Isang tao minahal ko ng totoo
Kaso ako'y nilinlang at naloko .
Ang dami nang nagbigay ng payo ,
Pero di ako nakinig at patuloy tumakbo.Tumakbo ng tumakbo ,
Hanggang sa napagod,
At nagsawa ng todo .
Na dumating sa punto kung lalaban ba o susuko.Sumugal ako kahit alam kong ako'y talo ,
Ano bang magagawa ko nagmahal lang naman ako .
Nagmahal ng totoo at sigurado,
Sa taong di ko alam at di ko kilala kung sino.Sino ka nga ba talaga?
Bakit kailangan mo mangloko ng iba ?
Gumamit ka pa ng ibang mukha .
Na di mo alam may masasaktan kana.Tao lang din ako napapagod,
Nagsasawa sa mga taong mapagabuso ,
Sa gawa ,sa salita, at sa kawalan.
binuo mo ako pero sinira mo ako ng todo .Nag kakilala man tayo sa pekeng mundo,
Pero dinala kita sa realidad dahil ikaw ang gusto ko .
Kaso sinayang mo ,yung pagod at effort ko,
Ipaglaban ka lang sa mga taong may ayaw sayo.Pero wag kang mag alala,
Natuto na ako at wala na.
Pagod na ako at sawa na,
Sana maging silbi to sa taong nagmahal ng todo pero niloko.Nag kakilala man tayo sa pekeng mundo
Pero dinala kita sa realidad dahil ikaw ang gusto ko .
Kaso sinayang mo ,yung pagod at effort ko
Ipaglaban ka lang sa mga taong may ayaw sayo.
YOU ARE READING
Tula para sa mga Broken-hearted
PoesíaNasaktan ka ba? Iniwan ? Pinaasa? Nag mahal? Na ghost? Na friendzone? Pinagpalit sa bestfriend? This one is for you.. Alam ko iba sa inyo tatamaan , Sa bawat tugma na aking isusulat.