Chapter 7 - Annoying

81 18 4
                                    

Nathasha's POV

"Mag hintay ka nga, pwede ba Nathasha. Tuloy tuloy tayo sa pag sakay ng rides hilong hilo na ako. Ano bang klaseng tiyan ang meron ka. Babae ka ba talaga." ang bading nito. Hindi ko alam kung bakit marami na agad nag kakagusto sakanya sa school kung alam lang nila.

"Ang dami mong satsat. Eh bakit ka naman kasi sama ng sama saakin kung ayaw mo rin pala sumakay sa rides. Ikaw ang abnormal dyan eh. Tapos ngayon every 5 minutes ay susuka ka. Ang bading mo tignan Nathan."

"Sinong bading?"tanong niya habang nag pupunas ng mukha niya.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang sa alamang ay ikaw yung tinutukoy ko." lakad parin ako ng lakad. Ang baho ng suka niya. Ayoko mahawa sa baho niya.

"Sinong tinatawag mong bading Nathasha? Ayaw mo talaga bawiin yang sinasabi mo?" paulit ulit naman. Nakakasawa rin mag salita kaso takot ko lang kung mapanis laway ko. Sayang naman yung toothpaste na imported galing sa America.

"Ikaw nga kasi. At bakit ko naman babawiin? Nagsasabi ako ng halata na bagay. Wag naman paulit ulit yung pagtatanong. Akala ko ba matalino ka bakit ang slow mo ngayon. Nakakasawa na-" pag ka lingon ko sakanya nasa may tabi ko na pala siya. Hindi ako makahinga ng maayos. Inches nalang ata ang layo namin o cm ba yun. Alin ba yung mas maliit sa cm at inches. Ewan ko ba hindi naman ako nakikinig sa class eh. Pag nakinig siguro ako magiging katulad ako ni maam principal na parang sira-ulo na kausap.

"Gusto mo ba halikan kita dyan para bawiin mo yung sinasabi mong bading ako?" Hindi talaga ako makahinga yung parang pinipiga yung puso ko. Sinusubukan ko na itulak siya kaso hinawakan niya ako sa likod at pinipilit akong ilapit pa sakanya. Ano bang nakain nito lalaking to.

"N-Nathan lumayo ka nga saakin. S-Susuntukin kita sige!" bakit ako nauutal.

"Why are you stuttering Nathasha? Do you find me that attractive?" Ang husky ng boses niya. May ganitong side rin pala si Nathan. Hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko.

"H-Hindi noh. Asa ka pa. Hindi kita type at hindi tayo talo. B-Bakla ka diba?"

"Do you really want me to kiss you? You mentioned that word again Nathasha. I guess you are really waiting for a kiss." nagsmirk siya at unti unti na lumapit sa akin yung mukha niya.

Napapikit nalang ako bigla. Hindi talaga ako makaalis sa harap niya. Parang lalo ako hinihila ng mga mata at labi niya. Ano ba tong iniisip ko! Teka sobrang lapit niya na talaga. Help me!

Ilang segundo nalang mag lalapit na siguro labi namin. Hindi ko parin maibukas mata ko. Ang tagal mag dikit ng labi namin ah. Hindi naman sa gusto ko pero yun ang ipinapakita niya eh.

"Pfft. --Hahaha. Nathasha! --- Joker pala talaga yung--- hahaha. Mukha mo." Nakita ko nalang na malayo na siya saakin tapos hawak hawak niya yung tiyan niya. Biglang nag init yung pisngi at ulo ko.

"Hahaha. Nathasha kung nakita mo lang yung pag mumukha mo. Pulang pula tapos parang natatae dahil hindi alam ang gagawin." Tawa parin siya ng tawa. Pinag titinginan na siya ng mga tao. Siguro iniisip nila na baliw na siya.

"Hahaha. Sige lang tawa ka lang. Mag ingat ka ah baka maubusan ka ng hangin dyan. Pero ayos lang, sana matuluyan kana kasi kung hindi. Ako na mismo ang mag papatigil sa daloy ng hangin dyan sa katawan mo." naglakad na ako papalayo sakanya. Kapal ng mukha niya para pag tawanan ako. Nang gigigil tuloy ako sakanya. Parang gusto ko manuntok ng tao ngayon.

"Wait Nathasha. Haha. Hintayin mo nga ako."

Hindi ko siya hinintay at mas binilisan ko ang pag lakad. Nawalan na ako ng gana kaya lumabas na ako at dumiretso sa kalsada para makasakay ng taxi.

"Nathasha can you please wait for a second."

"Ulol. Tumigil ka sa pag english saakin. Hindi mo bagay mag english. Pilipinas ito kaya mahalin mo dapat ang sarili mong wika." hindi ko na ulit siya hinarap. Siya lang ang nag papainis saakin ng ganito.

"Mahal ko ang wika ko. But it doesn't mean that when you love something is you should only focus on that. Sometimes you should think out of the box and enjoy other things and not imprison yourself on that specific thing."

"Ano pinagsasabi mo? Parang may hugot yun ah. May dinadamdam ka ba?" sinabi ko lang naman na mahalin ang sariling wika tapos kung saan na napunta yung sinasabi niya.

"Wala. Sabi ko sorry na at bati na tayo." ngumiti na ulit siya. Mukha naman sincere kaya hinayaan ko nalang yung nangyari kanina.

"Fine." nag smirk lang siya. Siguro dahil ako naman yung nag english.

Nagkatinginan lang kami tapos bigla nalang kami natawa. Siguro naka-on yung bluetooth sa utak namin kaya nag kaintindihan kami.

Nakasakay na kami agad ng taxi and we headed back to our house.

Pag katapat namin sa bahay nakita ko agad sila Drake & Gerald. Himala galing sa heaven. Nag sama silang dalawa at nag tatawanan sila.

"Hoy mga sira ulo. Ano ginagawa niyo dito sa tapat ng bahay namin?"

"Nathasha! Ang tagal niyo naman. Mas nauna pa kami sainyo na makauwi ah. Saan ka dinala niyang si Nathan? May ginawa ba sayo yang mokong na yan?" nag simula na mag ingay si Gerald habang hinahawakan ako sa may balikat.

"Ano meron nga ba? Papaduguin ko na yung pag mumukha niya ngayon din." isa pa 'tong si Drake.

"Pagod na pagod na ako. Tigilan niyo ako sa mga kabadingan niyo ah. Papatayin ko kayo ngayon kung mag sasalita pa kayo."

"Oh tignan mo Drake, nag kaganyan si Nathasha dahil kasama niya si Nathan. Upakan na natin dali."

"Sige."

"Lalayas ba kayo sa harapan ko o kukuha muna ako ng kutsilyo sa loob ng bahay?" nag salita ako agad dahil malapit na upakan si Nathan. Iba rin utak nitong si Nathan, alam niyang sasapakin na siya pero chill parin siya.

"Haha. Nathasha hindi ka talaga mabiro. Happy April fools day!"

"Ulol, anong happy-Ah haha. Oo tama. We are just foolin' around. I should go ahead Babe. See you tomorrow." akala nila hindi ko nakita yung pagsiko ni Gerald kay Drake. Nakakabobo talaga sila.

Dumiretso na ako sa pintuan para makapasok sa bahay. Nakita ko na sa loob si Mommy & Daddy. Hindi ako sinermonan. Basta raw kasama ko si Nathan. Sabi pa nga nila kahit wag na ako umuwi. Ang bait ng mga magulang ko diba?

"Pangit ayos na tayo ah?"

"Oo na dyan. Wala naman akong ibang pag pipilian."

"Then the tutoring will start tomorrow. Good night."

"Night." wait ano sabi niya? Tutoring?

"Hoy! Anong tutoring? Kakatapos lang ng first day ah." sinong matinong tao ang mag rereview pag katapos ng first day of school? Alien lang siguro.

"We will do advance studying, silly. Tulog kana walang aangal Nathasha."

Napahiga nalang ako sa kama ko. Bakit ba nangyayari saakin ito? Marami pa dapat akong inaayos. Marami na akong nasasayang na oras. Kailangan ko na makausap ang C&C tungkol duon.

___

Author's note:

Sorry short lang po ito haha. Going to update this soon :)

Please check my "Finding my happiness" story <3 Thanks

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon