Locker Incident.
Natapos ang examination week namin. Matamlay kaming tatlo umupo sa bench ng covered court. May bakas sa labi namin ang ngiti dahil natapos na din ang exams. Pero kabado din dahil 'di sigurado kung papasa ba o hindi.
"Tanginang mga mukha 'yan, oh. 'Kala mo mga namatayan." Tawa ni Kiel sa amin. Agad namin siya tinignan ng masama.
What if batuhin ko siya ng bola ng volleyball?
"Isa. Dalawa. Kapag umabot ng tatlo, yari ka sa akin." Sabi ni Tanaya. Binelatan naman siya ni Kiel atsaka tumakbo palapit kila Simon para mag practice.
"We should reward ourselves, girls! Nag-aral tayo at alam natin 'yan. Hindi tayo babagsak, okay?" Pang che-cheer up ni Tanaya sa amin. Ngumiti kaming dalawa ni Maleah at tumango sa kaniya.
"You know I'd rather stay at home than go shopping with you, Tan." Sabi ko sa kaniya sabay inom ng tubig ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Ang KJ naman nito!" Pagmamaktol niya. "Ikaw, Mal?"
"Pwede naman ako." Sagot nito. Napa-tingin ako kay Maleah. Si Maleah? Ang walang oras sa galaan ay pumapayag mag-shopping? Himala.
"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Pagtataka ni Maleah.
"Kailan ka pa nagkaroon ng oras?" Tanong ni Tanaya.
"Ayaw niyo ba o ano?" Medyo mataray na sagot niya kaya natawa ako. "Sumama ka na sa amin, Cel. Minsan lang tayong tatlo mag-bonding." Pagpipilit niya sa akin.
Hindi siya mali doon dahil kapag magkakasama kami laging naka-sulpot si Kiel sa amin. Hindi naman sa nag-rereklamo sa presensya ni Kiel pero I think the three of us, girls needs some alone time.
"Oh, sige na nga! Kailan ba?" Tanong ko sa kanila.
"Now na! Let's go!" Hinatak kaming dalawa ni Tanaya palabas ng covered court. Nagtatawanan kaming tatlo at parang sira lang kami.
Naka-punta kami ng mall malapit sa school namin. Akbay-akbay kaming tatlo na pumasok sa loob ng department store ng SM. Naka-uniform pa kami pero okay lang 'yun. Biglaan din kasi.
"Hindi ba kayo susukat ng damit?" Tanong ni Tanaya sa amin. Umiling kaming dalawa ni Maleah.
Pagkain lang talaga habol namin kaya sumama kami ni Maleah sa kaniya. 'Di ba sabi nga 'Eat and Cheer up'. Hindi ko alam kung sino nagsabi basta ayan ang pumapasok sa isip ko kapag chinicheer up ko sarili ko.
Natapos mamili si Tanaya. Dumaan din kami saglit sa National Bookstore para bumili ng mga gamit na alam kong hindi ko rin naman kailangan pero binili ko pa din. After that ay dumiretso kami sa food court para kumain.
Umorder ako ng paborito kong takoyaki at Zagu na black forest ang flavor. Ayaw nila Maleah ang flavor ng black forest sa Zagu. Kaya tuwing ito ang binibili ko ay na-wei-weirduhan silang dalawa sa akin.
Tuwang-tuwa kaming tatlo na kumakain. Nawala din ang stress namin sa exam. Nagpicture kaming tatlo para i-post ni Tanaya sa kaniyang instagram story. Naalala ko na 'di pala namin kasama si Kiel. Kaya panigarudo na kapag nakita niya ang picture naming tatlo ay magtatampo 'yun.
"We should do this more often." Ngiti ni Maleah sa aming dalawa. Natuwa naman ako dahil ito ang isa sa mga araw na hindi stress si Maleah. Genuine ang kaniyang mga ngiti. Kaya napanatag ako dahil ilang araw din siya naloloka sa school works.
"Mmm! Oo nga pala! Nakuwento ni Simon sa amin na nagkita daw kayo sa dinner party?" Tanong ni Maleah sa akin. Bigla ko naalala 'yung nangyari sa party.
"Ahh, oo." Sabi ko. Hindi ko sila tinitignan at patuloy sa pagkain ko. "'Di mo sinabi na a-attend pala si Simon doon." Sabi ko kay Maleah.
"Honestly, 'di ko din alam na pupunta siya doon." Sagot nito.
"Mag-pinsan ba kayo?" Taas kilay na tanong ni Tanaya.
"It's his business. His mother and my father aren't on good terms kaya medyo layo din kami sa isa't isa. Pero 'di kami magka-galit. It's just between our parents." Pag-e-explain ni Maleah.
Wala ako medyo alam tungkol kay Simon dahil kailan ko lang din siya nakilala. Last year, grade 11 kami. Transferee student kasi siya. At doon ko lang din nalaman na pinsan niya pala si Maleah.
"I guess there's no such thing as a perfect family, 'no?" I commented out of nowhere. I felt their concerned looks.
The three of them knew about my relationship with my family.
Family. It feels sick to call them that.
"Tara, Timezone tayo!" Tumayo si Tanaya sa kinauupuan niya. Ganoon din si Maleah. Hinawakan nila ako sa magka-bila kong braso at pinilit itayo.
"We're here to forget our problems and responsibilities as daughters. Let us be happy, Cel. We deserve it. You deserve it." Ngumiti si Maleah sa akin. Tumango ako sa kaniya.
This... This is what I call family. My family.
-
"ANG DUDUGA! HINDI AKO SINAMA KAHAPON!" Pagmamaktol ni Kiel sa table namin. Pinatitinginan ng iba itong lalake na nagmamaktol sa harap naming tatlo.
Para kaming may kasamang bata. Dinedma namin siya nila Tanaya at nagpatuloy sa pagkain ng lunch namin.
"TAPOS MGA 'DI PA NAMAMANSIN! FAKE FRI--" Hindi niya natuloy 'yung sasabihin niya dahil sinubuan ko siya ng isang kutsarang kanin. Napaka-ingay masyado.
Sinimangutan ako nito kaya naman binelatan ko siya. Nginuya niya ang kanin na sinubo ko bago siya nagsallita ulit.
"Sana kasi hinintay niyo matapos 'yung training ko." Alam ko kunwari lang ito nagtatampo dahil nakita din namin instagram story niya kahapon na kasama mga teammates niya na gumala at kumain din sa labas.
"Pwede bang kumain ka nalang, Ezekiel? Baka isubo ko 'tong kamao ko sa bunganga mo." Pananakot ni Tanaya sa kaniya.
"Hilig mo naman ipakain sa akin 'yang kamao mo." Sabi niya. "Patikim nga baka magbago isip ko at putulin ko 'yang kamay mo." Ngiti nito. Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aray naman!"
"Kumain ka!" Sabi ko. 'Di na siya pumalag sa akin at sinunod ako.
"Grabe, ah. Nawawala angas mo kay Celestine." Pang-aasar ni Tanaya sa kaniya.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming classroom para sa next subject namin. As usual, pina-una ko na naman si Maleah sa akin dahil may kukunin ako sa locker ko.
Saktong nakita ko si Simon malapit sa locker ko. May kausap siyang babae. Medyo matangkad at mapagkakamalan mong model. Mukhang hindi dito nag-aaral dahil hindi naman siya naka-uniform.
She was wearing a slim black dress with her expensive purse. Naka-heels din ito. Naka-patong ang shades sa kaniyang ulo. She has a long curly ash-blonde hair.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay medyo naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Cy, dad wants to see you. At least give him a chance." Sabi nito. May pagka-british accent pa ito dahil napaka-ganda pakinggan sa tainga.
"To arrange me a marriage to someone? Tell him to take care of himself." Sagot ni Simon dito. Halatang naiinis siya. Sinilip ko na papalapit na siya sa locker ko kaya umiwas ako ng tingin.
Please lang sana 'di niya ako napansin. Kinuha ko ang libro ko sa General Chemistry. Pinauna ko muna si Simon pero naramdaman kong huminto siya sa likod ko. Pagka-sara ko ng locker ko at bago pa ako maka-alis sa puwesto ko ay inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko.
"Also, tell him that I'm courting someone so he doesn't have to bother anymore." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Simon. Napa-tingin ako sa babae na halatang gulat na gulat din sa sinabi niya. Tumingin din ako kay Simon na mukhang seryoso pa talaga siya sa sinabi niya.
Next time talaga 'di na ako mag iiwan ng mga gamit sa locker kapag alam kong kailangan ngayong araw.
_______________________________________________________________________________________

BINABASA MO ANG
He'll Always Be There (Always Series #1)
Подростковая литератураCelestine Nyx Tolentino is a senior high student who overworks just to prove herself to her parents. Being a daughter and a middle child was not easy for her. She had it the worst. As she continues her journey with her best friends. She soon fell in...