Some(one)thing Under

17 1 0
                                    

"I hope I'll live a better life. Sana iba nalang ang magulang ko."

That being said, nagising nalang ako isang araw na nasa katawan na ako ng ibang dalaga, ibang kaanyuan, ibang pamilya, at ibang estado sa buhay. Isang araw na ang nakakaraan, and I really do enjoy living with a wealthy family. 

"Ma'am Angel, gising na po! Baka malate po kayo at ang daddy niyo," Angel. That's her name. Hindi pa din ako sanay na tinatawag sa ibang pangalan. I still prefer my name Kaye. I am not Angel, but I have to be.

Kung panaginip man ito, ipinagdarasal ko gabi-gabi na sana'y hindi na ako magising.

Habang naglalakad sa corridor ng campus na pinapasukan ni Angel, naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo sa aking batok. I am hearing chants and echoes that made me feel dizzy.  I wonder if it is just me or may saltik talaga 'tong si Angel. 

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad. "Umalis ka na dyan," That made me stop. It was definitely a lady's voice. The day went on with those echoes at pinilit ko ang sarili kong mag-cope up sa kung ano mang nangyatari sa'kin.

"Sino ka?"

"Tulungan mo ako."

"Gumising ka."

"Hindi ka dapat nandyan."

"Kaye!!!!!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. It was my name. Ako talaga yata ang may tama. Kanino namang boses 'yon? Hindi naman pamilyar sa'kin.

Hindi ko alam kung nagjogging ba ako o nagwork-out sa panaginip ko, basta uhaw na uhaw ako kaya kailangan kong uminom. Bumaba ako ng dahan-dahan dahil alas tres na ng umaga. Muntik na akong mapasigaw nang marinig kong natumba ang isang picture frame. Hindi ko nga lang alam kung kaninong picture 'yon. 

Gusto ko mang itayo ulit, bukas nalang dahil nagtataasan na ang balahibo ko at baka mamatay ako sa sakit sa puso sa sobrang takot. 

Nang makarating sa kusina, hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil may ilaw naman galing sa labas dahil sa clear window. Kumuha ako sa ref ng malamig na tubig ng may nanginginig na kamay. 

"Kaye, ibalik mo." Agad-agad kong binitawan ang baso na hawak at tumakbo na paakyat sa kwarto. Ang mga yabag ko marahil ay nagpagising sa mga tao sa bahay. 

Agad kong itinalukbong ang kumot at tinakpan ang tenga. Tila hinihila ako ng aking kama, parang may mali sa ilalim. Nang may nanginginig na kamay at mabilis na tibok ng puso, I tried to see what's underneath my bed. Pero bago ko pa man iyon magawa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga magulang ko---magulang ni Angel.

"What's wrong, Anak? Is something bothering you?" Mother asked.

"I can hear things, I can feel something under my bed," takot kong sabi sailalim ng makapal na kumot.

Takang nagkatinginan ang Mommy at Daddy ni Angel.

His Dad looked underneath and he looked shocked and amused at the same time until I heard a voice under me.

"Dad, there's someone on my bed."


one - shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon