Chapter 7

11 3 0
                                    

At Blue Cafè 7:55 A.M.

Maaga siya ng limang minuto sa kanilang usapan kaya naman ay umorder na siya ng makakain nila para wala nang masabi sa kanya.

'One cup of black coffee and one slice cheese cake for my boyfriend. And for me, ice americano and one slice of red velvet cake. And do serve us two cups of water. -sabi niya sa babaeng waitress kahit na hindi man lang tinignan ang menu nila. Tumango naman ang babae at inulit ang order niya. At ng makumpirmang tama ang order niya, umalis na ito at naiwan siyang mag-isa.

Upang malibang ang kaniyang sarili, itinutok niya ang kaniyang paningin sa labas ng salaming bintana ng Cafè saka pinanood ang mga sasakyang nagdaraan. Ganoon lamang ang kaniyang ginawa sa loob ng limang minuto.

Samantala pagkagising ni Clay, sakit sa ulo at pagkahilo agad ang kaniyang naramdaman.

'Gisinggggggggggggggggggg!!!!!!!' -malakas na sigaw mula sa kaniyang kapatid na si Jean ang mas bumulabog pa sa kaniya.

'Not too loud Jeanea.' -alma naman ni Calvin na pupungas-pungas pa na galing sa banyo.

'Bilisan niyo ang kilos at kumain na kayo. Heto ang gamot sa sakit sa ulo niyo. Pagkatapos linisin niyo lahat ng kalat niyo. Tsaka magsiligo na rin kayo nangangamoy na kayo' -pag-uutos pa nito.

'Yes, mam.' -sagot naman ni Calvin na nauna ng pumwesto at kumain.

'7:40 A.M. palang naman. Kuya let's talk later.' -seryosong sabi naman nito pagkatapos nitong tumingin sa relong nasa bisig niya. Pero siya naman ay agad naalarma. Imbes na magtuloy sa pagkain agad siyang pumasok sa sariling banyo at agad na naligo. Nakabihis na siya't lahat-lahat at nagbilin sa mga kaibigan na may kailangan siyang puntahan.

7:55 A.M. na at sigurado siyang kanina pa naghihintay sa kaniya ang dalaga.

'Wait for me a little longer.' -bulong niya na may kasamang pagmamakaawa. At dahil sa desperasyon  na marating agad ang kanyang pupuntahan mabilis niyang pinasibad ang kaniyang sasakyan. At ng makarating na  siya sa establishemento dalangin niya na sana ay naroon pa ang babaeng nais niyang makausap.

8:15 A.M. na agad siyang pumasok rito at tinignan ang paligid ngunit bigo siyang makita ang inaasahan niyang makausap.

8:15 A.M. na ang oras ngunit wala pa rin ang binata. Natunaw na ang yelo sa kanyang inumin at malamig na rin ang inorder niyang kape ngunit hindi pa rin ito dumarating. Kunot ang kaniyang noo habang nakakuyom ang kaniyang palad na tumayo sa kanyang upuan. Padabog niyang ibinaba ang bayad ng mga inorder niya. At nagpupuyos siya sa galit na umalis sa cafè.

'Umalis na siya.' -malungkot niyang usal saka tumalikod na para umalis.

'Clay.' -tawag ng babae sa kanyang likuran at agad naman niya itong nilingon.

'Anong karapatan niyang paghintayin ako ng matagal.' -galit niyang sambit tsaka pumasok na sa kaniyang sasakyan at pinasibad na ito.

'Ubos na talaga ang pasensiya ko sa kaniya. Kung ayaw niya sa masinsinang pakiusapan pwes, dadaanin ko na lamang sa aking sariling paraan.' -galit niya pang sabi tsaka mas pinabilis ang takbo ng kaniyang kotse. Para tuloy siyang nakikipagkarerahan sa kanyang bilis ng pagpapatakbo. Hanggang sa makarating siya sa dalampasigan. Bumaba agad siya sa kaniyang sasakyan at tahimik na pinagmasdan ang karagatan. Hindi kagaya ng iba na kapag galit sila at nag-iisa, nakakaya nilang isigaw at ilabas lahat ng hinanakit nila sa mundo.

'Bakit ako sisigaw at magmumukhang baliw kung pwede naman akong manahimik nalang at mag-isip ng plano.' -bulong niya sa sarili at siya'y tahimik lamang na nakamasid doon at umupo sa buhanginan.

'Lintik lang talaga ang walang ganti, Smith.' -nagngingitngit na bulong niya at tinawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao para sa kanyang plano.

Smith Series 1: His Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon