Malisya.
Examination week namin ngayon. Pagka-pasok ko sa room ay para bang sinasapian silang lahat dahil kung ano-ano ang mga binubulong nila. Actually, 'di na bulong dahil naririnig mo na mga sinasabi nila.
Ang iba nirerecite ang periodic table. 'Yung iba naman ay sa Physics naka-tuon.
Tumingin ako kay Maleah. Nagbabasa din ito pero tahimik lang. Bilib ako sa babaeng 'to dahil nagagawa niyang pag-sabayin lahat ng ginagawa niya. Nasa lahi ata nila dahil ganoon din si Simon.
Speaking of that guy. Since malapit ang upuan ko sa upuan niya. Nakita ko agad siya. Expected ko na nagbabasa din siya para sa subjects na i-ta-take namin ngayon. Pero, ayun. Tulog siya. Mukhang naitindihan naman din kasi niya 'yung mga binilugan ko na keywords sa libro niya last week.
After that incident last week, medyo nag-uusap na kaming dalawa. Unlike before na kakaway or ngingiti lang kapag nagkakasalubong.
"Celestine, na-memorize mo 'yung kailangan i-memorize sa Chemistry?" Tanong ni Maleah sa akin. Sobrang haggard niyang tignan kaya hinawi ko ang buhok niya.
"Oo." Sagot ko sa kanya. Halos na-puyat ako sa sobrang intense kong mag-review. I'm a freak for wanting to have perfect scores.
I can't fail. Because if I did, they'll get mad at me. Isusumbat nila ang pag-aaral na binibigay nila sa akin. Not that their attention is on me. Because I never received one.
What I'm trying to say is that... I wanted to make them proud, still.
Bago kami mag-exam, pinaayos ng adviser namin ang mga upuan namin. Inilayo ko ng ka-unti ang upuan ko kay Maleah.
Lahat kami ay kinakabahan. Sino ba naman hindi, 'di ba? Akala mo board exam ang gagawin namin dahil makikita mo talaga sa mga mukha namin na puyat at pinagpapawisan ng malamig sa kaba.
Ganito kaming section dahil sobrang taas ng expectations ng mga teachers namin dahil STEM students kuno kami. Matatalino daw lahat nang pumapasok sa STEM. At marami pang iba.
Nakaka-pressure bilang istudyante. Hindi porket ipinasok namin itong track na ito, ay matatalino na kami. Istudyante pa rin kami at mga guro sila. There shouldn't be a comparison or sets of high expectations. Minsan ang sarap sagutin ng mga teachers namin. Nagtitimpi lang talaga ako.
Ngumiti ako kay Maleah para kumalma siya kahit papaano.
"Okay, class. Gusto kong makita ang ballpen, lapis, at eraser lang ang nasa desk ninyo." Sabi ng teacher namin habang inaayos ang mga test papers sa table niya.
"First subject is General Biology 2. You only have one hour and thirty minutes para sagutan ang first test niyo. Until then, good luck sa inyong lahat." Nagsimula na siya ibigay ang mga test papers sa amin.
Nagdasal ako ng short prayer ko bago ko sagutan ang exam namin.
-
Inuntog ni Tanaya ang noo niya sa table namin. Recess namin ngayon after mag test ng 2 subjects. Hinawakan ni Maleah ang kamay ko na nanginginig at nanlalamig.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman parang gusto niyang umiyak sa harap naming dalawa ni Tanaya.
"Yes... No... Maybe..." Naiiyak na sabi nito. Inakbayan ko siya at hinimas ang kanyang braso.
"Why not, maghanap nalang ako ng papa de asukal?" Tanong ni Tanaya sa amin.
"Why not kotongan kaya kita?" Sagot ko sa kanya. Binelatan niya ako kaya naman tinawanan ko siya.
"I'm sure you did great, Mal." Comfort ko sa akin kaibigan. Huminga siya ng malalim at uminom ng tubig.
"I hope so..."

BINABASA MO ANG
He'll Always Be There (Always Series #1)
Teen FictionCelestine Nyx Tolentino is a senior high student who overworks just to prove herself to her parents. Being a daughter and a middle child was not easy for her. She had it the worst. As she continues her journey with her best friends. She soon fell in...