NINETEENTH LUCK

32 5 0
                                    

NAIPIT sa matinding trapiko si Maverick. Mahigit sa kalahating minuto na rin nakatigil sa daan ang kanyang sasakyan na malapit sa World Trade Center. Naka-ilang busina na rin siya at dahil dito ay lalo pang nadadagdagan ang kanyang pagkayamot. Pagkayamot sa sarili dahil sa kamalian nagawa niya kay Suzie, at pagkayamot sa traffic. Along his vexed face, Maverick drummed his clenched fist on his car's steering wheel. A few moments after, the green signal of the traffic lights glowed.

Agad siyang nagmaneho nang naging berde ang signal ng traffic lights post. Sa kanyang pagmamaneho, daglian pa siyang napalinga sa World Trade Center na tila hindi mahulugang karayom sa dami ng tao, dahil hanggang labas ng gusali ay may mga nakapila. Hindi ito inintindi ni Maverick sa halip, itinuon niya ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan niyang matukoy kung nasaan ang kinaroroonan ng kanyang substitute secretary. His Un-Lucky Suzie. He had to get her back from Blake, apologized to her and caged her to his warm arms.

Nakarating na si Maverick sa Lovely Residences saka tumalilis siya sa pinto ng elevator upang sumakay paakyat sa 25th floor level kung nasaan nakalagi ang condo unit ni Suzie. Tiniis niya ang siksikan ng tao sa loob ng elevator makarating lang sa nasabing floor level. Saktong tumigil ang elevator sa 25th floor, malalaking hakbang ang kanyang inilakad papalabas saka pumunta sa unit ni Suzie.

He motioned toward Suzie's condo unit and as he reached the door, he extended his hand on the front-door knob and tried to open it, but it was locked. Malakas na kinatok ni Maverick ang pinto ng condo unit. "Suzie, are you there? Suzie, open the door please!"

Kinakalampag na ni Maverick ang pinto ngunit wala pa ring Suzie na sumasagot. Tiyempong-tiyempo naman ang paglabas ng mag-asawang Samaniego sa kabilang unit saka nila namataan ang natatarantang si Maverick.

"Sir Jung?!" gulat na bulalas ni Carson kay Maverick, habang himas-himas naman ni Nathalie ang kanyang tiyan na tila may pagtataka sa ekspresyon ng mukha. The couple had an appointment today at an ob-gyn in a renowned private hospital in Manila. Maverick then tilted his head on the right side and gazed at Carson.

"Carson, have you seen Suzie? Nakauwi na ba siya?"

Nathalie's eyebrows furrowed in wonderment. "Hindi pa umuuwi si Suzie e. Kung uuwi man siya, una niya akong pupuntahan. Bakit? May nangyari ba kay Suzie? O baka may ginawa ka sa bestfriend ko ha?!"

Napalingon si CaRson sa asawa saka pinandilatan ito ng mata. "Cupcake, si Sir Jung 'yan."

Inirapan lamang ni Nathalie ang asawa saka pinaikutan ng mata si Maverick.

Hindi inintindi ni Maverick ang uri ng pagtugon ni Nathalie sa halip binigyan niya ito ng matipid na ngiti saka bumaling ng tingin kay Carson. "Long story. Kung sakali na umuwi siya, just contact me, Carson. Sige na I have to go."

Nagkatitigan lamang ang mag-asawa saka sabay silang nagkibit-balikat.

Tinalikuran na ni Maverick ang mag-asawa saka nagmamadali na tumakbo papalapit sa elevator at muling sumakay. As soon as the elevator reached the ground floor, he motioned outside when the elevator door opened then, he dashed toward his parked car. Nang paandarin na muli ni Maverick ang kanyang sasakyan at pinaharurot ito, tila biyaheng langit na ang kanyang pupuntahan dahil sa sobrang bilis niyang magmaneho. His second choice of destination was his owned mall, the Tower Mall. Nagbabaka sakali si Maverick na napadaan o gumala si Suzie rito dahil dito rin sila unang "nag-date" nang binigyan niya ito ng day off. Date nga ba na masasabi?

Dere-deretso lamang ang paglalakad ni Maverick at hindi na niya pinansin pa ang mga sumalubong at bumating empleyado sa kanya, bagkus inutusan niya ang isang staff na samahan siya sa Security room ng mall. Both of them headed toward the Security room na nasa kabilang dulo ng ground floor. As he came inside, his employees greeted him. Then in an instant, he commanded them to replay the recorded videos today starting from eleven in the morning until two in the afternoon. Agad sinunod ng kanyang mga empleyado ang kanyang utos. Isa-isa rin binusisi ni Maverick ang mga recorded videos ng CCTV kung may "Lucky Suzie Manansala" ba na lilitaw sa isa sa mga camera. Sadly, there was no trace of Suzie.

UnLucky Suzie [Published under 8LETTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon