CHAPTER 10

354 12 1
                                    

GENERAL



Kanina pa sa school si vice, at bawat maka kita sa kanya, binabati sya. Sinasabihan ng congrats.  Congrats dahil nagawa nyang saktan si Vhong, Congrats dahil nakaganti na sila dahil sa kanya, sa ginawa nyang pagpapahiya kay vhong. Sa pananakit niya.

Simpleng ngiti na lang ang binabalik niya, pero sa kalooban nya. Nasasaktan na sya. Masakit ang nararamdaman nya.

Dumating naman sina Aaron at Matt. Niyakap sya ng mga ito at hinaplos ang likuran.

" sana di ka na lang pumasok, nag stay ka na lang sa bahay nyo."Matt.

"Kaya ko naman, puso ko lang naman ang mas naapektuhan,."Nakangiti nyang sabi sa mga ito.

"Tama na nga yan, wag na natin balikan yung nangyari kahapon. Teka, bakit wala yung iba? Nasaan na?"Tanong niya.

"Namili ng food. Inutusan namin."Matt.

Nag kwentuhan muna silang tatlo, at makaraan ang ilang saglit ay dumating na ang iba.

Imabot ni Buern ang ice cream Kay vice, at si Archie naman ay inabutan syang sliced cake.

"Yan ang kailangan ng mga taong nasstress, daanin mo na lang sa kain, Te."Buern.

Walang umiimik habang kumakain sila, di kase nila alam kung paano mag oopen ulet ng topic. Kaya napansin yun ni vice.

"Ang tahimik nyo, mag salita naman kayo uy. "Vice.

"I'm sorry."Anne.

Napatingin si Vice dito,
"Sorry?para saan naman?" tanong niya.

"Para sa nangyari kahapon. Kung di ka namin pinilit, di ka masasaktan ng ganito. Akala ko, maliligtas ka sa sakit na nararamdaman mo kung gagawin to, pero I'm wrong. Mas nasasaktan ka ngayon. I'm sorry sis."Sabi ni Anne at niyakap si Vice.

Ganon din naman si Karylle sa kanya.

"Okay lang yun. Tska ginusto ko rin naman diba? Ako na mismo nagsabi sa Inyo na gagawin ko na yung plan. Mawawala din naman ang sakit."Ngumiti sya sa mga ito.

"Tara na, Punta na tayong classroom."Pag aaya niya at kinuha nya ang kanyang bag.

"Take a deep breath and smile, kaya mo yan Vice." sabi niya sa sarili nya at ngumiti.



"Uy girl, wala kang ginamit na car?" tanong ni Anne sa kanya.

"Wala. Di rin ako nagpahatid kanina. Bakit?"Balik tanong niya.

Uwian na rin kase at nasa labas na sila ng campus.

"Sabay ka na kaya?" Tanong naman ni Karylle na sasabay din kay Anne.

"Ay hindi na. May pupuntahan pa ako., kayo na lang dalawa."Sagot nya sa mga ito at nakipag beso sya.

- "Uy mag iingat ka ah? Text mo kami agad."Sabi naman ni Karylle sa kanya.

Tumango na lang sya at bumeso ulit bago umalis na.

Nag punta sya sa bahay nina Terrence, at sakto naman na nandoon pala ang mga magulang nito.

"Oh Vice, buti napasyal ka dito? Halika, pasok ka."Sabi ng ina nito na si Lorna.

"Wag na po tita, hintayin ko na lang po si Terrence." nakangiti nyang sagot. Lumapit naman ang ama ni terrence na si Albert.

"Vice, pasok ka, sa loob mo na hintayin si Terrence."Sabi nito sa kanya at inakbayan siya.

Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lamang.

MAKE HIM FALL INLOVE THEN BREAK HIS HEART || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon