CHAPTER 3

281 13 1
                                    

GENERAL


Ala sais ng gabi ng sunduin sya ni vhong sa bahay nila. Kinulit kase sya nito na sabihin ang address niya, ngunit dahil ayaw nya ibigay, si Archie ang mismong nag bigay ng address ni Vice.
Wala naman na kase sana syang balak na lumabas with vhong dahil sa sinabi ng kaklase nya kanina sa kanya.

Tumingin sya kay vhong na parang nag aalanganin.

"Vhong kase.. Pwedeng.. Pwedeng itigil mo na ito?"sabi nya dito.

Nagtaka naman si vhong.

"Itigil ang alin?"Vhong.

"Ito. Itong kahibangan mo. . Diba babae naman talaga ang gusto mo? Bakit sakin mo tinuon ang atensyon mo?."Vice.

Hinawakan naman sya ni vhong sa magkabila niyang balikat.

"kung kahibangan ang tawag kapag minamahal ka, ayos lang na maging hibang ako, kung Para sayo."Vhong.

"Vhong, alam mo bang usap usapan ka na sa campus? Bakit sakin pa? Sa bakla?" Vice.

"Wala akong pakealam Vice kung maging usap usapan ako sa campus, mas mahalaga pa ba yun kaysa sa nararamdaman ko sayo?"Vhong.

Natigilan si vice at hinawakan naman sya sa balikat ni vhong.

"Alam kong mahirap paniwalaan, pero mahal kita Vice."Vhong.

Napa buntong hininga na lang si vice.

"Wag mo ng intindihin ang sinasabi ng ibang tao, walang mabuting idudulot satin yun. Tara na?" pag aaya nito at inihaya ang kamay kay vice para humawak.

Tumingin muna dito si vice at humawak sa kamay nya.

"Tara na." Napangiti naman sya sa sagot nito.

At habang papunta sila sa sasakyan, may sinabi pa si vhong.

"Sana yang Tara Na yan, sa susunod maging Tayo Na."Saad nito.

Napatingin naman si vice sa kanya at nakangiti na parang kinikilig.


Matagal na rin na ganon ang set up, isang buwan na. At sa isang buwan na yun, wala pa rin awat sina Anne at Karylle sa pag kumbinsi sa kanya.

"Ayaw mo ba talaga?"Karylle.

Umiling si vice.

Napairap naman si Anne.

"Sis, kakailanganin mo din kami kapag nasaktan ka. I swear. Kung di ka namin mapilit ngayon, hihintayin ka na lang namin muna masaktan bago ka pumayag sa gusto namin."Anne.

"Girl, ang harsh mo, mukhang nag babago naman na si vhong para kay Vice."Aaron.

"I wish."Medyo mataray na sagot ni Anne.


Sa kabilang banda, mag kakasama naman sina Billy, jhong at Vhong. Tatlo lang sila sa classroom since break time na at sila lang ang di lumabas.

Pansin naman ni Billy si Vhong na napapailing sa isang tabi habang nakangiti. Nag poke naman sya kay Jhong. "Kuys, look at kuys vhong. Parang baliw."Billy.

Binato naman ni jhong ng notebook si vhong.

"Aray!"Vhong.

Tumabi naman dito si jhong at inakbayan, "Kuys, sino pinag mamasdan mo dyan? Kanina ka pa napapangiti ah."Jhong.

"Wala. Naisip ko kase si Vice."Vhong.

Nagkatinginan Naman ang dalawa, mga mukhang naexcite.
"Ah? Anong meron kay Vice MO?" pag didiin ni Billy ng 'MO'.

Ngumisi si vhong at nag dekwatro.

"ang saya nya kase kasama.."Vhong.

Di naman umimik ang dalawa at nanatiling nakatingin kay vhong.

MAKE HIM FALL INLOVE THEN BREAK HIS HEART || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon