I roamed my eyes around the place. An unforgettable wedding of my year, indeed. Walking slowly along the aisle wearing my long gown, I looked at the love of my life waiting at the end of the carpet.
-
"Hoy!" Muntik ko nang madura ang kinakain kong siomai na nakatuhog pa sa toothpick dahil sa biglaang pag-akbay ni Kurt, bestfriend, classmate at kapitbahay ko.
"Punyemas ka! Kung talaga ito nalaglag, babayaran mo 'ko ng bente!" Singhal ko sa kanya.
"Kahit trenta pa, makita lang kitang mabulunan," kumindat pa ang panget. Inabot ko ang ulo niya para makaltukan.
Inirapan ko nalang siya at naglakad na papasok sa classroom. Hawak ko pa ang xerox copies ng activity namin sa Biology na inutos sa akin na ipamigay sa mga pangit kong classmate. Kaya todo ingat ako kasi baka matapunan ng toyo.
Habang naglalakad sa corridor, "May output ka na sa Gen Sci?" biglang tanong ni Kurt.
"Oo, at 'wag kang magkakamaling makiusap na tingnan at sabihing kukuha ka lang ng idea, salamat," ngumiti ako ng pagak at pumasok na sa room.
"Happy Bornday, Caroleen bbq! Kiss ko?" Bungad ni Kurt isang umaga ng 17th birthday ko. Hindi pa man ako nakakatapak sa loob ng school premises ay nabati na niya ako. Aba, naalala ni panget. Napangiti ako sa loob-loob ko.
"Salamat, at ikiss-kiss mo ang ulo mo sa pader, mga tatlo," sabay na kaming pumasok sa room.
Sa mga taon na nagdaan ng pagsasama namin bilang magkaibigan, lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi na bilang kaibigan kundi bilang isang lalaki.
"Ganda mo ngayon a, sana all," pagbibiro niya habang sinasayaw ako. Siya ang nilagay kong last dance ko ngayong 18th birthday ko.
"Maganda talaga ako, no. Kaya nga crush mo 'ko e," pagbibiro ko rin, half-meant nga lang. Umaasa ang hormones ko na sana um-oo siya.
"Yuck, laki ng ulo natin tropa a?" Tawa niya pa. Hindi naman masakit mga sis, sobra lang, grabe. Tropa raw tapos yuck pa.
"Pagbilang ko ng tatlo titingnan mo results ko at titingnan ko iyo, okay?" sabay rin kaming nagtake ng CETs sa mga school na gusto namin.
"Oo na, paulit-ulit naman, e," kamot pa ni Kurt sa ulo niya.
"1, 2, 3!"
"Pumasa ka!" Sabay naming sabi. Napayakap ako sa kanya. Parehas naming dream school ang pinasahan namin at ngayon schoolmates na naman kami.
Nursing ang kinuha kong course at Civil Engineering ang kinuha ni Kurt. Minsan nalang kami magkita at dumating na ang kinatatakutan kong mga panahon.
"Alam mo ba, feeling ko MU na kami ni Pia," napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Oh tapos?" Bitter kong sabi pero hindi naman ganoon ka halata. Umiling nalang siya at nagpatuloy.
"Hoy ikaw kapag may nanligaw sa'yo sabihin mo may boyfriend ka na at ako 'yun ha?"
"Ano?!" Muntik ko nang maibuga 'yung iniinom ko sa sinabi niya.
"Isusumbong kita kay Tita kapag nagboyfriend ka ng undergrad ka pa, kala mo," Aba talaga, e ikaw lang naman gusto kong jowain!
"E bakit kailangan kong sabihin na ikaw ang boyfriend ko? Yuck, kadiri, disgusting, gross," umarte pa ako na parang nasusuka. Isa sa mga sikreto na dadalhin ko hanggang sa hukay ko ay ang feelings ko para kay Kurt. Marami kasi akong nababasa na kapag umamin ka sa kaibigan mo tungkol sa nararamdaman mo e mawawala na ang friendship niyo, at ayun ang pinakahuli kong gustong mangyari.
Pero may mga panahon na gusto ko na ring sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, ang problema lang ay kada week, iba-iba ang nababalitaan kong ka-MU niya. Napakalandi amp. Bakit hindi nalang ako, di'ba? Char with feelings.
One time, on chat...
Caroleen Guerrero: Hoy! May sasabihin ako!
Elias Kurt Hernandez: Spill the thesis.
Caroleen Guerrero: Gusto kita.
Elias Kurt Hernandez: Act ba 'to? Dare?
Caroleen Guerrero: Gusto nga kita, epal mo. ;(((
Elias Kurt Hernandez: Kikiligin na ba ako?
Elias Kurt Hernandez: Gusto din kita, e.
Elias Kurt Hernandez: Charot.
Elias Kurt Hernandez: Wait lang, naglalaro kasi ako e. Tawag ako mamaya.
Caroleen Guerrero: Gusto kitang sakalin.
Caroleen Guerrero: HAHAHAHAHAHA, sana matalo ka bwisit ka.
Parang universe na talaga ang nagsasabi na "Caroleen, 'wag. Stappet, mawawala friendship niyo ni Kurt kapag umamin ka."
I was there when he graduated.
I was there when he passed the boards.
I was there when he got his first job.
As a friend, because I was always so scared to let him know what I really feel.
I was so scared of his rejection.
I was afraid to see him disappointed in me because all he could give me is friendship and no more than that.
-
"I, Elias Kurt Hernandez, will take your love to give me hope, give me joy, and make me a better man. I promise to listen, to hear, and to always consider your feelings and thoughts as we travel together on this journey. You may not be my first love, but I promise that you will be my greatest love and that I will love, honor, and cherish you, forsaking all others, as a faithful husband as long as we both shall live."
-
"Congratulations on your wedding, Kurt and Angelique! It's so perfect to see you together. I knew you'll end up with each other."
"The wedding was awesome!"
"Thanks, Tita. We really worked hard for this. Please enjoy," The bride smiled beautifully.
The MC was busy entertaining the guests with his words when he suddenly asked about something that was also bothering me.
"E narinig niyo ba ang vow ni Mr. Hernandez? Napakasweet! Greatest love nga naman. Pero groom, maraming nagtatanong sino kaya ang first love mo? Baka pwede mo namang ishare tutal no feelings attached na naman at greatest love mo na ang misis mo," malisyosang line ni bakla.
Lumapit si Kurt sa stage at inabot ang mic. Everyone went silent when he turned his gaze to his smiling wife. Tumango ito.
"She is someone I depended on, always. Someone I was scared of losing na umabot sa pagkakataong natakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. But, I have no regrets because she is so successful now in her own career and I could never ask for more. I also am now successful at kasal pa sa babaeng pinakamamahal ko. Maria Caroleen Guerrero, thank you for being my first love. Thank you for making me feel happy since the day I saw you until now. Thank you for bringing me my wife now, because if not to you, I will not be able to meet and now marry her," He said as he looked at me intently.
At that moment, I realized how much my fear turned my life into a mountain of regrets.
What if? What if?
-
In another life I would be your girl.