Ng muli nyang buksan ang kanyang account sa isang social media ay merong di inaasahang mensahe ang kanyang natanggap. At ang mensaheng iyon ay nanggaling sa dalagang lubos na pumukaw ng kanyang atensyon. "oh come on Chris, bakit ngayon mo lang inopen account mo ilang minuto na nakakalipas haiiiisssstttt..." sambit nito sa kanyang sarili. Dali dali niyang inopen ang unang mensahe sa kanya ng dalaga at ang sabi'y "hello!! Good eve Christoff, thankyou sa pag like ng picture ko ah :)". Nakangiting binasa ni Christoff. Ilang. Sigundo rin na nakatitig lang sya sa mensahe ng dalaga at bigla biglang Tumayo sa pag kakaupo at halos mag sisisigaw at nag tatatalon siya sa saya, "yes!!! Yesss!!! Nag response sya nag response syaaaa whuooooo". At biglang may kumatok sa kanyang pinto at ang sabi "hoy!!! mag hating gabi na tofftoff. Wag ka mangbulahaw ng kapitbahay marami ng tulog mag patulog ka!!!" sigaw ng kanyang ina. Binuksan ni Christoff ang pinto ng kabyang kwarto at kinausap ang kanyang inay "opo nay sorry po, masaya lang. Tulog nadin po kayo. Goodnight nay," pangiting sagot ni Christoff sa kanyang nanay. Humalik ito sa pisngi ng kanyang inay at dali daling sinara ang pinto "yessss, yessss, yesssssss." pabulong na sinasabi ni Christoff. At ng matapos na nya ilabas ang saya na kanyang nararamdaman dahil sa nanyari ang di niya inaasahan, ay muli siyang umupo at tinignan niya naman ang pangalawang mensahe sa kanya ng dalaga at ang sabi'y "nilike ko din mga pics mo, hehe sorry nacurious lang kasi you look familiar for me. :-). Btw!!! Keep safe Christoff. Good night :)" lalong napangiti si Christoff dahil sa kanyang nabasa at doon niya nakita sa notification niya na nilike nga ng dalaga ang kanyang mga larawan. "talagang nilike ni crush ang picture ko!!! Hinalungkat niya talaga kung ano ichura kooo!!!" pangiting sabi nito sa kanyang sarili na halos abot tenga na ang kanyang labi dahil sa kanyang ngiti sa saya ng kanyang nadarama. "Lord sana eto na yung sign, sana eto na yung matagal ko ng hinihiling senyo, thankyou Lord sobra sobra.." habang nakapikit na nanalangin si Christoff. At ng imulat niya ang kanyang mga mata ay napaisip siya "gising pa kaya siya? Sana gising pa, ano sasabihin ko sa kanya?" Tanong nito sa kanyang sarili. "hello gising ka pa ba?" type niya sa computer, ngunit ng isesend na niya ito ay biglang napatiklop ang kanyang kamay at kanyang sinabi "mali parang ang pangit tanong agad kung gising pa, hayyy erase erase eraseeee." binura nito ang dapat na kanyang unang mensahe sa dalaga at nag isip siya muli kung ano ang kanyang sasabihin. "hello, salamat sa pag like din, walang anuman sa pag like ko sa larawan mo, nilike ko yan kasi ang totoo nyan, like na nga kita eh." type muli ni Christoff. Ngunit bigla muli siyang napaisip at ang sabi "ahyyy, mali, masyadong mabilis baka isipin niya binobola ko naman siya. Erase ulit, eraseeee." muling binura niya ang dapat imemensahe niya sa dalaga. "ano ba talaga sasabihin mo Chris? Umiiral nanaman katorpehan mo, ano ano ano???" tanong niya sa kanyang sarili habang mabilis na kumukuyakoy ang kanyang paa na nag papakita lamang na tense siya at di alam ang gagawin at sasabihin. "ahhhhh alam ko na ito nalang." sambit niya muli sa kanyang isip. "magandang gabi, walang anuman sa pag like thankyou din sa pag like ha? Pede ko ba malaman number mo ?" muling type nito sa kanyang computer. Ngunit napaisip syang muli "tskkk masyadong mabilis, pwedeng easy lang Chris? Hayyyy take it easy.." kalmang sinabi niya sa kanyang sarili at muling binura ang dapat sasabihin sa dalaga. Pumikit siya at huminga ng malalim "Eto nalang ang sasabihin ko buo na loob ko." sambit nito sa kanyang sarili. At ng natype na niya ang kanyang sasabihin "Magandang gabi din Trisha Mae P. Ocampo, salamat din sa pag like ng mga larawan ko. :)" at pinindot na nito ang enter upang maisend na ang kanyang mensahe sa dalaga. "sana mag reply sya.. Sana talaga.." sambit niya muli sa kanyang sarili. At habang nag aantay sya sa pag response sa kanya ng dalaga ay muli nitong tinignan ang larawan ng dalaga sa kanyang account. At ng lumipas ang ilang minuto, wala pading reply ang dalaga. "mukhang tulog na sya, hmmm, may bukas pa naman. Sana makachat ko sya at makapag usap kami. Hmmm makapag good night na nga lang sa kanya." sabi ni Christoff sa kanyang sarili. At nag message na siya sa dalaga ng "Goodnight Mae mukhang tulog ka na, sana mag kausap pa tayong muli. :-) sweetdreams, keep safe always and Godbless". At bumalik na muli siya sa kanyang ginagawa upang tapusin ang thesis niya. Ngunit si Christoff ay hindi mapakali animo'y wala ang pag iisip sa kanyang ginagawa. Bawat sulat niya ay laging binabaling nito ang paningin sa monitor ng kanyang computer. Umaasang kahit maikling mensahe lng galing sa dalaga ang kanyang matanggap ay sapat na. Lumipas ang isang oras na wala na talaga syang natanggap na mensahe mula sa dalaga ay imbis na mawalan ng pag asa ay di agad sumuko si Christoff sa pag asang mag rereply sa kanya muli ang dalaga. Pinag patuloy niya muli ang kanyang ginagawa at di niya namalayang unti-unti na syang nakatulog. Kinabukasan, sa pag mulat ng kanyang mga mata sa pag bubukang liway-liway ng kalangitan ay nag pasalamat agad siya sa Dios Ama dahil sa panibagong araw ng kanyang buhay. At mula sa mukha niyang nakangiti ay biglang nandilat ang kanyang mga mata at napabalikwas sa kinahihigaan at inayos ang kanyang gamit. "nako naman toff, nakatulog ka nanaman. Pambihira naman oh . Malapit na dead line ng thesis mo. Next time di na talaga ako matutulog. Hayyy." sambit nito sa kanyang sarili habang nakakunot ang ulo na tila ba inis sa kanyang sarili. Sa sobrang pamamadali ay di na sya nag almusal, naligo na agad at nag asikaso sa kanyang sarili. Ng matapos ay umalis ito agad at nag paalam sa kanyang magulang ng di namalayang may natanggap muli siyang mensahe mula sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Ikaw lang, Walang Iba (Pangako)
Romanceisang kwentong mag papamulat sa iyong puso't isipan kung gaano kasarap at kasakit mag mahal. ito ay istorya ng isang lalakeng nag mahal sa babae na minsan lang nya nakilala. isang lalake na nagbago ang takbo ng buhay mula ng nakilala niya ang babaen...