Sa klase, ilang beses syang napapatulala kakaisip sa babae sa kanyang panaginip kaya makailang ulit syang tinawag ng kanilang Guro dahil sa nakitang parang lutang at wala ang isip nito sa loob ng klase. "Mr. Villanueva?." tawag ng kanilang Guro. Ngunit si Christoff ay patuloy parin sa pag iisip habang nakatingin sa bintana. "MR.CHRISTOFF VILLANUEVA?." pasigaw na tawag ng kanilang Guro. Halos lahat ng kaklase ni Christoff ay nakatingin sa kanya ng walang kamalay malay. Patagong Kinalabit ni Paul si Christoff upang magising ito mula sa kanyang pag iisip. "pare, hoy!!! Yari ka, Kanina ka pa tinatawag ni sir. Tumayo ka na,." pabulong na sabi ni Paul. At doon nahimasmasan si Christoff napalingon sya kay Paul mula sa bintana, at lumingon naman sya sa kanilang Guro ng nakita nyang lahat ng kaklase nya ay nakatingin sa kanya.bigla syang tumayo sa pag kakaupo at ramdam nya'y parang may nag hahabulang daga sa kanyang dibdib sa bilis ng tibok ng puso nito. "yeyes sir?". Nangangatog na Sagot ni Christoff. "Mr.Villanueva, kanina pa kita nakikitang tulala at wala sa sarili..!? Bukod doon ay kanina padin kitang tinatawag..!? Nakikinig ka ba sa ating tinatalakay?." tanong ng kanilang Guro. "Sir ipag paumanhin niyo po. Pero nakikinig po ako sir." sagot ni Christoff kahit hindi naman talaga sya nakikinig at animo'y lutang sa klase. "pwes kung ganon, pumunta ka sa harapan dalhin mo ang libro mo at ipag patuloy mo ang binabasa ko." ika sa kanya ng kanilang Guro. Dali dali namang kinuha ni Christoff ang kanyang libro at pumunta sa harapan. Binuksan nito ang kanyang libro at tinanong sya ng kanilang Guro. "kung nakikinig ka talaga sa klase, saang pahina na tayo huminto sa pag babasa ng ating paksa?". Napahinga ng malalim si Christoff at napalunok sya dahil sa sobrang kaba. Na halos lahat ay tahimik at nakatingin lang sa kanya. Tanging tunog lang na gawa ng kamay ng orasan bawat pihit nito ang maririnig sa sobrang katahimikan. Napapikit si Christoff. At tinanong muli sya ng kanilang Guro. "uulitin ko ang tanong.. Anong pahina na tayo natapos sa pag babasa na iatatalakay natin ngayon?! Answer me?!". At doon naalala ni Christoff si Paul. Pasimpleng tumingin si Christoff kay Paul. At dahil bestfriend. Maaasahan talaga ni Christoff si Paul lalo sa mga ganoong eksena. Isinulat ng malaki ni Paul sa kanyang pamaypay ang "P.114,SAPAGKAT" at ipinaypay upang hindi mahalata ng kanilang Guro. Kapag lumilingon sa kapwa kamag aral niya ang kanilang Guro ay ibinababa ni Paul ang pamaypay sa pag paypay nito. ngunit ipapaypay naman nito ni Paul pataas upang makita ang sinulat niya kapag humarap naman ang kanilang Guro kay Christoff. Ng makatyempo, ay mabilis na inangat ni Paul ang kanyang pamaypay at mabilis din itong nakita ni Christoff. "Sir. Sa Pahina Isandaan at Lambing Apat. At susundan ang pag babasa sa salitang "Sapagkat"." lakas loob na sagot ni Christoff sa kanilang Guro. "Magaling Mr. Villanueva. Mabuti at nakikinig ka. Sige na at ipag patuloy ang pag babasa. At mula ng mga oras na iyon ay nag simula na sya mag basa. At ng natapos na sya sa pag babasa ay ipinaupo na ulit sya ng kanilang Guro. Ng umupo na si Christoff. Ay bumulong ito kay Paul, "Salamat pre. Sinave mo ako doon". Sabi ni Christoff. "Wala yon pre, walang anuman, kinig kinig din kasi pag may time." pangiting sabi ni Paul kay Christoff. At muli na silang nakinig sa tinatalakay ng kanilang Guro. At ng tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase at pauwi na sila ay kinausap sya ng kanyang mga barkada. "muntik ka na atakihin sa puso ha? Pinag pawisan ka ng gabutil na bigas ng nasaharap ka ha. Hahahaha." sabi ng kaibigan nyang si Drew. "Oo nga eh. Hahaha. Pasalamat ka kay Paul at tinulungan ka sa mala ninja moves niyang mga galawan." sabi naman ng kaibigan nyang si Jeffrey. "ayon na nga eh, buti nalang tinulungan ako ni pareng Paul kung hindi super awkward yun pre. Pero nag pasalamat na ko kay Paul." sagot naman ni Christoff. "Anu ba kasi iniisip mo? Bakit tungangers at sinabayan pa ng nganga ka sa bintana? Kanina?" tanong ng isa pa nyang kaibigan na si Bryan. "Nakooooo, babae nanaman sa kanyang panaginip. Di makamove on eh." sagot ni Paul kay Bryan. "di makamove on? Seryoso?" tanong ni Bryan. "Oo pre, un nga yung kanina ko pang iniisip, di ako makamove on. Di ko talaga matandaan yung mukha nya. Malay ko bang nakasalubong ko na pala sya di ko alam yun na pala yung babae sa aking panaginip" sabi ni Christoff. Biglang natahimik an lahat at "Oh? edi Wow!!!" sabay sabay na bigkas sa kanya ng barkada habang lahat ay nakatingin sa kanya. "ikaw na may babaeng nakasama sa panaginip. kaso yun lang, di mo na matandaan yung itsura. Baka naman kaya di mo na talaga matandaan ang mukha ng babae sa panaginip mo eh baka namatanda ka na pala pre. Kamuntikan ka na ngang maihi sa kaba kanina oh at palabasin ni sir, yan lang pala iniisip mo." pabirong sabi naman ng isa pa nyang kaibigan na si Oliver. "sayang di napalabas si Chris kanina." sabi ni Jeffrey. "mas sayang kamo, dahil di naihi sa kaba si Chris." sabi naman ni Oliver. "paano kung naihi si Chris kanna?" tanong ni Drew. "Ohh edi mas Wow!!! Wow na Wow!!! Wahahaha!!!" Sabay sabay bigkas muli ng kaibigan nya. "O sha. Tama na nga yan, binully niyo nanaman kumpare ko. tara na at umuwi. Andami pa nating proproblemahin lalo yung thesis, tara na at ng makauwi, Graduating na tyo kaya pre hayaan mo na yun, dadating din yun sa buhay mo. Di mo man matandaan yung itsura ng babae sa panaginip mo. Malay mo, bukas makalawa eh makilala mo na sya.." sabi ni Paul kay Christoff. "salamat pre. Oh sha sige na tara na, ng makauwi na tayo." sagot naman ni Christoff. At ng nakalabas na sila ng gate ng campus, sa may kanto ay may computer shop. At tulad ng mga mag babarkada ay biglang nag kayayaang mag laro muna bago umuwi. Saglit na nakalimot si Christoff sa pag iisip sa babae sa kanyang panaginip. At ng natapos na sila mag laro at ng nakauwi na si Christoff sa kanilang bahay. Ay muli nyang naisip ang babae sa kanyang panaginip. Napahiga sya at pumikit. "haaaaayyyyyyyy. Di ko talaga maalala mukha mo, kanina pa ako isip ng isip di talaga kita matandaan. Muntik nadin akong maboom panes kanina. Bukod doon, nag sinungaling pa ko na nakikinig ako kahit hindi naman . Hayyyyy sorry Lord." ng bigla syang napabalikwas, umupo at nag sara ang dalawang kamay ng nag sorry sya sa Panginoon. "Makapag gawa na nga lang ng thesis para maging bc utak ko. Panaginip lang yun Christoff wag mo na masyadong intindihin yon, may mas maraming bagay pa ang dapat intindihin kaysa sa panaginip mo." sabi ni Christoff sa kanyang sarili. Ng nag laon, sa pag gawa ni Christoff sa kanyang proyekto ay saglit syang namahinga. Saglit umupo sa computer at binuksan ang account niya sa isang social media. Habang tumitingin sa home ng account niya, ay may isang imahe doon ng isang dalaga na sobrang pumukaw sa atensyon at mga paningin ni Christoff. Napahinto lang sya sa imahe na iyo at halos hindi sya kumukurap ng naisipan nyang buksan at tignan ang account ng dalagang nasa imahe. Mula sa imahe, ay hinalungkat ni Christoff ang account ng dalaga. At doon sya mas nabighani sa ibang imahe nito at nalaman niyang matagal na pala silang friend ni Christoff doon sa Social mediang iyon pero ngaun lang sya nabighani sa dalagang iyon. "huwow. Christoff? Na love at first sight ka ba?" tanong ni Christoff sa kanyang sarili. At mula sa mga oras na yun ay halos tumigil ang oras ni Christoff kakaisip. "Lord please give me a sign kung talagang sya na yung matagal kong hinihintay mula sa inyo. Bigyan niyo po ako ng sign kung sya na ba yung babaeng nakalaan para sa akin, di ko po hinihiling na sana sya na talaga, pero bigyan niyo po ko ng senyales kung sya na ba talaga." pangiting mataimtim na dalangin ni Christoff sa Panginoon. Mula ng mga oras na iyon nag lakas loob si Christoff na ichat ang dalaga. "hi..!!! Magandang gabi.!!!" message ni Christoff sa dalaga. "Lord kapag nag reply sya, ayon na po ba ang sign?". Pilyong tanong ni Christoff sa Panginoon. "basta Lord, mag aantay ako sa tamang panahon na ilalaan mo sakin yung babaeng matagal ko ng hininhiling. Noon palang at ngayon, nag papasalamat na po ako sa inyo ng sobra kahit di pa sya dumadating sa aking buhay. Salamat Lord." duktong ni Christoff. Lumipas ang ilang minuto at wala pading reply ang dalaga, panay tingin ni Christoff sa inbox ng account nya baka sakaling mag reply ang dalaga. Ng lumipas ang ilang oras, doon na tumigil si Christoff sa pag abang ng reply ng dalaga. "baka nga hindi talaga sya yung babaeng para sa akin. Ilalalike ko nalang picture nya. Sobrang nabighani talaga ako sa kanya. Kaso mukhang di pa ito ang right time. Hmmmm maipag patuloy na nga yung ginagawa ko." sambit ni Christoff sa kanyang sarili. At mula sa oras na iyon ay nilike na ni Christoff ang isang larawan ng dalaga at pinag patuloy niya na muli ang kanyang pag gawa ng kanyang thesis. Di nag tagal, mula sa kanyang ginagawang thesis ay may narinig syang tunog mula sa kanyang computer. Isang tunog na familiar kung saan ay senyales na may isang notification sa kanyang account. Ngunit binalewala lang iyon ni Christoff at inisip na baka may nag tag lang sakanya, may nag like or may nag comment sa na tag sa kanyang picture. Kaya nag patuloy lang sya sa pag gawa ng kanyang thesis. Lumipas ang ilang minuto, mula sa binalewalang unang tunog na narinig, ay muling tumunog ito at sa pag kakataong iyon ay tumunog ito ng dalawang sunod. kaya tumayo sa pag kakaupo si Christoff sa kanyang ginagawa at lumapit sa computer upang tignan ang kanyang account. At sakanyang pag lapit, ng buksan niya ang kanyang account ay nanlaki ang kanyang mga mata at Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa di inaasahang panyayari na nalaman at nakita niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw lang, Walang Iba (Pangako)
Romansisang kwentong mag papamulat sa iyong puso't isipan kung gaano kasarap at kasakit mag mahal. ito ay istorya ng isang lalakeng nag mahal sa babae na minsan lang nya nakilala. isang lalake na nagbago ang takbo ng buhay mula ng nakilala niya ang babaen...