Chapter 4

16 5 5
                                    

"S-So....anong sa'tin?"medyo na uutal pa akong mag salita. Pilit kong itinututok ang aking mga mata sa kanya kahit ramdam ko pa rin ang hiya. I feel nervous, that he is finally here infront of me. Yong pakiramdam na alam na niya kong sino ako ay lubos na nakakapag bigay sa akin ng hindi maipaliwanag na kaba,hiya at saya.

Hindi mawala-wala 'yong matamis na ngiti sa mga labi niya,ngiti na madalang mo lang makita sa kanya. Sa iilang pagkakataon kasi na nakita ko siya,suplado talaga. Kaya bakit ngayon parang naka unli smile 'to?

"Ehem...baka gusto mong magsalita?" Medyo 'asar ko ng tanong nong lumipas na ang ilang sandali na nakangiti lang siya habang nakatitig sa akin.

"Saka pwede ba,'wag mo ako masyadong titigan,hindi ako mawawala nandito lang ako sa harap mo." Pag susuplada ko dahil medyo nakabawi na ako sa hiya.

He smile again. Without uttering a word,he lifted his hand and touch my face. Napapitlag ako nang maramdam ang kamay niya sa pisngi ko kaya napalayo ako ng bahagya.

"A-Ano ba?!bakit nanghahawak ka ng pisngi?!" Can't help but snap at him. At natawa lang ang luko!

"I just wanna feel....That you are real.."Sabi niya na lalong lumawak ang pagkakangiti.

Pisteng yawa!makalaglag panty man gid ang smile niya!

"Ano naman akala mo sa akin imahinasyon mo?!" Sige magsungit -sungitan nalang ako para hindi halatang ako ay nahahalina.

"Hahaha.. I'm just happy. Sobrang saya na sa wakas kaharap na kita. Can I, hug you?"hirit pa nga.

Hanu daw???!!!Y-yakap agad??!

"Tumigil ka nga!Anong yakap ka diyan!Ngayon lang kita nakita,I mean, ngayon mo lang nalaman na ako ito,T-tapos humihirit kana ng yakap?!Bah!No freaking way!"

"Okay..okay.. relaks ka lang Que. Kong lulusot lang naman." Bulong pa nya. "So...sinabi na sa'yo ni tita?"

"Anong sinabi niya?" Maang - maanga ko. Kunyari hindi ko alam ang tinutukoy niya.

Tinignan niya ako ng pailalim.

"You know,what I mean."

"Hindi ko alam." Kaila ko pa rin.

"Really?Hmm." Umayos siya ng upo,isinandal ang likod sa upuan at tinitigan nanaman ako. He is not smiling anymore,but his eyes are still dancing with mischief. Ang ganda ganda talaga ng mata niya. And his expression is softer than his usual look.

"Ano ba kasi 'yon?Anong sasabihin ni Ate?" Panindigan ko ng 'di ko alam, haha!

"I wanna court you...for real. Di ba sabi ko naman sa'yo magpapaalam ako kay tita. And I don't want to waste more time.Ngayong kilala na kita,gusto kong mas kilalanin ka pa. Gusto kong maging mas malapit pa tayo sa isa't isa.I want to be a part of your life." He softly said. Sabi nila,sa mga mata daw natin masasalamin ang ating mga saloobin. There was so much emotions in his eyes. Mga emosyong hindi ko mapangalanan ang ilan. Pero malaya kong nakikita ang kagalakan at katotohanan sa mga binitiwan niyang salita.

I bit my lower lip to prevent my growing smile. And I know I am blushing again. Sobra akong naaapektuhan sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala.

He is too handsome for a simple girl like me.

Kong magiging totoo ako,parang alangan ako sa kanya. I'm just an ordinary girl. Maganda pero hindi artistahin ba. While him,with just one look girl will flock towards him. He could have any girl that he want,effortless. So,why me?

"Bakit, ako?" Mahina kong tanong at sinalubong ng naguguluhan kong tingin ang mga malalalim niyang titig.

"Kasi,gusto kita." Deretsahan niyang sagot.

"Pero ngayon mo lang ako talaga nakilala,marami ka pang hindi alam sa akin. Marami akong mga sinabi sa'yong kasinungalingan. 'Yong mga panahon na textmate palang tayo marami doon ang hindi totoo."

"Alam ko,pero noon pa man kapag pumupunta ako dito napapansin na kita. Pero,esnabera ka. Halos hindi mo ako tapunan ng tingin."

"Dahil, kilala naman kita."

"Iyon nanga e,kilala mo pala ako. So, why?Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala 'yan. Na 'Ikaw' pala iyong taong araw-gabi kong ka text at katawagan?"

"Dahil wala naman talaga akong balak magpakilala sa'yo."

"So, laro lang lahat 'yon?" Tanong niya na parang nasasaktan.

"Oo." Walang alinlangan kong pag-amin.

"Fuck." Mahina niyang pagmumura.

I don't know what just happen. One minute we're talking just fine and now we are like about to fight.

Humugot siya ng malalim na hininga at tumitig ulit sa akin.

"Let's forget it. Kalimutan na natin 'yon. Gusto kong magsimula tayo ng panibago." Dahan-dahan siyang tumayo at hinawakan ng marahan ang aking mga kamay at iginiya niya ako patayo.

Now we are facing each other.

He smile again. Binitiwan niya ang mga kamay ko. He swallowed the lump in his throat. Inayos niya ang damit niya na parang nagusot ito.

"Hi. I'm Adrian Lee Velasco." Inangat niya ang kanan niyang kamay at umastang makikipag kamay sa bagong kakilala.

Hindi ko na mapigil ang mapangiti rin sa kanyang ginawa. Nakakatuwa lang na maiisip niyang makipagkilala sa akin ulit. And this time sa tamang paraan na.

"Hello. I'm Aque Nhorain Melchor. Nice meeting you Adlee."

Inabot ko rin ang kanan kong kamay at matamis na ngumiti sa kanya. Sa sandaling nagdaop ang mga palad namin at magkahinang ang mga mata. Mga matatamis na ngiti para sa isa't isa. Para kaming binalot ng mahikang kami lang dalawa ang nakakadama. Our surroundings seems to vanish. Para na kaming may sariling mundo.

I never thought that the MAN I once called a textmate,could affect me this much. Na 'yong lalaking wala akong kabalak -balak na kilalanin ng personal ay narito ngayon sa harapan ko at kadaopang-palad ko.

"I like the way you address me. Adlee. No one called me that nick name. It's either Adrian or Lee.."

I'm smiling from ear to ear. Well,that's me. Mahilig ako magbigay ng palayaw sa mga nakikilala ko. Lalo na iyong mga nagiging malapit sa akin. Gustong gusto ko 'yong may sarili akong endearment sa kanila.

"Hmm. At dahil ako naman nagbigay sayo ng palayaw na 'yan. Exclusively for me lang 'yan. Walang tatawag sa'yo sa pangalan na Adlee ,kundi ako lang."

"Your kinda,possessive,huh?" Pagbibiro niya sa akin.

"Seyempre naman noh!Kong sino nagpangalan sa kanya lang dapat iyon!Wag kana umangal. Babawiin ko gusto mo?"

Napatawa siya sa sinabi ko.

"If thats the case,I should have my own endearment to you too... I'll call you 'Aquen' ,then. Para akin lang din."

"Sino ngayon sa atin ang possessive??!maka akin ka,sayo?sayo?" Taas kilay ko pang tanong.

"HAHAHA. Your really witty. Basta 'Aquen' lang."

"Ehhhhhh!!!!"Matinis na tili ni Che na gumulantang sa amin ni Adlee. Nabigla ako kaya napabitiw ako sa kanya. Akalain mo 'yon nakalimutan na pala naming magkadaop parin pala 'yong mga kamay namin. At pinapanood na pala kami ng mga ka trabaho ko.Ahhhhhh!!! Nakakahiya!!!

Pero....Panira talaga ng moment ka chepieeeee!!!!

Centre Of My Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon