Sleepwell.
It's Saturday in the morning and there's definitely nothing to do. Lagi naman ganito ganap ng buhay ko. Nandito sila mom pero 'di kami nag uusap dahil mas nakatuon sila sa dalawa kong kapatid. 'Di naman ito bago sa akin dahil nakasanayan ko na ito mula pagkabata ko. Tanging si manang lang ang tinuturi kong magulang.
Bumaba ako para ilakad ang pomeranian kong aso na si Candy. Nakita ko si manang na naghuhugas ng plato. Mukhang kakatapos lang nila mom kumain ng umagahan.
"Ka-aalis lang nila, Cel. Sana pala ay sumabay ka na sa kanila kumain ng umagahan." Bati ni manang habang nililigpit ang naiwang pinagkainan.
"Nay, kilala mo po ako at mas gusto ko pong ako lang po mag isa ang kumakain sa lamesa. Halika na, ho. Kain po tayo," Ngumiti ako kay manang ngunit malungkot itong tumingin sa akin.
"Nay! Huwag ka na po malungkot!" Lumapit ako kay manang para yakapin siya. Nanay na din ang tawag ko sa kaniya dahil mas tumayo siyang magulang para sa akin.
Nagpaalam muna ako kay manang na ilalakad ko muna sa park si Candy. Habang naglalakad ako ay 'di ko maiwasang malungkot dahil sa sitwasyon ko sa pamilyang ito.
Mamaya pa, may narinig akong tumatawag ng pangalan ko mula sa aking likod. Kaya nilingon ko ito.
"Celestine!" Kaway ni Ezekiel sa akin.
Lumuhod siya para hawakan si Candy na tuwang-tuwa siya makita.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.
"Sa park." I answered his question. He looks like he just woke up but knowing Ezekiel, his bed hair is his normal hair. Kahit anong ayos niya pa sa buhok niya, magulo na talaga.
"Sama ako!" Tumayo ito at pumwesto sa tabi ko. Hinayaan ko siyang sumama sa akin. Kahit naman sabihin ko na huwag na, sasama pa rin siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa park ay umupo kami sa park bench para magpahinga. Medyo malayo din kasi ang park mula sa bahay namin.
"Kumain ka na ba?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman nagtaka ito sa akin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Pagtataka niya.
"Wala lang. Nakaka-badtrip tignan mukha mo, eh." Pagbibiro ko sa kaniya.
"Ang sama niyo talaga sa'kin. Pero, naiitindihan ko kayo kasi sa sobrang gwapo ko nagagawa ninyong mainis." Hinawi niya ang buhok niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Kapal ng mukha mo." Napa-ngiti naman ako sa kaniya. Nagulat naman ako nang guluhin niya ang buhok ko. Pinisil din niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Ezekiel, ano ba?!" Pagmamaktol ko habang pinapalo ang kamay niya.
"Sumisimangot ka na naman, eh! Ang aga-aga! Ngiti, dali!" Sabi nito habang hindi tinatanggal ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.
"Come on. Smile for me, Tine."
"Oo na! Fine! I'll smile." I sarcastically smiled at him. He looks satisfied after I smiled.
"Smile looks good on you, Celestine," He patted my head and then stood up. Kinuha niya ang tali ni Candy mula sa akin. "Halika na. Sabay na tayo bumalik."
Tumango ako at hinayaan siyang samahan ako pabalik ng bahay. Medyo malapit lang din ang bahay nito sa amin.
"Sige, Tine! Una na ako. I love you!" Ibinigay niya na sa akin ang tali ni Candy. Kumaway ito sa akin atsaka tumakbo palayo.
"Ewan ko sa'yo!" Sigaw ko sa kaniya habang rinig ko ang makululit niyang tawa muli sa malayo.
Pumasok ako sa gate, eksaktong nandoon si manang. Tinignan ko siya at ngumiti naman ito sa akin na para bang nang-aasar.

BINABASA MO ANG
He'll Always Be There (Always Series #1)
Teen FictionCelestine Nyx Tolentino is a senior high student who overworks just to prove herself to her parents. Being a daughter and a middle child was not easy for her. She had it the worst. As she continues her journey with her best friends. She soon fell in...