Chapter 6 - Star city

106 18 10
                                    

Author's note:

Inayos ko po kasi yung mga chapters kaya parang minove ko yung ibang happenings sa iba't ibang chapter. Super haba kasi ng mga chapters before. So I fixed it. Same parin happenings dito guys kasi nga minove ko lang yung scenes. :)

Sorry and hope you understand :)

_______

Nathan's POV

Sa wakas naman at tumahimik narin yung paligid. Hindi ako makapag basa ng maayos tuwing mag kasama kami ni Nathasha. She's always surrounded by noisy people.

Napatingin ako sa ulap. Dito ako nakatambay sa roof top ng school. Wala masyadong taong pumupunta dito siguro dahil maraming students ang gusto nalang lumandi sa cafeteria o hindi kaya mag laro ng basketball sa gym. Atleast I was able to find a quite and comfy place.

Naisip ko bigla si Nathasha. Bakit kaya ganun yung babaeng yun. Akala mo lalaki kong mag lakad at manamit. Tapos puro lalaki pa yung mga kasama niya. Pang kalye pa yung mga salita niya minsan. Ibang iba siya kung ikukumpara kay Sam. (Ate ni Nathasha)

Naalala ko yung unang pagkikita namin. Maganda naman yung built ng katawan niya tapos meron naman talaga siyang hinaharap gusto ko lang talaga siya asarin. Marunong kasi siya mainis eh. Haha

Ang sungit ko pa sakanya nun. Paano ba naman eh ang ingay ingay niya tapos kung ano ano pa yung lumalabas sa bibig niya. Hindi talaga ako makatiis sa mga maiingay na tao.

Pero simula naman nung sumama ako sakanila sa mall ay nakasundo ko narin siya kahit parati kami nagaasaran at naglalaitan. Magkaibigan na nga kami sa lagay na to. Comfortable narin ako sa kanya kahit nakita niya na yung pagkalalaki ko. Siya pa lang yung nakakita nun despite nung bata pa ako (which is my mom etc.).

Naalala ko nanaman yung time na yun. Pulang pula yung mukha niya ayan kasi pasok lang siya ng pasok. Gumanti lang siguro yun saakin dahil nakita ko siya na naka bra at panty. Hindi ko naman talaga sinasadya yun. Promise.

"Ahem. Ang saya ata natin dito ah. " naudlot yung pag daday dream ko. Nakangiti na pala ako habang nag flashback yung utak ko.

"Oh. Nica bakit?" si nica yung nag tour saakin dito sa school.

"Pinapatawag ka raw ni principal sa office niya. May sasabihin raw sayo."

"Ah sige salamat."Nauna na si Nica na bumaba sa roof top.

Ano kaya sasabihin ni principal saakin? Nasubmit ko naman lahat ng mga requirements ko ah. Wala na akong choice kung hindi pumunta duon at alamin kung ano meron. Sinarado ko yung libro ko at bumaba na.

Gerald's POV

Saan na kaya si Nathasha at ano kaya ginagawa niya. Hindi ako mapakali dito sa room eh. Kung lumabas at sundan ko nalang kaya siya? Ts baka mag mukha akong possesive. Eh best friend naman kaming dalawa kaya wala naman sigurong masama duon diba?

"Hey weirdo. Kindly stop moving around cause I'm getting dizzy."

"Wala akong paki alam kung mahilo o masuka ka." sabi ko kay Maycee. Ang arte arte nito eh bakit hindi niya gayahin si Nathasha. Walang ka arte arte sa katawan. Chill lang siya tapos simple.

"Hoy umupo ka nga dyan Gerald Parker. Hindi lang si Maycee yung nahihilo sayo eh. Para kang timang dyan tapos mukha kang natatae."

"Kasi naman si Nath pinapunta sa principal's office. Kakaumpisa pa nga lang ng pasukan tapos may offense na kagad siya." sana'y na ako na pumupunta si Nath duon. Pero first day pa lang tapos diretso agad siya sa principal's office? Aba matinde.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon