Tahan na wag ka nang umiyak,
Kahit subukan mo wala nang pag asa pa,
Kase puro pagsisisi at pagkawarak,
Pakiramdam ng isang taong wasak .Wag kang nag aalala ,
Aalayan nalang kita ng kanta ,
Kahit papaano mapasaya lng kita,
Mapasaya yang puso mong dinurog niya ,Binuo mo siya Pero sinira ka niya ,
Pinaglaban mo ang matagal ng tapos ,
Pero sa huli habol ka parin ng habol,
Na parang musmos na di alam na salitang tapos.Tama na wag ka nang maging tanga ,
Sa tanong di makita ang iyong halaga ,
Kung maaari lng kitang lagyan ng presyo ,
Sigurado may halaga kana sa kanya .Nilayan mo ng kulay ang madilim niyang buhay ,
Na parang sa crayola ikaw ang itim at siya ang puti ,
Kulay na pag pinaghalo halo makagawa ng
panibagong kulay at pwedeng ibahagi sa iba,
Para lang bigyan ng buhay .Di ko alam kung saan patutunguan to ,
Basta nasasabi ko lng tama na ,
Tapos na ang kahibangan na ito,
Magpahinga at mahalin mo nalang ang sarili mo ,Alam kong masakit pero kailangan mong taggapin ,
Ang pagibig niyong matagal na niyang tinapos ,
At hinihintay lang sa katapusan ng istorya niyong,
Dalawa na matagal nang tapos.
YOU ARE READING
Tula para sa mga Broken-hearted
PuisiNasaktan ka ba? Iniwan ? Pinaasa? Nag mahal? Na ghost? Na friendzone? Pinagpalit sa bestfriend? This one is for you.. Alam ko iba sa inyo tatamaan , Sa bawat tugma na aking isusulat.