Napairap ako nang marinig ang boses ng bruhang to.Magkasama kaming tatlo sa iisang table dito sa resto . Magkaharap kaming dalawa.
" Tapos diba noon, gusto pa ni Mommy at Tita na ipakasal tayo Vino. Pero tinawanan lang natin sila" kwento pa niya.
Ngumiti lang ng pilit si Vino at umiling iling. Pinisil nito ang kamay ko.
Psh kung dilang ako kinausap ni Vino kanina at kung hindi niya hawak ang isang kamay ko sa ilalim ng lamesa nasabunutan ko na to.Ang dami niyang pinagsasabi . Nakakasawang pakinggan.
" So ilang buwan na pala kayo? Sorry ah kung nakijoin ako sainyo ngayon magisa lang kasi ako. Saka close naman kami ni Vino e. " Shiena
" 9 months na kami. Saka okay lang anokaba" Plastik kong saad sabay halakhak kuno. Tinignan ko sya at lihim niya akong inirapan .
" dukutin ko mata mojan e" bulong ko
" ano yun babe? Do want anything? Oorder ako" sabi ni Vino
" ah wala babe."
" okay babe." Tumayo siya.
" Restroom lang ako " sabi niyaNaiwan kaming dalawa ng bruhang to. Nakakainis
" Wag kang umastang mabait. Mabait kalang naman kapag meron si Vino" sabi ko sakanya.
" o ano naman? "
" wag kanang umasa kababata kalang niya ako ang mahal niya.At noon lag naman kayo close diba? Ngayon? Anona ? Diba hindi na masyado e bakit kung umasta ka parang super close nyo paring dalawa? At saka hello may girlfriend na yung tao halatang halata yung pagkagusto mo sakanya pero wala kalang naman para sakanya."
Tinaasan niya ako ng kilay" Huwag kang makasigurong kayo na panghabambuhay . Diba nga binalak kaming ipakasal ni Mommy at Tita? Hindi malabong magkatotoo yun. Mahal ako ni Mommy at kung sabihin ko sa kaniyang ipakasal kaming dalawa ni Vino as soon as possible sasabihin niya yun kay Tita. Hindi naman na ata matatanggihan ni Tita si Mommy well theyre close friends."
" Hindi mangyayari yan. "
" o bakit? Hindi ka pa naman personally nakikilala nila Tita at tito diba? Ah oo nga pala sa pangalan at picture lang . Bakit nga ba ayaw mo? Afraid na baka hindi ka magustuhan? Well para sabihin ko sayo, gustong gusto ako nila Tita at Tito."
Natahimik ako. Nagkatitigan kaming dalawa.
Biglang dumating si Vino." Babe lets go" hinawakan niya ang kamay ko , lumingon siya kay Shiena
" Mauna na kami. Ingat"
" Okay see you around" ngumiti ng matamis si Shiena kay Vino. Bwisit !
Naglakad na kami palabas ni Vino ng magkahawak kamay.
Hindi nawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Shiena. Gustong gusto siya ng parents ni Vino? Bakit nga ba kasi ayaw kopang magpakilala. Totoo yung sinabi ni Shiena natatakot ako."Babe Pumupunta si Shiena sainyo?"
" ah oo noon lagi siyang nasa bahay kasama niya si Tita. Pero mas madalas na siya lang. Pinapapunta siya nila Mom and Dad."
Ah napatango ako.
" close na close kayo dati diba? Bakit ngayon hindi na?"
" hm nagtapat kasi siya sakin pero I just see her as my sister."
" we? Sa tagal niyong naging magkaclose? Saka maganda siya hindi ka manlang bang nagkagusto sa kaniya?"
Napakamot siya sa ulo." hindi e . Teka nga bakit bigla kanalang nagtatanong ng may kinalaman sakaniya?"
" syempre pinagseselosan ko siya"
Ngumiti siya." halika nga dito" niyakap niya ako
" wag kanang magselos dun babe. Walang wala siya sayo"
Napangiti ako." pero aaminin ko maganda siya babe."
Itinulak ko siya" o sige dun kana sa kaniya! Bakit dipaba sapat ang kagandahan ko!?"
Tumawa siya ." ikaw nagsabi jan babe ah. Maganda siya pero mas maganda ka at mas mahal kita" sabi niya
" tse !' Tumalikod ako at tumakbo
" Kinikilig yan !" Sigaw niya at hinabol ako.
Para kaming bata na naghahabulan. Pinagtitinginan na kami ng iba pero wala kaming pakealam .
Huminto ako sa tabi ng dagat at walang ano anoy inalis ko ang beach dress ko naka black na two piece nalang ako." fck!" Rinig kong mura ni Vino
Lumusong ako sa dagat.
Tinignan ko si Vino at nakita ko syang nagtatanggal ng pang itaas na damit at lumusong nadin sa tubig. Lumayo ako at" wahhh!" Napatili ako ng bigla niya akong hinawakan sa balikat at ihinarap na sakanya.
" I love you babe" hinalikan niya ako .
gumanti ako sa halik niya.
Bumitaw siya at lumangoy papalayo sakin. Tumawa ako lumangoy papunta sakanya.Buong maghapon kaming nagbabad sa dagat umahon din nung may buwan na at mga bituin
Umupo kami sa buhanginan.Nakahilig ako sakanya. Pinapanood namin ang kalangitan." Its beautiful" saad ko
" tayo babe" sabi niya tumayo naman ako. Sumunod siya, niyakap ako At isinayaw.
Kumanta siya .O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwanat bituin sa pagmamahalan,
nating dalawa, nating dalawaaa..Ang ganda nang boses niya. Namuo ang luha ko sana kami parin hanggang dulo. Hindi ko kakayaning mawala pa siya sakin.
- song KALAWAKAN ( musichero)
YOU ARE READING
KALANGITAN
RandomSiya si Adharra, ang babaeng minahal ng husto si Vino Ezra Boron. Naging masaya silang dalawa pero humantong parin sa sakitan. Lumayo siya pero hinihila siya pabalik sa taong mahal niya. Ang kalangitan ang naging sandalan niya tuwing nalulungkot siy...