Chapter 4

39 5 2
                                        

Nagsimula nang umalis ang mga tao, kaniya-kaniyang labas. Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa imahen at iskultura ng mga santo at santa. Nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin. Agad kong ibinaling ang aking ulo sa kaliwa upang makasigurado. Isang lalaking matipuno ang pangangatawan ang bumungad sa akin. Hindi ko mawari kung sa akin ba sya naka tingin ko sa  ibang bagay na nasa kinaroroonan ko rin. Nakasuot siya ng amerikana habang ang isang kamay ay nakapamulsa. Siguro'y naiinip na siya sa kan'yang kausap dahil patapik-tapik na ang kanyang kanang paa sa sahig.

Umangat muli ang tingin ko sa kanyang mukha, ngayon ay sigurado na akong nakatingin nga siya sa akin. Agad kong naalala na may bahid pa ako ng mga luha sa mata. Dali-dali ko naman itong pinawi gamit ang aking kamay. Siguro'y naiisip ng lalaking naka amerikana kung sino ang taong nasa matinong pag-iisip ang tititig sa kanya habang may luha sa mukha.

Dahil sa hiya ay hindi ko na minabuting balingan pa siya ng isang tingin. Tumayo na ako at mabilis na naglakad pabalik sa clinic.

Dahil linggo ngayon ay sarado ang clinic. Tuwing weekends ay sarado ang clinic para naman makapag pahinga ang assistant ko pati na rin ako. Nagpunta lamang ako rito upang tingnan kung may nakaligtaan ba akong gawain o papeles at sa kabutihang palad ayos naman ang lahat. Paalis na sana ako nang tumunog ang lumang telepono sa aking opisina. Tanging personal na tawag lamang ang tinatanggap ko rito dahil may isa pang telepono na nakalaan mismo para sa mga pasiyente. Kung sa teleponong iyon tatawag, didiretso agad ang tawag sa voicemail para kung pasiyente man ang tatawag, ay hindi sila mabibigla na therapist na agad ang kanilang kausap.

"Get Well Psychotherapy Clinic, how may I help you?" the usual cheery voice I always offer when answering phone calls.

"Good afternoon, can I talk to Ms. Alaena Araja?"said the person over the line, na sa pagkakarinig ko ay isang babae

"This is Alaena Araja speaking. Who's this?"

"Oh! Good afternoon, Ma'am. This is the HR Department of Bricks and Box Company. We would like to invite you to come for an interview."

"Interview? Hindi po ako nag-apply sa kahit anong posisyon sa inyong kumpanya Ma'am. Maybe you dialed the wrong number?" pagtatanong ko. Ba't naman ako maghahanap pa ng ibang trabaho, e mayroon na akong akin.

"We are looking for qualified persons po for  a vacancy sa HR Department, and congratulations po Ma'am isa ka po roon. If you have more questions please go to our company to the date and time that we both agreed on," sagot ng nasa kabilang linya.

Kasabay nang pagbaba niya ng tawag ay ang pag ilaw ng aking cellphone. Isang email mula sa Bricks and Box Company. Agad ko itong binuksan.

Araja, Alaena

Congratulations! You are one of the chosen qualified for a vacant position at our company, Bricks and Box.

Please reply to this email for what date and time you are available so we could fit ours. Have a nice day!

Further questions will be answered by the preconcerted date.
-----

That's the email content. I replied that I am only available during weekends, still confused why they emailed me. Alam kong hindi ito scam, sikat ang kumpanyang iyon sa paggawa ng mga online games. At kung magre research ako about sa company nila, ang lalabas ay puro "top 1 in the market of online gaming."

Malalaman ko naman ang sagot sa mga katanungan ko kapag pumunta ako sa interview. Sayang din ang pagkakataon, trabaho na ang lumalapit sa akin.

Uuwi na lang muna ako, kakain nang pagkarami-rami, magbabasa ng libro na may steamy at hot content, magkukulong sa kwarto, iiyak hanggang matapos ang palabas na One More Chance. Para kinabukasan, mas okay na ako. Hindi ko na iisipin si Seth at ang mapapangasawa nya.

____________________________________________
:>>>

Have a nice day!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's my Psych Where stories live. Discover now