IT WAS THE FIRST FRIDAY of January 2020 at ngayon ay nasa loob ng Casa Manila ang buong team Chic dahil ito ang napiling photoshoot venue para sa upcoming issue ng Chic Magazine for the month of February. After the photoshoot, Suzie changed her outfit in the dressing room and now, she was wearing a red puffed sleeved mini dress. Umupo si Suzie sa kanyang black foldable chair upang makapagpahinga, since tapos na rin naman ang nakakapagod niyang trabaho, at kasalukuyan ng nagpa-pack-up ang buong team. Kahit sabihin na isa siyang "celebrity model", mahirap din ang ginagawa niyang pagpo-pose sa harap ng camera. Kinuha ni Suzie ang bote ng malamig na tubig mula sa katabing table niya. Binuksan niya ang bottle cap nito saka uminom. Pagkatapos lumagok ng inom, ipinatong niya ang bote ng mineral water sa lamesa saka kinuha niya ang kanyang smartphone at naglog-in sa kanyang Instagram account. Habang patuloy siya sa pag-i-scroll ng kanyang news feeds, nahimigan niya ang pagtawag sa kanya ni Macky, her jolliest personal assistant. Sa sobrang "jolly" niya, puwede na siyang maging mascot.
"Suzie! I have a good news for you! For sure, magugustuhan mo ang ibabalita ko!" maligayang ibinulalas ni Macky kay Suzie habang kinakanta niya ang chorus ng kantang Boy with Luv ng BTS.
Pumamaywang si Suzie saka nagtaas ng kilay at ngumuso kay Macky. "Is that a new project, Pipay?"
Suzie nicknamed Macky as Pipay. Naalala kasi ni Suzie si Peppa mula sa pambatang palabas na Peppa Pig dahil sa built ng katawan ni Macky. Well, Suzie created an improvised Filipino term for Peppa kaya naging Pipay. Noong unang beses na naging P.A ni Suzie si Macky, nasaktan ng husto ito dahil sa palayaw na ibinigay ng modelo sa kanya. But as time passed by, nasanay na rin siya because they formed a harmonious relationship with each other. Both professional and personal relationship. Itinuring na kaagad ni Macky na kaibigan ang modelo.
"Oo, Suzie. Tinanggap ni Mamita Kennie ang project na 'to kani-kanina lamang. Nagulat nga ako e." Macky stated while reading and turning each pages of the stapled document that she was holding then she yelled. "Eureka! Heto, Suzie. Check mo kung okay lang ba sa'yo ang project na 'to. Gusto nilang ikaw ang maging model for the endorsement of their condominium. Siyempre, ibi-billboard 'to. Malakas kasi ang appeal mo," ani Macky sabay iniabot ang dokumento kay Suzie saka kinuha naman ito ng dalaga.
Tinitigan ni Suzie ang printed picture ng condominium building saka patanong niyang binasa ang naka-uppercase na titulo ng dokumento. "Dawson Residences?"
"Ah, si Blake Dawson Alarcon ang may-ari niyan. Isa sa pinakasikat na businessman at may-ari ng B.D Alarcon Group of Companies. Take note, cum laude siya ng Civil Engineering noong college at fresh na fresh pa! He is one of the youngest CEO sa Pinas bukod sa Fil-Korean hottie na si Maverick Jung! They're both 26 years old lang," kinikilig na bulalas ni Macky. As a response, Suzie landed her blank gaze at Macky then she grimaced. She rolled her eyes on Macky and drew an exasperated sigh then, she returned her eyes at the paper she was holding.
"Whatever! Wala naman akong magagawa kung tinanggap na ni Mamita ang project na'to. I'll do my job. Besides, wala naman ibang model na kayang humatak sa taumbayan, 'di ba? Sabi mo nga Pipay, malakas ang appeal ko." Suzie tilted her chin up and flashed a smug smirk at Macky then, she threw the document in air while Macky caught the stapled document frantically.
Nang makuha na ni Macky ang inihagis na dokumento ni Suzie, napailing ito saka marahas na bumuga ng hininga at deretsong tumititig sa modelo. "Suzie, h'wag mo sanang dadamdamin ang sasabihin ko. Habang tumatagal kasi, hindi ka na ang Suzie na kilala ko. Iyong dating Suzie na pa-cute, mahiyain, humble at mahilig mang-asar ng... kaunti. Kasi, ngayong 25 years old ka na, parang ibang Suzie na ang kaharap ko. You're being too mean and too conceited. Kaya hindi ka magka-love life e," prangkang winika niya kay Suzie.
BINABASA MO ANG
UnLucky Suzie [Published under 8LETTERS]
ChickLitNaging pampalipas-oras na ni Lucky Suzie Manansala ang paglahok sa iba't-ibang klase ng raffle draws at sweepstakes dahil sa buong buhay niya, never pa siyang pumapalya at lagi rin siyang nananalo rito. Truly, her first name "Lucky" suits her. Dahil...