CHAPTER 13

402 11 0
                                    

VICE

"Good morning po, magkakaroon po ng program ulit last week ng February, which is next week na.. Festival of Talent ito. So pwedeng mag compose ng sariling kanta, yun talaga ang required, spoken word, or kahit ano mang talent nyo na pwede nyong i-share sa mga kapwa natin studyante..."Sabi nung nag aannounce sa room namin.

"May interested na po ba?"Tanong pa ulit.

Nag paregister na yung iba,  habang ako. Nanatiling natahimik, nang ituro ako ni Archie.

"Si Vice. Sa singing. Compose ng sariling kanta nya."Archie.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"girl, Hindi ako sasali."Sabi ko dun sa babae.

"Teh, naregister na kita."Buern.

Tinignan ko sila ng masama at pinag hahampas ko.

"Naka plano na ang lahat. Buset kayo."Sabi ko at nagtawanan ba naman.


So ayun nga, dahil nakalagay sa papel ay magcocompose ako mg sarili kong kanta, ilang araw kong ginawa ang kanta na ito. .

"Kailangan ko ng mag gigitara, para sa performance ko." sabi ko sa kanila.

"Vicey, ako na lang."Sabi Ni Karylle sakin.

Kinuha nya yung papel na hawak ko.

"Wow, hugot song to Vicey ah?"Karylle.

"Dyan ko na lang nilabas ang nararamdaman ko K, sana pag nag perform ako, nandoon sya."Sagot ko naman.

Tinuro ko yung tono ng kanta at mabilis naman nya nakuha, pati sa room, nag pa-practice kami, wala na halos klase dahil nga sa Festival of talent na yan.



Hanggang sa dumating yung araw na festival of talent na..
Ang daming magagaling, yung iba naman nagpatawa na lamang. Karamihan, nag spoken word, at kumanta..

Hanggang sa ako na ang tinawag. Biglang nagtilian yung section namin..

Nag strum muna si Karylle gg gitara, habang ako..kino-compose ko pa ang sarili ko..

"Hi everyone. Sana, hayaan nyo ko na ibahagi ko ang nararamdaman ko. Through spoken word at sa isang kanta na aking ginawa." Paninimula ko, pero ang ingay na agad.

-"Kuys! Dito ka kase!" narinig ko yun, kay Jhong boses yon eh.

Napalingon ako sa gilid ko at nandoon dila, hinaharangan nila si vhong para di makaalis.

"Mahal ko, marahil nagtataka ka kung bakit ganoon ang ginawa ko.
Marahil, ang daming tanong na gumulo sa utak mo..
Ang daming paano at bakit na nasa isip mo..
Pasensya ka na kung nagawa ko yun sayo,. Yung hiwalayan kita at hinayaan kong masaktan ka..
Yung napagod ka kakasuyo sakin kahit na halos araw-araw ayaw kitang pansinin.." tumingin ako sa pwesto nina Vhong. Nandoon sya, nakatingin sakin.

"Pasensya na kung napagod ka. Pasensya na kung binalewala kita..
Ngayon, ako naman, ako naman ang manunuyo sayo.
Ako naman ang magbibigay ng oras at pagmamahal sayo..
Dahil nung di ka pa sumusuko, yun ang ginawa mo,
Ang iparamdam mo sakin na ako ang mahal mo.

Nung lumayo ka, inaamin ko nasaktan ako.
Nung wala ka, hinahanap hanap ka..
Kaya ngayon, ako naman ang susuyo sayo..
Ako naman ang magpapakapagod Para sayo.."

Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya..

"Magpapakapagod ako para sayo, pero hindi ako susuko.
Kasi hanggang ngayon mahal kita..
Pasensya na kung kelan sumuko ka na, dun naman kita minahal.
Hindi ako susuko, hindi ako bibitaw..
Kahit ilang beses mo ko ipagtabuyan at balewalain..
Kaya ko iyon tanggapin, kaya ko yun tiisin hanggang mapunta ka ulit sakin.."

MAKE HIM FALL INLOVE THEN BREAK HIS HEART || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon