Kinaumagahan . Tulala ako ng ilang minuto bago bumangon at naligo. Nagdadalawang isip pako kung papasok ako o hindi. Nasa labas kasi siya at iniisip ko nanaman yung nangyari kagabi. Ilang sandali lang lumabas na ako.
Nadatnan ko si Vino na nagluluto.
Tumikhim ako. Nilingon niya ako" uhum hm good morning" sabi ko
" Goodmorning babe. Upo ka. Matatapos nadin to mamaya" sabi niya at binalik ang atensyon sa niluluto.
Eggs, hotdogs, ham at friedrice ang niluto niya. Pinagtimpla niya din ako ng kape.
" Thank you" sabi ko
" welcome babe. Kain kana"
Kumain nanga kaming dalawa.
Pagkatapos sabay din kaming pumasok sa school. Tatanggi sana ako pero nagpumilit siya." uh oh . Salamat ulit. Ingat ka"
Sabi ko
" Walang anuman babe. Ingat din. See you"
Tumango ako at dali daling umalis dahil nahagip ko na nakatingin samin si Thel. Nako naman .Pagkalapit ko sakanya.
" Hoi bruha ! Ano yun bat kayo magkasama hah? " Bungad niya sakin
" ah ano. Nasiraan kasi ako kanina saktong napadaan siya kaya ayun. " sabi ko ng di nakatingin sakanya
" we? E bat dika makatingin ng diretso sakin . Nagsisinungaling ka no?"
Bigla akong napatingin sa kanya ng diretso at
" hindi ah." Sabi konalang.
" hays ewan ko sayo.tara pasok na tayo"
Pumasok nanga kami.
Andaming pinagsasabi ng prof namin pero wala akong naintindihan. Lutang ako ngayon.Nasa cafeteria na kami ng mahagip ng mga mata ko si Vino kasama yung barkada niya at yung babae. Napairap ako dahil nakaclung yung kamay ng babae sa braso ni Vino. Si Vino naman hinahayaan lang to. May pa I really like you at babe pasiyang nalalaman . Sinungaling.
" hoi ang sama ng tingin mo sakanila Girl. Selos ka?"
" ano? Ako nagseselos? No freaking way !"
" sus mukhang papatayin monga yang Vino at babae sa tingin mo"
" ano kaba kung ano anong pinagsasabi mo. Kumain nalang tayo" sabi ko
Napatingin ako ulit sa banda nila Vino . Paglingon ko nakatingin sya sakin. Hindi na nakaclung yung kamay ng babae sa braso niya kaso magkatabi sila. Ngumiti siya sakin pero Inirapan kolang siya. Sinungaling !Pagkatapos kumain. Bumalik nakami sa klase namin. Biglang nagvibrate yung phone ko.
From: anonymous
Hey babe. Bakit moko inirapan kanina? Galit kaba sakin? I'm sorry.
Kilala niyo naman na siguro kung sino yan no?
Hindi kosya nireplyan at nakinig nalang sa prof namin.
Uwian na pero pumunta muna akong library. Nauna nang umuwi si Thel.
Naghanap ako ng libro na kailangan ko sa isang sub.namin .
Nagbasa ako , nung nakakuha na ako ng ilang impormasyon . Tumigil nako at ibinalik ang libro. Napatingin ako sa pintuan ng library at nakit ko si Vino dun nakatingin sa akin. Inirapan ko sya. Dali dali akong naglakad at nilampasan sya.Pero hinila niya ang kamay ko at ihinarap sa kanya." Hey babe. May problema ba?"
Tanong niya.Napairap ulit ako"Wala!" Sabi ko at binawi yung kamay ko. Tumalikod na ulit ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Humabol sya sakin."Adz ano ba kasing problema? Bat hindi mo ako pinapansin?"
Nasa likod ko sya nakasunod sa akin pero diko sya iniimik."Oi babe naman"
" Hatid na kita " diko parin sya pinapansin.
Dali dali syang sumakay sa kotse niya at huminto sa harap ko."Babe sakay na hatid na kita" umirap ako at sakto namang may napadaang taxi pinara ko agad ito. At bigla bigla akong sumakay.
"Babe " habol pang sabi ni Vino pero nakasakay na ako.
" Manong sa Medley po tayo" kako kay manong.
Tumunog ang phone ko may txt at tumatawag si Kumag. Pinatay ko ang tawag niya at binasa yung txt.From: Kumag
Babe whats wrong? Sabihin mo naman sakin o ☹.Bumuntong hininga ako at mas nainis.
Pagkatingin ko sa likod nakasunod si Vino.Hays. Ewan ko ba kung bat ako nagkakaganito . Naiinis ako sa nakita ko kanina. Akala ko pa naman ako lang yung ano hays. Ano panga bang ini expect ko? Sa gwapo ba naman nun syempre may mga babaeng nakapaligid dun at madaming babae yun. Antanga ko naman at naniwala sa mga pinagsasabi niya sakin. Kainis.
Nilingon ko ulit kung nakasunod parin si Vino pero hindi.
Mas lalo akong nainis. Bwisit !Nandito na ako ngayon sa condo ko.
Kakatapos kong maligo. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko. Kinuha ko yung phone ko sa katabing mesa ng kama ko. May txt at tawag.From: Vino
-Babe ano na? Anong problema?
-Bat ba hindi mo ako pinapansin?
-Hindi nakita nasundan kanina kasi tumawag si Mommy at pinapauwi ako may emergency. Sorry.
-Gustong gusto kitang sundan kanina pero kasi may emergency. Sorry talaga babe.
-Bati na tayo please?
- Hindi ako mapakali. Hindi mo ako pinapansin.
- Why youre not answering my calls babe? Im worried .
Nanubig ang mga mata ko. Ewan ko ba . Nasasaktan ako sa diko malamang dahilan. Ang gulo. Ang gulo gulo.
Diko sya nireplyan. Pinatuyo konalang ang buhok ko.
At maya maya natulog nadin ako.-👉 💬⭐ 👈
YOU ARE READING
KALANGITAN
RandomSiya si Adharra, ang babaeng minahal ng husto si Vino Ezra Boron. Naging masaya silang dalawa pero humantong parin sa sakitan. Lumayo siya pero hinihila siya pabalik sa taong mahal niya. Ang kalangitan ang naging sandalan niya tuwing nalulungkot siy...