para sa akin hindi yun totoo. Para sa akin hindi nakadepende sa isang bouquet ang isang kasal.

Tsk.

Halos lahat sila hinihintay ang paghagis ng bouquet pati si Mae mukhang excited para sa lumilipad na bulaklak na yun.

Paano naman mangyayari na kapag nakasalo ka ng bouquet sa kasal ay ikaw ang susunod na ikakasal?

"Ihahagis ko na ah."

Paano yun nakadepende doon? Paano?

Sh!t!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FlirtationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon