Chapter 9 - Reunited

91 5 1
                                    

"Argh. Ang sakit ng buong katawan ko." kakagising ko lang at halos lahat ng parte ng katawan ko masakit. Hindi na nga ako makabangon sa higaan. Lagi naman ganito ang umaga ko pag katapos kaya medyo sanay na ako pero masakit parin eh. Bakit ba kasi ako sumabak sa ganitong gawain.

Narinig ko na tumunog yung phone ko umagang umaga may nambubulabog na agad saakin. Inabot ko siya sa side table at tinignan kung sino yung nag text.

"Bumaba ka ngayon. Kasama ko ang buong pamilya mo. Kung gusto mo pa sila makita, lumabas ka na sa kwarto mo at dumiretso ka sa hall habang maaga pa." Galing sa unknown number.

Napamura ako ng walang sa oras. Baka ito na yung back up ng grupo na kalaban namin kagabi. Sinubukan ko tawagan sila Gerald pero hindi madial. Tinext ko nalang siya at sinabihan kung ano nangyayari. Putek naman yung lalaking yun. Humanda siya saakin mamaya pipindutin ko talaga ng sobra yung tahi niya sa braso.

Inayos ko na sarili ko at kumuha ako ng handgun at inilagay ko sa may legs ko may parang sabitan dun for a gun. Lumabas na ako sa kwarto ko at dahan dahan na bumaba sa hagdan.

Sobrang tahimik kahit konting ingay ay wala akong narinig. Mura lang ako ng mura sa isip ko. Subukan lang nila galawin sila mommy at daddy talagang ililibing ko sila ng buhay.

Pagkababa ko ay agad ako dumiretso sa hall dito sa bahay. Yes may hall kami at duon ginaganap yung iba't ibang events dito sa bahay. Inilagay ko na yung kamay ko sa may slit ng pajamas ko para madaling mahugot yung handgun ko.

Pag kapasok ko ng hall ay meron agad sumabog.. Na confetti. "Surprise!" nakita ko silang lahat duon. Nakabihis silang lahat pati narin si mommy at daddy pero ang sobrang ikinagulat ko ay nakita ko rin yung mga barkada ko from Canada. Dati kasi duon kami nakabased.

Nagsikain na yung mga iba habang kami ito nag usap.

"Nathasha! We missed you. Haha. Nice outfit by the way. Lovin' the slumber party get away." sinalubong ako ni Jenna at niyakap niya ako. Kainis yung malaki niyang hinaharap dumikit saakin.

"Yo Nath. Nag dadalaga kana ata ah. Umaasenso yung hinaharap mo haha." Salubong naman saakin ni Wendell, ang dakilang play boy slash loko loko.

Kung kami ni Gerald at Gerard ay loko loko pag dating sa away. Ito naman si Wendell, sa mga babae at gimik ang focus ng buhay niya.

Pagkalapit niya saakin sinuntok ko agad siya sa may tiyan ng mahina, "Aray! Nathasha naman. Ilang years na tayo hindi nag kita tapos suntok ang aabutin ko sayo. Ibang klase ka talaga mag mahal."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw mahal ko? Hoy. Mahiya ka naman sa salitang mahal. Hindi magkaparehas ang salitang mahal at kinamumuhian. Tss."

Bago ko pa siya maupakan bigla naman siyang hinila papalayo ni Ericka at sinalubong ako ng yakap. Pasalamat siya hinila na siya nitong si Ericka at masakit pa katawan ko ngayon. Kung hindi sinalubong siya ng upper cut ko.

"Bae! Damn you. I missed you so much. You haven't contact me since like I don't know forever. And because of that I hate you." Alam ko na ito nanaman yung language slash accent ang sasalubong saakin basta si Ericka ang kaharap ko. Naisip ko bigla si Maycee, sigurado mag kakasundo sila nitong si Ericka.

"Medyo marami kasi akong ginagawa nung nakaraan na araw. Teka ano nanaman yang tinatawag mo saakin na 'Bae' pang babae naman masyado Ericka tss." Sabi ko habang yakap niya parin ako.

"Ano ba. It's the latest call names today. Duh, you are a girl for your information Nath." Sabay hawak sa beywang niya. Ibang klase talaga si Ericka. Alam ko na sanay na ako sa kaartehan niya pero sumasakit parin ulo ko.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon