"Ang Simula"

113 1 0
                                    

Si Christoff . Isang lalake mababaw lang ang kaligayahan. Ngunit napaka lalim kung mag isip, Tahimik lng sa klase, misteryoso at napakaseryoso sa buhay. Lagi nga sya sinasabihan ang suplado, pero ang totoo ay nasa loob ang kulo. Mahiyain lang sya pero kung kakilala mo na sya dun mo makikita at malalaman kung sino ba talaga sya. Magaling mag advice sa mga taong broken hearted o may mga problema. Pero sya din yung taong sobra kung mag mahal. nag karon sya ng kasintahan na halos ibigay nya ang lahat para sa taong mahal niya. Nangako sila sa isat-isa na hangang sa huli ay mamahalin nila ang isat-isa, Magsasama ng masaya at sumumpa na sya lamang ang hihintayin ni Christoff sa harap ng althar upang sila ay tuluyang magng iisa. Ngunit sa kasamaang palad, lahat ng iyon ay pawang hanggang panaginip nalamang. Lahat ng iyon ay nag laho na parang bula. Halos gumunaw ang mundo ni Christoff ng nalaman nyang hindi na pala sya ang taong mahal ng taong sobra nyang minahal. Bawat gigising sya upang pumasok sa klase ay halos pag sakluban sya ng langit at lupa sa sakit at bigat ng kanyang nararamdaman. Alak, sigarilyo at kaibigan lamang ang kanyang sandalan upang mailabas ang kanyang saloobin. Ilang buwan din umikot ang mundo ni Christoff na puro sakit lang ang nararamdaman. Halos nagbago ang lahat kay Christoff. Ilang beses syang sumubok mag mahal ngunit lahat ng iyon ay naging panakip butas lamang sa sakit ng kanyang nararamdaman. Isang araw, may dumating muling babae sakanya. Isang babae na nag patibok muli sa puso niya. At ng maging sila, sobra nya ulit itong minahal sa kabila ng pinagdaanan nya ay sumubok padin sya mag mahal ng lubos. Tinigil nya ang mga masamang gawain gaya ng pag inom at pag smoke. Binago nya ang sarili nya para sa babaeng nag bibigay halaga muli sakanyang buhay. Ngunit lumipas lng ang ilang buwan . Sa hindi inaasahang pangyayari, bumitaw sakanya ang kanyang kasintahan. Dahil nagng LRD (Long Distance Relationship) ang kanilang relasyon. Naging mahirap ang sitwasyon nila lalo kung may tampuhan sila sa isa't-isa. Mas nahihirapan silang ayusin at itama ang lahat. Sa kasamaang palad, Naulit muli ang sinapit nyang pag hihirap noong unang nag mahal sya ng sobra. Akala nyang ayun na ang huling babaeng makikilala nya at makakasama habang buhay ay hindi pala. Bumalik muli sa dating sya si Christoff. Halos magwala sya sa sakit ng kanyang nararamdaman. At kinausap ang Amang nasa langit. "bakit kailangan pa bang ipag tagpo ang isat isa? Kung kailan sobrang halaga na sya sa buhay ko, kung kailan sobrang minahal ko na sya, saka sakin ipapalinaw na hindi pala kami nakalaan para sa isat isa".. Galit na sinabi ni Christoff. Binuhos nya lahat ng sakit at bigat ng nararamdaman nya sa gabing iyon. At sa huli, kinausap niya muli ang Amang nasa langit at sinabi
"alam kong ibibigay mo sakin ito Lord sa tamang oras at panahon, upang ilaan sakin ang babaeng mag papahalaga at kukumpleto sa aking buhay. Salamat sa pag unawa sa akin na higit na nakakasama ang bawat sobra. Lalo sa pag mamahal. Kayo lang ang makakagawa ng sobrang pagmamahal sa amin na hindi nakakasama.".. At pagkatapos nyang ilabas ang lahat ng bigat ng kanyang nararamdaman, ay pumikit sya,at sinabi sa kanyang sarili "kaya mo to Chris, kayang kaya mo to. And salamat Panginoon dahil minulat mo sa isipan kong di ko kailangang sirain ang buhay ko. Dahil sa sakit na nararamdaman ko, na hindi ko dapat masamain, kundi maging isang aral ang lahat para sa taong karapat dapat at sa aking nakatadhana't nakalaa. Salamat Lord." doon sya muling ngumiti habang patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata. at mula ng oras na iyon ay nakatulog na sya at nag pahinga, upang simulan ang bagong umaga sa pag mulat ng kanyang mga mata sa bagong araw ng kanyang buhay.

Ikaw lang, Walang Iba (Pangako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon