"Bagong araw, Bagong buhay"

52 0 0
                                    

Bago pa sumikat ang araw, gumising at minulat na nya ang kanyang mga mata ng may ngiti sa labi, "new day,  new life. Thankyou so much Lord sa bagong umagang ito." Sambit nya sa kanyang sarili. Dali-dali syang bumangon, nag asikaso sa sarili at kumain. Ng natapos na sya sa lahat ay ng paalam na sya sa magulang nya na aalis na sya. At ng nakasakay na sya, habang nasa byahe sya. Nililibot nya ang kanyang mga mata sa loob ng pampasaherong jeep na kanyang sinasakyan. Halos ang mga kasabayan nyang mga pasahero ay may mga kapares. Mapa matanda man, mag asawa at kahit tulad nyang nag aaral ay may mga karelasyon din. Halos mang liit sya sa sarili sa inggit. Di niya alam san niya ibabaling ang kanyang paningin. Wala na syang iba pang nagawa kundi ang yumuko nalang. "buti pa sila may mga kapartner, hmmmmmmmm ano nanaman ba itong naiisip ko. Dapat maging masaya ako sa kung ano lang meron ako, di ako mag mamadaling hanapin ang babaeng para sa akinnangako na ako sa sarili ko at kay Lord kaya wag na mainggit christoff, kasi dadating din sya, dadating din yung babaeng mag mamahal sayo gaya ng pag mamahal mo. Wag kang manliit ok? Maging masaya ka sa kung anu ang meron ka.." Pangiti nyang sinabi sa kanyang sarili. Mula sa mga oras na iyon ay muli nya nang dineretso ang kanyang paningin mula sa pag kayuko. Lumipas ang ilang minuto at nakarating na sya sa destinasyon niya. Saktong papasok na sya ng gate ng kanilang paaralan ng may biglang tumawag sakanyang pangalan. "CHRIS..!!!" sigaw ng isang lalake sampung hakbang mula sa likod niya. Ng pag lingon nya nakita nya ang sanggang dikit nyang kaibigan. Sya si Paul, Lalakeng medyo jologs, mas maliit kay Christoff, konyo kung pumorma at nag kakasundo sila halos sa lahat ng bagay, maging yung gusto o tipong nilang babae halos pareho sila ng pinapangarap na babae para sa kanilang buhay. laging din sila nag tutulungan anu mang problema ng isa. Mapa subject man o buhay problema man. Halos apat na taon palamang sila naging mag kaibigan pero malalim na ang kanilang pinag samahan. Malayo man ang agwat ng kanilang idad ay wala pading anumang panyayari na naganap na pag tatalo nila sa isang bagay.. "kumusta na pre?". tanong ni Paul sa kanya. "ok lng naman ako.!!".. sagot ni naman ni Christoff. "kumusta naman ang puso mo nyan pre? Nakakagalaw na ba ulit?".. tanong ni Paul. "sa totoo lang, hindi pa ako gaanong nakaka move on sa panyayari, pero ang mahalaga yung natututo ako sa bawat pagkakamali na nagawa ko at nagiging aral lahat ng nakaraan ko at mag silbing pamantayan ko iyon para sa taong nakalaan talaga para sa akin.".. Sagot ni Christoff. "wehh? Di nga? Broken hearted ka lang ganyan ka na mag salita? Kumakata ha? Anu ba nakain mo? bakit ganyan ka na mag isip? penge naman nyan, ng maging makata din ako sa panliligaw ko sa ma babae. Hahaha. Pero speaking babae? Bakit di mo subukang humanap ng bagong babaeng mag mamahal muli sayo? ".. sabi at tanong muli ni Paul. "pare, isa yan sa natutunan ko. Ang mag mahal sa tamang oras at panahon. Di ko naman kailangang hanapin ang taong mag mamahal sakin..". Sagot ni Christoff. "eh ano lang pare? Aantayin mo pa na kusang dumating ung babae para sayo?". Tanong muli ni Paul. "pare di naman masama mag antay, pero hindi sa kusang dadating, kundi kung anong araw ibibigay o ipag kakaloob sya sakin ng Panginoon. Ibibigay sya sakin ng Panginoon sa takdang panahon, yung handa at kaya ko na muling mag mahal. Pero sa ngaun masaya na ko sa kung ano ang meron ako, at yung wala ako ngaun.  Ang mahalaga ay yung may natutunan ako sa nakaraan ko..".. Sabi ni Christoff. "grabe ka naman pre, analalim mo. Di kita maabot, haha. Pero last question, tanggap mo na nga ba talaga? na wala na kayo?". Tanong muli ni Paul. "sa ngayon hindi ko pa buong matanggap an lahat ng panyayari pero dadating din yung araw na matatanggap ko na ang lahat. Yun lang naman kasi ang pinaka sagot sa lahat para makabangon muli ako. yung tanggapin yung kung ano yung nanyari saming dalawa, mga pag babago at tanggapin na talagang wala na sya sa buhay ko." sagot ni Christoff. Inakbayan nalang sya ni Paul at ngumit at sinabi "bilib na ko sayo pre, sige pre maya dota nalang ulit tayo doon mo ilabas ang saloobin mo, mas masarap pa mag dota di ka masasaktan kaysa sa mag mahal ka sa huli masasaktan ka pa.  Hahaha.." ika ni Paul. Mula nung araw na yun ay nag focus nalang si Christoff sa pag aaral nya, sa mga kaibigan nya at lalo sa pamilya nya. At lumipas ang ilang buwan, tuluyan na syang nakamove on at tinanggap ang lahat ng pag babago sa kanyang buhay. Naging normal muli ang takbo ng kanyang buhay. May mga pagkakataon na may nakikilala syang babae ngunit hindi nya na muling pinangungunahan ang kanyang nararamdaman. Hinahayaan nyang dumating yung pagkakataon na pareho silang magkagusto sa isat isa. Mula ng araw na iyon ay binuksan niya na muli ang pinto ng kanyang puso upang magmahal. Ngunit hindi sa biglaang pagkakataon. Bagkus, binuksan nya ang pinto ng kanyang puso para sa taong nakatadhana at nakalaan sakanya sa tamang panahon.

Ikaw lang, Walang Iba (Pangako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon