CHAPTER 86

260 20 4
                                    

Saichi's POV

''Yuki ikaw na bahala sa cctv hehe hacker lang ako ng facebook eh" mahina kaming natawa sa sinabi ni Yoona.




"Sure ate Yoona hehe" sagot ni Yuki bago ngumuya ulit ng chocolate.





"Saichi ikaw na bahala kay Silver, at ikaw naman Vien at Rade mag bantay kayo sa 6th floor, Sabi kase ni Az andon daw nakatago yung toxic bomb, Just be careful at siguraduhin nyong walang makakapansin na nag mamasid kayo" sabay sabay kaming tumango. "Ako na bahala sa iba pang miyembro"




"P-Paano po yung papa mo ate Yoona? You'll kill him too?" Takhang tanong ni Vien, Nakita kong napabuntong hininga si Yoona at seryosong tinignan si Vien.




"Kung kailangan...... gagawin ko" napatango nalang si Vien.




Ilang saglit pa ay chineck agad namen ang cctv, Binigyan nya din kami ng assigned floors, Hindi ako makapaniwala na ganito pala kagaling at katalino si Yoona, She's just like our boss, Parehas silang mabilis mag isip lalo na sa mga ganitong sitwasyon at bagay.





"Ate Yoona tignan mo to!" Lahat kami ay napatingin kay Yuki habang nakaturo sya sa phone nya, Nanlaki ang mata ko ng makita ang footage nitong hotel sa screen ng phone nya, Aaminin ko na kahit may pag ka abnormal at isip bata tong si Yuki ay magaling sya pag dating sa security at hacks.



"Diba ito yung Valiger?" takhang tanong ni Yuki habang nakaturo sa isang lalaki na blonde ang buhok at papasok sa elevator kasama ang isang babae na maiksi ang buhok at mukhang gangster dahil itim ang make up nya na parang may lamay na dinaluhan.




"May plano silang kunin ako sa mga oras nato, Akala nila nag away kami ni Az kahapon, Di ko nga din alam kung nag aacting lang ba si Az eh basta ang gulo nya hehe" Pilit akong ngumiti at tumango.




"We will do our best to protect you from them Yoona" napangiti nalang sya aat kinuha ang baril na naka suksok sa gun pocket nya.




"Lalabas na ba tayo ngayon ate Sai? makikipag bakbakan agad tayo?" Biglang tanong ni Yuki, Umiling lang ako at kinuha din ang baril ko sa bulsa.



"Hindi tayo pwedeng mag pa dalos dalos, Kailangan mong mag kunwari na mag isa ka lang Yoona, Don't worry nasa likod mo lang kami, Kapag nag simula na silang lapitan ka tyaka kami kikilos" Napabuntong hininga sya sa sinabi ko.




"Basta wag nyo ko iwan ah?" Tumango nalang kami at nag simula nang lumabas ng kwarto.




Nag tago muna kami dito sa pader at patuloy na sinisilip si Yoona na seryoso ng nag lalakad, Saktong pag bukas ng elevator ay lumabas sila Valiger kasama ang babae, Nangunot ang noo ko ng makipag usap sila saglit kay Yoona, Lahat kami ay nanlaki ang mata ng akmang bubunutin ng babaeng nakatalikod sa gawi namen ang baril nya ng dahan dahan kaming nag lakad palapit sakanila, Sigurado akong hindi nila kami mapapansin dahil nakatalikod sila samen, Nang tumango si Yoona samen ay mabilis na kaming nag lakad palapit sa gawi nila.




Mabilis nameng tinutukan ni Vien ng baril ang babae, Sa ulo ko sya tinutukan habang si Vien ay sa tagiliran nito, Nakita ko ang pag kagulat sa mukha ng babae at nung Valiger.



"One wrong move, we will shoot your head" rinig kong bulong ni Rade.





"Bakit hindi ko agad na isip na may alagad palang mga daga si Yoona? hahahaha" nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya, T*ngina pala neto ginawa pa kaming daga!




"Siraulo ka baka gusto mong butasan ko yang ulo mo!" Inis na sigaw ko.





"Easy miss beautiful hindi ka naman mukhang daga" ul*l ako pa binola mo!



OUR HOPELESS LOVE STORY[ON GOING]Where stories live. Discover now