Chapter 1

47 6 5
                                    

I was sixteen when he became my textmate.

I know him personally,while I'm unknown to him.

I admit it was his look that make me stop on my track the first time I lead my eyes on him. He was boyishly handsome,with his deep brown eyes with long lashes, pointed nose na parang ang sarap sarap pisilin. Full kisable lips na parang sa babae. Pero maputi sya. Isa sa mga ayaw ko sa lalaki kasi nababaklaan ako.

It was one of a my special night at work,when one of my friend give me his number.

It was fun having him as a textmate. I don't get bored. I talk and he would listen. He would call me everytime he's free. It's so refreshing that my toxic day would be lighten everytime he call before bedtime.

Morning came and I was greeted by his morning texts. Dumaan ang mga araw na nasasanay na akong ka text at katawagan siya.

May mga araw na pumupunta siya sa work place ko and I would act as if i don't know him at all. Ni hindi ko siya tinitignan kapag napapatingin siya sa akin.

"Sino siya?" Dinig kong tanong niya sa isa sa ka katrabaho ko.

"Si Aque 'yan bagong saleslady ".

Ramdam kong nakatingin siya pero nagpanggap akong walang narinig. Ayaw kong tumingin sa kanya. Ni hindi ko siya kinakausap sa ilang pag kakataong nagkikita kami.

____

After months of working in that bakeshop,na pagmamay -ari ng auntie niya. Isang araw may dumating na bagong trabahador.

Si Red ay nakapalagayan ko kaagad ng loob dahil likas siyang mapagbiro at mabait.

"Aque pa text naman o patawag nalang may tatawagan lang akong kaibigan."
Isang araw ay pakiusap sa akin ni Red.

"Geh,load mo nalang" sabay abot ko sa cellphone ko sa kanya.

Nakalayo na siya nong biglang may naalala ako.

"Wait!wait Red! Sino palang tatawagan mo?" Habol kong tanong.

"Si Lee,'yong bestfriend ko".
Natigilan ako sa sinabi niyang pangalan. Bigla kong inagaw 'yong cellphone ko sa kanya. Nagtaka siya kong bakit at nag umpisa siyang kulit kulitin ako. Hanggang sa napaamin na niya ako.

"Textmate ko,siya," bulong ko sa kanya.

"Hindi,nga?"

"Oo,nga!"

"Bakit parang hindi naman kayo magkakilala noong pumunta siya dito nong bagong dating ako?".

"E,kasi nga di naman niya alam na ako yong textmate niya..!" Ang kulit. Alam kong namumula na ako kasi halatang nang aasar 'yong ngiti niya.

"Gusto mo siya,nuh?!" Pang aasar pa niya sakin.

"Hindi nuh! Ayaw ko sa mapuputi."pagtanggi ko.

"Kong ganoon bakit mo siya textmate kong hindi mo type?"

"Hindi naman niya kaya alam na ako 'yong ka textmate niya. Wala naman makakaalam. Hoy,Red! Ikaw 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanya,ha?!"

"Sige,sige."

"Talaga promise? Kapag talaga ikaw nagsabi sa kanya 'di na kita kakausapin!"

"Hindi nga,pero pahiram pa rin ng cellphone mo. Sa bahay nalang ako tatawag. "

Pasiring ko siyang tinignan. Pilit kong inaarok kong nagsasabi ba siya ng totoo. Kasi baka pinagluluko niya ako.

"Ansama mo makatingin. Sabing sa bahay ako tatawag. Wag kang mag alala secret lang natin 'yong sinabi mo.". Pangungumbinsi pa niya sa akin.

"Sige nanga, pagkatapos mong tumawag balik mo din sakin agad, ha."

"Oo,salamat!"

___

Habang nakaduty ako hindi ako mapakali. Ewan ko,parang feeling ko may mangyayari.

"Aque,'ito na cellphone mo."

"Tapos kana tumawag.?"

"Oo,salamat."

May naglalarong pigil na ngiti si Red habang inaabot sa akin iyong cellphone ko. At pakiramdam ko lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi talaga ako mapakali. Kapag ganito pa naman ako madalas nagkakatotoo ang iniisip ko.

"Tinawagan mo siya?"

"Hindi." Maikling sagot niya pero nandoon pa rin yong sutil niyang ngiti.

____

A few minutes bago matapos ang duty ko biglang dumating si Lee. Ayon nanaman 'yong kabog sa dibdib ko. Pagbungad niya palang umiwas na agad ako ng tingin. I can feel him staring at me.

Nag iinit ang pisngi ko. Kasi kahit hindi siya magsalita alam kong may nagbago. May nagbago sa pag titig niya sa akin.
Lee was a snob. Hindi siya 'yong tipong ngumingiti kahit kanino. Hindi rin siya masalita sa personal. Na kabaliktaran kapag ka kwentuhan ko siya sa cellphone. Siguro dahil hindi naman niya ako kilala? O siguro baka nadadala siya sa kadaldalan ko.

Dumiretso siya sa loob ng bakery. Kong saan stay in rin kami. Kaya after duty doon na rin kami tumutuloy. May kuwarto para sa mga babae. At may kuwarto naman para sa lalaki. Bawal magpapasok doon ng outsider. Pero dahil pamangkin naman siya ng may-ari pwede siyang pumasok at pumunta doon.

Pagkapasok ko ng kuwarto 'yong cellphone ko kaagad ang tinignan ko. At tama ako may text nga siya.

Labas ka.

My heart is pounding too much. Hindi ko alam kong may mukha pa akong ihaharap sa kaniya ngayong sigurado na akong alam na niya. Pasaway yong Red na yon!ggrrrrrr!!!.

Dahil nasa labas ang common bathroom namin napilitan akong lumabas para maglinis ng katawan. Maghapon akong duty at nanlalagkit na ako sa pawis.

Paglabas ko ng kuwarto nasa may daanan siya nagkwekwentuhan kasama si Red at 'yong mga lalaking ka work namin.

Nakayuko akong dumaan. Lakas loob. At hindi tinitignan ang kahit sino sa kanila. Ramdam kong nanginginig ang mga tuhod ko sa hiya.

"Mizzy ah..mizzy ah...."

Napatigil ako sa paglalakad at lakas loob na humarap sa kaniya nong marinig ko ang boses niyang parang nang aasar. Nanahimik bigla 'yong mga nagkwekwentuhang mga lalaki at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Mizzy was the name I'm using as his textmate.

"Jerry ah...jerry ah." I mimic the way he tease me at napangisi kahit kabado. Taas noo akong nakipagtitigan sa kanya kahit alam kong namumula ang mga pisnge ko.

Jerry was the name his using as my textmate.

"Anong meron sa inyo?"

"Aque, sino si Mizzy.?"

"Sino si Jerry?"

Sunod sunod na tanong nila sa amin. Hindi namin pansin ang lahat at nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa. Na para bang may sariling mundo at mga mata lang namin ang nag uusap.

His Eyes was dancing with mischief. Na parang tuwang tuwa siya sa nakikita. A playful smile was plastered on his lips. What a playful handsome man. Ang ganda ganda ng mga mata niya.

We were sixteen at that time when he finally knew the real me. When his bestfriend reveal our supposed to be secret.

He was persistent to know me more,while I'm hesitant at first.

Akala ko noon kapag nalaman na niya kong sino ako,hanggang doon nalang kami. Na hindi na siya magtetext,na hindi na sya tatawag. But oh boy! I never thought na yon pala ang magiging simula....

Centre Of My Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon