Chapter 3

5 1 0
                                        

Chapter 3


"Okay ka lang Elena?" I looked up and saw Marco, with a curious look.


"Ahh. Oo. Uwi na ba kayo?"


"Yes, ikaw hindi pa ba?"


"Uuwi na din siguro. Baka matraffic pa ako eh."


"Gaano ba kalayo ang bahay niyo dito?


"Mga 1 to 2 hours na siguro. Anong oras na din kasi. Kapag ganitong oras traffic na. Ikaw ba?"


"Ahh. Train lang ako. mga 15 minutes."


"Buti ka pa. Sige Marco, una na ako ha."


"Sabay na tayo. May dadaanan pa muna ako malapit sa sakayan mo."


"Sige" naglakad kaming sabay papunta sa sakayan ko. Walang nagsasalita. Nagiisip ako. Nagiisip ako kung makikipaghiwalay na ba ako kay Jonas o hindi?


Nasasakal ako. Sobrang immature ng relationship namin. Lagi na lang siya nagagalit. Gusto niya siya lagi ang nasusunod. Gusto niya lagi ako nagtetext sakanya. Kapag wala siya load, kailangan paloadan ko siya para makapagusap kami. Kung hindi naman, dapat tawagan ko siya.


"Elena. Elena!"


Pero nanghihinayang ako sa relasyon namin. Halos 2 taon na rin kami ni Jonas. Gusto ko rin na sana, na sana ung first boyfriend ko siya na ang last. Pero bakit? Bakit ko kailangan isipin yung ganoong bagay?


"Yes. You're just 15. There's still a long way to go. There's a lot of man, real man out there." Patuloy kong naiisip ang mga sinabi sa akin ni Audrey. Bakit ba ako nagmamadali? 15 pa lang ako. I'm a minor for fsake! 


"Elena!!" nagulat ako sa sigaw ni Marco. "Anong nangyari sayo? Muntik ka ng mabunggo nung jeep. Yung totoo, okay ka lang ba talaga?" napahinga ako ng malalim. Naiiyak na ako. "Tara, doon muna tayo sa coffee shop." 


Sinundan ko lang si Marco sa coffee shop. Umorder na siya samantalang ako naghanap na ng mauupuan. Nagmasid masid ako sa kapaligiran. Hindi ganoon kadami ang tao, pero halos lahat ay nag-aaral at mga college students. Mayroon kaming katabing table na ang saya saya nilang couple. Parehas sila nakangiti at sabay nag-aaral. Gusto ko rin maranasan iyon. Bulong ng isip ko. Two tables away from our right naman, may dalawang couple na seryoso ang mukha. Yumuko ang babae samantalang ang lalaking nasa harapan niya napahawak sa noo at napapikit na lang. Mukhang nag-aaway naman itong dalawang ito.


"Ito na. Di ko alam ano gusto mo, binilhan nalang kita ng frappuccino."


"Okay lang. Thank you Marco."


"Kung ano man iniisip mo, sige lang sabihin mo lang if bukal sa loob mo ng di ka na magoverthink. Masama ang magoverthink, masama rin ang sinosolo ang problema. Pero huwag mo pilitin ha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth About Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon