Chapter 3 - Manyak Alert

247 35 38
                                    

"Nasaan na ba si Nathasha? Dumidilim na oh. Tawagan niyo na nga yung mga pulis!" ang o.a talaga ni ate. Mas nanay pa ata siya kesa kay mommy. Tignan mo itong si mommy pasayaw sayaw lang ng Zumba.

Binilisan ko tumaas ng hagdan para makapasok ako sa kwarto ko bago pa ako makita ni ate kaso-

"Nathasha Claire Thompson! Bakit ngayon ka lang! Alam mo ba na hindi gawain ng babae ang umuwi ng ganitong oras ah." lagot na nakita na ako ni ate.

"Ah- zup? How was your trip to Hawaii?" sabi ko habang nagpapacute ako sakanya. Mahirap na baka sumabog siya sa galit.

"Wag mo ako dinadaan daan sa pag cucute face mo! Hindi ka cute at nakakasuka yang pagmumukha mo." Sabi na eh too late talaga ako.

"Sungit talaga. Sige ka dyan ate baka magka wrinkles ka at wala na manligaw sayo. Tapos magiging loner ka tapos forever single at tatanda kang walang asawa habang kami ni Zeke ay may mga sarili ng pamilya. Ikaw naman nagmamanage parin ng business at world tour ka pa pero forever alone ka naman. Tapos-" natameme siya bigla haha.

"Hoy tumahimik ka dyan Nathasha. Mag ayos ka na nga dyan at kakain na tayo." umakyat na ako sa kwarto ko.

"Wew. Muntikan na yun ah. Makapa ligo na nga." Para akong hinugutan ng tinik sa lalamunan duon.

Pagkatapos ko naman maligo ay bumaba na ulit ako sa dining area. Nakaupo na pala sila dad,mom at ate.

"Oh saan na si Zeke?" tanong ko kila mom habang humalik ako sakanila.

"Hindi namin alam. Alam mo naman nagmana sayo yun. Haha" si mommy talaga akala mo siya pa yung ate ko kesa dyan sa dragon na nakaupo eh.

"Manang patawag po si Zeke para sabayan niya kami sa hapunan" - Samantha

"So how was your trip to Hawaii, Samantha?" tanong ni daddy

"It was great and-" naudlot yung pag kwekwento ni ate dahil kay Zeke

"Ate! Andito kana pala! Saan yung pasalubong ko?" Grabi lang ah. Ang bilis naman nitong kapatid ko parang the Yellow Flash ah.

"Nasa kwarto ko. Punta nalang kayo ni Nath duon mamaya." buti pa si ate kung saan saan na siya pumupunta halos nalibot niya na siguro lahat ng countries.

"Sam ba ako sumama sa susunod mo na trip?" tanong ko kay ate. Nababagot na ako dito sa Pilipinas.

"Sure anak, pwede ka sumama sa ate mo. Basta ayusin mo muna mga grades mo." si daddy yung sumagot. Nakita ko pa yung behlat ni ate.

Pagkatapos namin kumain ayun parang may humahabol kay Zeke. Ang bilis bilis niya pumunta sa kwarto ni ate. Sumunod naman ako, gusto ko rin makuha yung pasalubong niya para saakin. Mamaya yun na pala yung hinihiling ko sakanya.

"Wow ate. Salamat. Sa susunod ate isama mo naman kami ni Ate Nath." yung pasalubong sakanya yung parang wooden statue. Ewan ko ba dito kay Zeke, weirdo rin ang kinocollect. Mana siya kay ate samantha.

"Oo ba, basta ayusin niyo lang grades niyo gaya ng sabi ni daddy. Oh ito naman para sayo Nath. Hinanap ko pa yan sa pinaka dulo ng Hawaii."

Kuminang bigla yung mga mata ko nung binuksan ko yung box. Literally na kumikinang yung mga mata ko haha.

"Thank you so much! Kompleto na yung collection ko. Kahit papaano pala mahal mo parin ako." niyakap ko siya. Ang bait pala talaga ni ate haha. (Suhol lang haha.)

Sa wakas kompleto narin yung Fairytail anime dolls ko. Yung binili ni ate si Natsu, Erza at Jellal. Kahit papaano pala maganda rin yung gabi ko sa araw na ito.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon