Mejo ano poto guysss.
" Nakatitig ako sa kalangitan pagkatapos naramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Paglingon ko meron nga. Isang napakagwapong lalaki , but I don't know him. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi niya inalis yung titig niya sakin kahit na nahuli ko syang nakatitig sakin so ako na yung umiwas. At naglakad na ako paalis sumulyap pako kung nasaan na yung lalaki at yung paalis nadin siya."
" So ikaw pala yun. Matagal kana palang may gusto sa akin hah"
Tumawa siya.
" E ano naman? "
" Wala lang. Hindi naman nakapagtataka kung bat nagkagusto ka sakin e. Well alam mo na. Duhh" sabay flip ko kuno ng buhok ko.
" Ang hangin mo. Hindi na kita gusto."
" ayos lang madami pa naman jan."
"Joke lang babe"
" tse! Babe daw"
" ah basta babe kita. Kain nanga tayo"
Kumain nanga kami. Hindi ako makapaniwala na siya pala talaga yung lalaking yun. Hindi kaya ako nakatulog nun.
Maggagabi na nang makauwi kami.
Hinatid niya ulit ako hanggang sa may pinagistayan ko ." Salamat sayo . Nakakahiya mang sabihin pero nag enjoy talaga ako. " sabi ko
"Walang anuman Adz"
Napairap ako.
"Binabawi kona hindi pala ako nagenjoy"
"Sus si babe. Papasukin mona muna ako"
" ayoko nga."
"Sige naaaa"
" oo na halika na."
Inunahan nya pa ako sa pagpasok.Dumiretso sya sa may veranda . Sinundan ko sya. Malakas ang ulan. May bagyo pa ata.
" Hoy pumasok kanga. Ang lakas ng ulan kumukulog at kidlat din o"
" Babe. Nako nako . Dito ata ako magpapalipas ng gabi"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong hoi ! Hindi pwede ! Baka manyakin mo ako!"
"Hindi ko yun gagawin no. Alam kong gustong gusto kita pero babe naman. Baka ikaw gusto mokong manyakin"
" Umuwi kangaaa!" Sigaw ko
"Malakas nga kasi ulan . Dito naako" pagpupumilit niya.
Mabait naman siguro to. Kaya sige pagbigyan na."Sige. Dun ka sa guestroom"
"Tabi nalang tayo babe"
"Umuwi kana! Labas!"
" just kidding babe. Mwa!" Sabay takbo niya sa may guestroom. Nako naman talaga.
Hindi nakami nagluto dahil busog kami. Kakatapos kolang din maligo.
Lumabas sya samay guestroom." babe kunin kolang gamit ko sa kotse ko. Mabuti nalang lagi akong may dalang damit incase of alam mona"
Tumango nalang ako.
Nanonood ako ngayon dito sa sala ko. Nakaupo ako sa may sofa .
Bumukas ang pintuan. At dumiretso sya sa guestroom. Makalipas ang ilang minuto lumabas nasya. Bagong ligo.
Bakit ba napakagwapo neto. Basa ang buhok at ng umupo sa tabi ko naamoy ko sya . His manly scent. Apakabango.
Bigla niyang pinatong ang ulo niya sa balikat ko."Hey . Basa ang buhok mo mababasa damit ko"kako blouse at pajama lang ako.
" ayos lang yan babe. "
" aish" tinapik ko ulo niya.
" andamot!" Sabi niya ng nakasimangot.
Natawa nalang ako. Pero tumigil din nang sabay kaming napatingin sa pinapanood namin. Naghahalikan sila.
Nagkatinginan kami ng matagal. Umiwas ako at tumayo."Ah matutulog na ako. Goodnight"sabi ko ng di makatingin sakanya.
Aalis na sana ako ng bigla nya akong hinila. At hinalikan. Napaupo ako sa kandungan niya.
Naitikom ko ang bibig ko. Nakapikit siya at hinahalikan ako pilit na ibinubuka ang mga labi ko. Bigla niya itong kinagat kaya naman naibuka ko. Napapikit ako.Doon na nagsimula. Dahan dahan hanggang sa sumasabay nadin ako sa halik niya. This feeling is unfamilliar.
Habang tumatagal inihiga niya ako sa may sofa. Kinakagat niya ang labi ko. Ang kamay kong nasa dibdib niya kanina lumakbay hanggang sa batok niya.
Biglang napunta sa pisngi ko ang halik niya hanggang sa bumaba sa may leeg ko." Ohhhh" napaungol ako sa kakaibang kiliting hatid nito. Napakagat ako sa labi ko at humigpit ang pagkakapit ko sa batok niya.
Natigilan siya pero pinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg ko.
Hanggang sa bumalik sa labi ko. Naghahalikan ulit kami. Mas malalim at mas madiin. Hanggang sa sya na mismo ang tumigil.Nagkatitigan kaming dalawa.
" I really like you babe" sabi niya at umalis sa pagkaibabaw sa akin.
Inabot niya ang kamay siya sakin dahil nakahiga parin ako. Inabot koyun.
" Halika na. Hatid na kita sa kwarto"
Tumango lang ako at sumunod na sakanya.
Pagdating sa tapat ng kwarto ko hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Pinagpapawisan ako kahit may aircon."Goodnight babe" sabi niya at hinalikan ako sa noo
Hindi ko na siya sinagot at agad pumasok sa kwarto ko.napasandal ako sa pintuan ng kwartoWth just happened? Adhyyy anobaaaa . Bakit ganun ?
Kakaiba talaga yung naramdaman ko.
Pumunta na ako sa kama ko. Iniisip koparin yung ginawa namin kanina.
Ala una pero hindi parin ako makatulog. Pabaling baling ako sa higaan ko. Tumila narin ang ulan.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagpamusic.
Maya maya nakatulog din ako.- comment at vote guysss. Salamatt
YOU ARE READING
KALANGITAN
RandomSiya si Adharra, ang babaeng minahal ng husto si Vino Ezra Boron. Naging masaya silang dalawa pero humantong parin sa sakitan. Lumayo siya pero hinihila siya pabalik sa taong mahal niya. Ang kalangitan ang naging sandalan niya tuwing nalulungkot siy...