03

18 2 0
                                    

Sneaking Out.

Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko sa bahay nila Tanaya. Nag-aya kasi siya mag-group study dahil examination namin next week. Pumayag naman ako dahil kailangan din naman sa school.

Sinigurado ko na dala ko ang mga notebooks ko at libro dahil importante sa akin ito. Puro notes kasi ang mga laman nito kaya hindi pwedeng kalimutan.

Nagchat sa'kin si Kiel na susunduin niya daw ako. Kaya lumabas na ako ng kuwarto para magpaalam kila manang.

"Saan ka pupunta, Celestine?" Mahinhin na tanong ni mom.

"Kila Tanaya...po." Sagot ko sa kaniya.

"Anong oras ka uuwi?"

"Around 7:00 PM po." Sagot ko sa tanong niya. Hindi ako naka-tingin sa mga mata niya. Ayokong tumingin sa kaniya. Kaya naka-yuko lang ako. Mom knows exactly why I couldn't look at her.

"Anong gagawin niyo doon?" 

"Group study po."

Medyo matagal siya bago sumagot. Lumabas si ate Kate sa kuwarto niya. Ramdam kong naka-tingin siya sa aming dalawa ni mom.

"Please come home before 7:00 PM." Sabi nito sa akin. Umalis ako sa harapan niya na hindi siya tinitignan.

Bigla kong naalala na may dinner party pala mamaya kasama ang mga business partners ni dad. Kaya pala kailangan ko rin umuwi ng maaga. Hindi ko alam lung bakit kailangan ako sa mga ganoong okasyon. Kung tutuusin, pakiramdam ko ay hindi rin naman ako parte sa pamilyang ito.

But dad, my family has an image to keep. And that means I have to play my part as his obedient daughter. And it makes me sick...

Pagkalabas ko ng gate, naka-salubong ko na agad si Kiel na naghihintay sa akin.

"Akala ko 'di ka matutuloy, eh." Ngumiti siya sa akin.

"Pwede ba 'yun?" Ngumiti nalang din ako sa kanya pabalik.

Nakarating kami sa bahay ni Tanaya. Napansin ko na medyo madami kami. Nandoon din pala ang ibang teammates ni Kiel.

"Akala ko ba group study? Bakit parang naging party?" Tinaasan ko ng kilay si Tanaya.

"Kaya nga group study, eh! Atsaka in-invite ko talaga 'yung matatalino." Sabi niya at hinatak ako papunta sa table.

Nakalapag na lahat ng mga libro sa lamesa. Iba't ibang subjects dahil magkakaiba naman kami ng strand. Hindi ko rin alam paano kami magkaka-intidihan kung iibang subjects din naman ang tinitake namin pero may mga subjects din naman na same lang kami na tinitake kaya siguro doon nalang kami magtuturuan in case may mga hindi nakaka-intindi sa mga ibang concepts.

Umupo ako sa tabi ni Maleah at si Kiel naman nasa tapat ko. Napansin ko na katabi ko din pala si Simon sa kabila ko. Nagsimula na kaming mag-aral. Nagpapaturo na 'yung iba dahil hindi daw talaga nila ma-gets 'yung topic. 

"Celestine." Tawag ni Simon mula sa tabi ko.

"Bakit po?"

"Can you teach me in this part? Medyo hindi ko kasi na-gets 'yang part na 'yan." Inusog niya 'yung Physics book niya sa harap ko. Tumango naman ako at inusog ko ang sarili ko sa kanya ng ka-unti. Kung ano-ano ang binilugan ko sa libro niya na keywords. Lapis lang naman ang gamit ko kaya pwede nyang burahin.

"Gets mo?" Tanong ko sa kaniya. Medyo malapit 'yung mukha namin sa isa't isa. Nabigla ako kaya umusog ako palayo sa kanya. "Sorry sinulatan ko libro mo, pwede ko naman burahin..."

"You're a great teacher. Mas na-gets pa ata kita magturo kaysa kay Ma'am Velasco. And don't worry about the writings, I think it's quite helpful." Ngiti nito sa akin.

He'll Always Be There (Always Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon