Althea's POVI woke up with kuya Christian in my face.
I dreamt of him. Again.
Napabalikwas ako ng bangon habang naghahabol ng hangin. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking pisngi at ang pagdampi ng malaming na hangin sa aking balat.Pumikit ako at pinakiramdaman ang naramdaman ang pagbagal ng tibok ng puso ko.
I heard the alarm rang and got out of bed. Kasabay din nito ay ang pagbukas ng ilaw na nagbigay liwanag sa buong paligid. May isang maliit na mesa na nakalapag ang isang digital clock sa tabi ng aking kama.
6:00 a.m.
Dali-dali akong nag-ayos at inihanda ang sarili para sa isa na namang araw.
Matapos makapagligo at magsuot ng uniform, I wore in my black boots and zipped them close. I am wearing a dark brown suit na may logo ng Academy and a white long-sleeve polo underneath. Sinamahan naman ito ng knee-length skirt at mahahabang medyas na abot hanggang kalahati ng binti ko at black shoes.
When I feel satisfied with my look, itinali ko ang aking buhok ng ponytail habang nakatingin sa salamin. I saw a beautiful girl that is obviously not me before. Hanggang ngayo'y nakakapanibago pa rin ang lahat.
Dati ay isa lamang ako dugyuting batang palaboy-laboy sa kalye ngunit ngayo'y isa nang mayaman at mag-aaral ng isa sa pinakamayamang Academy sa buong bansa. It was all his effort. His sacrifice. Kaya nandito ako ngayon.
I took a deep breath saka tiningnan uli ang sarili sa salamin.
Don't worry kuya. I will do my best para sa ating dalawa.
I managed a smile for the thought and grabbed my things and started to the door.
The hallway made a glow from the lights in the ceiling. Everything was quiet. Nakakabingi. Bago ko pa maisara ang pinto ng aking kwarto ay narinig ko agad ang tawag na aking kaibigan.
"Althea!"
Napatingin ako sa isang mestisang babaeng tumatakbo papunta sa akin.
"Candice."
Maikli kong sabi at tiningnan siya.
She's wearing the same uniform but she laid her silky brown hair down and it rested in her shoulders. Kahit na mas maliit siya sa akin, I know her beauty stands out.
"Good morning!" bati nito sabay ngiti. I nodded and gave a faint smile saka naglakad papunta sa classroom namin. Candice walked beside me and tulad ng dati, nagsimula na naman siyang magkwento.
"Alam mo, Althea, nakakatuwa malaman na magkaklase ulit tayo sa isang class. Nakakasawa na kasi pag wala ka. Tapos nandiyan pa lagi si Stanley na mahilig manira ng araw. Ang lakas siguro nung tama nun noong bata pa. Hala! Baka nahulog siya sa puno tapos nauna yung mukha kaya panget siya! Haha! Now I know!"
Pumalakpak pa ito na parang isang batang nabigyan ng ice cream sa sobrang tuwa.
"Sinong panget ang mukha?"
Hinawakan ako ni Candice sa braso para tumigil at luminga-linga ito sa paligid. Sinabayan ko naman siya at saktong paglingon sa likod ay nakita ang isang matangkad na lalaki. Nakapamulsa ito at nakatingin kay Candice ng may pang-aasar.
"Althea, may narinig ka ba?"
Nagkibit balikat lang ako at hinintay ang susunod na pangyayari.
"Waahh!!! Baboy ka talaga, Stanley! Ano tong ginawa mo?! AAARRGGHHH!"
Hinayaan kong maghabulan ang dalawa sa hallway at naglakad papunta sa Aera Building kung saan ang mga classrooms. Malalaki na sila. Makakarating sila sa klase ng wala ako.
BINABASA MO ANG
Which Side of the Fence?
Cerita Pendek--- Between the fight for love and justice there are no fence-liners. which side are you? ---