TW: Death, Suicide
The sound of siren surrounded my ears as I tried to reach out for her hand. Arms are all over me trying to get rid of my presence making me feel dizzy and blank. I don't know what to react anymore. I just wanted to caress the softest hand I've ever held my whole life.
My sight blurred as the scene changed. Nakita ko ang sumasayaw na mga dahon kasabay ng pag-ihip ng panghapong hangin sa parke ng subdivision. It has been my routine to unwind here after a long tiring day at school. Napakarami na namang pinagagawa nitong mga nakaraang araw at hindi ko na alam ang uunahin. Mabuti na lamang at napagpasyahan kong bawasan ang iba at gawin sa classroom bago umuwi. Para naman magka-oras sa ganitong luho: ang manood ng paglubog ng araw.
Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ang bahagyang tunog ng kalawang ng swing. Nakita kong umupo ang napakaputing babae, maputi siya at hindi ko na alam paano pa siya idedescribe. Maganda? Oo, maputi eh. Napaiwas nalang ako ng tingin. I saw her smirk when I avoided her gaze. Anong trip nito? At saka sa 7 years ko dito, ngayon ko lang siya nakita, ah!
"Manonood ka ng sunset?" Napatingin ako sa paligid para siguruhing ako ang kinakausap ng maputing babae. "Uh, oo," tipid kong sagot. Ngumiti siya at hindi na sumagot.
"Taga-rito ka?" Pagpapahaba ko sa usapan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pang-uusisa pa. Dapat tahimik nalang kami, eh! Pero kasi mas awkward kapag tahimik, pero ayaw ko rin ng ganoon. Ewan ko ba.
"Kakalipat lang namin. Ikaw? Ah! Iyang uniform mo, dyan ako mag-aaral," pagshi-share niya habang nakatingin sa suot kong kulay puting blouse na may striped necktie at yellow na palda. Nag-iwas din siya kaagad ng tingin.
"Talaga ba? Baka maging classmates pala tayo kung - " Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa papalubog na araw. It reflected on her perfectly angled jaw and deep set eyes.
I felt at peace just by looking at her that's why I couldn't fathom how horrid this image is in front of me. Pinipigilan pa ako lalo ng mga pulis at ng emergency team na lumapit sa kanya. I don't know why. I lost my balance and let the dark consume my whole being.
"Sandy! Sandy, Labas na! Baka ma-late na tayo!" I opened my eyes after hearing that familiar voice. Mabilis akong lumabas nang naka-uniform na at handang handa na pumasok.
"Bakit ka naka-high knee sock? Papagalitan ka na naman niyan ni Ma'am," iling ko sa kanya. Ngumiti lang siya tila walang pakialam at sumabit na sa braso ko na parang unggoy.
"Gusto ko ng choco marble na ice cream," biglaan niyang sabi habang naglalakad kami.
"Edi bumili ka."
"Oo na. Pero sasamahan mo ako," palautos niyang sabi. Pinapasweldo ba ako nito?
Tumawa na lamang ako at tumango. "Okay."
"Yes!" She chanted joyfully but the voice faded as I heard whispers from different people before I completely opened my eyes to perceive a white room which I cannot determine where.
"Kawawa naman ang batang iyon. Mabait pa naman."
"Oo nga, eh. Kung alam ko lang na ganoon ang pinagdadaanan noon ni Trina, matagal ko nang kinupkop nalang iyon."
"Nasaan na raw ba ang magulang?"
Trina? Anong nangyari kay Trina?
Bumangon ako at sinubukang tumayo. Nagulat si Mama at ang aming kapitbahay na naroon din.
"Sandy! Teka tatawag ako ng doctor," sabi ni Aling Jenny.
Umiling ako at agad na nagtanong, "Nasaan si Trina? Bakit ako nandito? Nandoon lang ako kanina sa bahay nila, ah," nangilid ang luha ko. Naalala ko ang imahe ng matalik kong kaibigan.
Nanlabo ang paningin ko sa panibagong alaalang pumapasok sa isipan.
"Sandy, Happy Birthday!" Masayang bati ni Trina isang umaga ng birthday ko. Napangiti ako at tinanggap ang regalo niyang nakabalot sa isang kulay asul na wrapper na halatang siya ang nagbalot. Natuwa ako sa effort niyang gumamit ng mga washy tape kahit hindi ganoon kasuccesful.
"Salamat!"
"Alam mo ba, sobrang saya ko na nakilala kita. Sana kaibigan kita forever, ah?" Napalawak ang ngiti ko sa kanyang tinuran.
"Oo naman! Kung gusto mo pumasok pa tayo sa parehong college para blockmates pa rin tayo."
Hindi siya sumagot at ngumiti lang ng tipid. Weird. Usually she'd talk about how she wants to be a film director. Kung paanong gusto niyang gumawa ng pelikula na pinagbibidahan ng paborito niyang sina Kathryn at Daniel. She also wants to enter the Manila Film Festival and of course I fully support her.
"Kain na tayo sa loob!" Anyaya ko matapos ang ilang sandali.
Umuwi din si Trina saglit sa kanilang bahay. Mga tatlong oras na siguro ang nakararaan. Binuksan ko ang regalo niya sa kwarto ko at nakita ko ang isang sulat at picture frame naming dalawa na nakawacky sa parke kung saan kami unang nagkakilala, nakaupo sa swing.
Binuksan ko ang letter.
To the ever bright and lovely Sandy,
Happy Birthday, Sand! 17 ka na! 1 year na lang legal ka na. Masaya ako dahil buhay ka. Masaya ako dahil nakilala kita. Masaya ako dahil sa araw na ito 17 years ago buhay ka. Masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti at higit sa lahat kapag magkasama tayong kumakain sa tapat ng computer shop ng ice cream. I hope you stay healthy and pretty. You are the brightest star I have ever received and I can no longer ask for more. Dahil dyan, sana hindi mo ako makalimutan. Masaya akong aalalahanin ang memories natin, palagi. I love you, Sandy! Sobra. The time na umupo ako sa swing, iyon ang pinakamabuting desisyon ko. Dahil hindi lang ang araw ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa kung hindi pati ikaw. Sana maabot mo ang lahat ng mga pangarap mo at maging genuinely happy ka. I will truthfully be by your side through every milestone na makakamit mo. Happy birthday ulit! Ang drama haha sana 'di ka masuka.
Ps: Pls don't cry
Pps: im sorry
Love,
Trina
Nakaramdam ako ng init sa aking puso at nagsimula akong umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Napakasikip sa dibdib. Napadilat ako nang marinig ang mga sirena ng hindi ko alam kung ambulansya o pulis. Padabog na binuksan ni Mama ang pintuan ng aking kwarto.
"Anak, si Trina nakitang wala nang buhay sa bahay -" Nanlaki ang mata ko.
Hindi ko na pinatapos si Mama at agad nang tinakbo ang distansya sa bahay papunta kila Trina. Hindi, nagkakamali sila. Bakit naman iyon gagawin ni Trina?
Halos hindi ako makahinga nang makita ang kaibigan. Lubid, dugo, upuan.
Pinakalma ako ni Mama nang bumalik ako sa huwisyo nang nasa ospital na. Hindi matapos-tapos ang luha ko. Ang mga alaalang bumalik sa akin kani-kanina lamang, ay ang siya ring mga alaalang hindi ko na pala kailanman mababalikan dahil sa sakit na dulot nito.
Hindi ko alam ang pang-aabuso sa kanya. Kung napansin ko lang agad ang sadya niyang pagsusuot ng mahabang medyas, longsleeve blouse, at salamin. Napakagaling niyang magtago. Hindi ko alam ang mararamdaman. Patuloy na lamang akong umiyak hanggang maubos at mamanhid.
Hindi ako naging sapat para mabuhay siya, para magpatuloy siya.
-
Kumakain ako ng choco marble habang naglalakad paalis sa Memorial Park kung saan nakatira ang aking forever na matalik na kaibigan. Naglapag lang ako ng bulaklak, nagkwento ng mga pinagdaanan sa nakaraang buwan, at nag-alay na rin ng dasal.
Lumingon ako ng isang beses bago sumakay sa sasakyan. Nakita ko ang krus na puti at ang kulay asul at maliwanag na langit. Maybe, forever isn't for the people involved, but for the memories that they shared and enjoyed together.