Pinagmamasdan ko ngayon ang kalangitan. Ang ganda ng buwan at mga bituin. Naalala ko na naman siya. Ganitong ganito din yun noon e , kung paano kami nagkakilala. Nakatitig ako sa kalangitan pagkatapos naramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Paglingon ko meron nga. Isang napakagwapong lalaki , but I don't know him. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi niya inalis yung titig niya sakin kahit na nahuli ko syang nakatitig sakin so ako na yung umiwas. At naglakad na ako paalis sumulyap pako kung nasaan na yung lalaki at yung paalis nadin siya."Hays" bumuntong hininga ako at sumulyap ulit sa kalangitan bago umalis dito sa harap ng bay. Papaalis na sana ako ng may nahagip ang mga mata ko. Yung lalaking minahal ko ng husto . Natigilan ako sa nakita ko. May nakayakap sa kaniyang isang babae nakatingala sakanya at siya naman sobra kung makinig sa babae. Namuo ang luha sa mata ko. Bigla siyang napatingin sa gawi ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo kaya tumalikod na ako. Pinunasan ko yung tumulong luha ko. Ang sakit ng nasaksihan ko. Pagbalik ko dito akala ko ako parin pero hindi na pala. Hanggang dito nalang ba tayo Vino Ezra Boron? Pano na yung pangarap kong mabuo tayo?.
~ sana magustuhan niyo guys. Enjoy reading !
YOU ARE READING
KALANGITAN
RandomSiya si Adharra, ang babaeng minahal ng husto si Vino Ezra Boron. Naging masaya silang dalawa pero humantong parin sa sakitan. Lumayo siya pero hinihila siya pabalik sa taong mahal niya. Ang kalangitan ang naging sandalan niya tuwing nalulungkot siy...