Prologue

36 4 0
                                    

In the midst of darkness, you reach for a New Beginning.

"Kuya, sandali! Bakit ba tayo tumatakbo?"

pilit kong hinahablot ang braso kong namumula na sa higpit na pagkahawak ni kuya Christian. Hindi ito tumigil sa pagtakbo at patuloy pa rin sa paghila sa akin papunta sa kawalan.

"Kuya! Masakit na, eh!"

Sigaw ko habang umiiyak. Hindi pa rin ito tumigil at itinuloy ang pagkaladkad sa akin. Nagkaroon ng isang malaking pagsabog mula sa bahay na pinanggalingan namin. Tumigil ako at ganun din si kuya. Nakatingin kami sa malalaking apoy na bumabalot sa mansyon na minsan na naming tinawag na tahanan.

Hindi.

"Mama.Papa..."

Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha at ang malalakas na tibok ang puso ko sa dibdib.

Mama.Papa. Pupunta na ako.

"Dito ka lang sa tabi ko."

Isang malamig na boses ang nanggaling sa aking likuran. Nilingon ko ito at nasilayan ang mukha ng aking kuya na nasisinagan ng mapupulang apoy. Umiiyak siya.

"Kuya, puntahan natin sila Mama."

Hinawakan ko ang kamay niya at akmang hihilain siya pabalik ngunit humigpit ito sa pagkakahawak sa braso ko.

"Hindi. Kailangan na nating umalis."

Wika nito habang unti-unting nilalamon ng mga apoy ang aming mansyon. Hinila niya ulit ako nang may pwersa at wala akong magawa kundi ang sumunod.

"Hindi kita iiwan."

Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa lugar kung saan kami lumaki at nabuhay sa mahabang panahon. Kasama ng mga usok na humahalik sa langit ang pagkawala ng mga alaalang minsang humubog ng aking pagkatao.

Yet in its long road, there is only one path.

"Makinig ka sa akin, Althea. Buhay natin ang nakasalalay dito. Kailangan mo lang kunin yung bag tapos ay tumakbo ka agad. Wag ka magpapahuli."

Tumingin ako sa babae na kanina pa nakatayo sa tabi ng isang poste sa kabilang kalsada. May dala itong pulang bag na nakasabit sa kanyang kanang balikat. Ibinalik ko ang tingin kay kuya. Matalim ang mga tingin nito na handa akong sunggaban kapag tumanggi ako sa mga plano niya. Tumango ako at dahan-dahang naglakad palabas sa maliit na eskinitang pinagtataguan namin.

Bahagya kong ibinalik ang tingin sa kuya ko na ngayo'y nangangayayat at madungis dala na rin ng matagal na panahon naming pamamalagi dito sa lansangan. Sandali itong ngumiti at tumango at sumensyas na ako'y magmadali.

Naglakad ako patawid ng kalsada at tumabi sa dalaga. Maputi ito at nakasuot ng mamahaling damit. Mukha ring bagong ayos ang kanyang buhok na malamang ang ipinaayos niya sa salon na malapit sa lugar na ito. Napatingin ito sa akin at gumuhit sa mukha nito ang pagkadiri saka humakbang ng kaunti palayo na para ba akong insektong madumi sa gilid ng daan.

Naging maayos ang mukha nito ng makita ang isang taxi na padaan at sumenyas na sasakay.

Ngunit bago pa man makarating ang sasakyan sa aming tapat ay agad kong hinablot ang bag ng babae at gamit ang dala kong kutsilyo ay pinutol ang tali nito na nakakabit sa balikat niya.

Sumigaw ito nang maramdaman ang mabilis na pagkawala ng bag at aakmain pa sanang habulin ako pero dahil sa nakasuot siya ng sapatos na mataas ang takong ay nahirapan ito sa paghuli.

Kumaripas ako ng takbo at pumasok sa isang eskinita na tanging isang tao lang ang kasya ngunit sapat ang lawak nito para kumasya ang musmos na tulad ko. Patuloy ako sa pagtakbo at tinahak ang daan pabalik sa hideout namin ni kuya.

Once you begin this journey, there is no turning back.

"Kuya, kumain ka na."

Iniabot ko ang isang pirasong tinapay kay kuya na ngayo'y tahimik at tulala habang nakaupo sa kartong ipinagpatong-patong namin para makagawa ng higaan. Tumingin siya sa akin at nagulat.

"A-ah.Salamat." Sabi nito at kinagatan ang tinapay. Tahimik niyang kinain ang tinapay kaya tumabi na lang ako sa kanya.

Gabi na at kakaunti ang mga taong dumaraan sa kalsada. Tahimik din ang paligid ngunit siya namang nababalot ng maiingay na tunog ng sasakyan tuwing may dadaan. Tumingala ako at nakita ang madilim na langit. Wala itong ibinibigay na liwanag sa halip ay isang nakakatakot na larawan na pwede kang kunin nito kahit kailan niya man gustuhin.

"Althea."

"po?"

"Patawad," napatingin ako kay kuya."Patawad kung hindi ako naging mabuting kuya sa'yo. Hindi ito ang dapat na buhay na meron ka. Patawad." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya sa kanyang pisngi habang patuloy na nagsalita "Pangako ko sa'yo. Aayusin ko ang lahat para maging maayos ang buhay mo."

Tiningnan ko lamang siya ng may pagtataka at pagkalungkot. Hindi ko gustong nakikita na umiiyak ang kuya ko. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang daliri ko at ngumiti. Ngumiti siya pabalik at yumakap sa akin.

"Mahal na mahal ka ni kuya. Lagi mo yang tatandaan."

Don't dare to make a turn.  


Which Side of the Fence?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon